MAGALIW AKING BAYAN Liksyon 8 para sa ika20
“MAG-ALIW AKING BAYAN” Liksyon 8 para sa ika-20 ng Pebrero, 2021
Sa Isaias 40, inilarawan ng propeta kung sino ang Dios, ang Kanyang Kapangyarihan, at paano niya tayo pinakikitunguhan. Pinaalalahanan din tayo ni Isaias kung paano sumagot sa banal na panawagan: “Ikaw ay dumaing! […] ilakas mo ang iyong tinig na may kalakasan […] Itingin ninyo ang inyong mga mata sa itaas, at tingnan […]” (Isaias 40: 6, 9, 26). Mag-aliw. Isaias 40: 1 -2 Paghahanda. Isaias 40: 3 -8 Pangangaral. Isaias 40: 9 -11 Lakas. Isaias 40: 12 -18, 21 -31 Pagsamba. Isaias 40: 19 -20
MAG-ALIW “‘Inyong aliwin, inyong aliwin ang aking bayan, sabi ng inyong Dios. ” (Isaias 40: 1) Ang 1 – 39 na kabanata ng Isaias ay binubuo ng kasaysayan ng Israel sa panahon ng buhay ng propeta (at ilang hula tungkol sa hinaharap ng mga bansa sa palibot nila). Ipinakita ni Ezekias ang kanyang kayamanan sa mga taga-Babilonia. Ang mga kayamanang iyon at ang bayan ng Jerusalem ay dadalhin sa Babilonia bilang parusa sa kanilang mga kasalanan. Ayon sa Isaias 40: 1 -2, papatawarin ng Dios ang Kanyang bayan, at aaliwin Niya sila. Mula sa kabanata 40 pataas, ang mensahe ay nakatuon sa hinaharap. Umiikot ito sa dalawang pangunahing pangyayari: (1) Pagkabihag sa Babilonia at pagbabalik ng mga nalabi, at (2) ang pagdating ng Mesias.
PAGHAHANDA “Ang tinig ng isang sumisigaw, Ihanda ninyo sa ilang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang lansangan para sa ating Dios. ’” (Isaias 40: 3) Paano aaliwin ng Dios ang Kanyang bayan? May dalawang “tinig" na nagpapaliwanag nito: Isaias 40: 3 -5. Paghahanda ng daanan upang presensya ng Dios ay maipahayag ng lubos sa ating buhay Isaias 40: 6 -8. Sa pamamagitan ng Salita ng Dios na “mamamalagi magpakailan man ”. Matapos bihagin, naibalik sa bayan ng Dios ang tinanggihan nila dati: ang presenysa ng Dios at ang Kanyang Salita. Ipinaliwanag ni Juan Bautista kung ano ang ating dapat gawin upang mahanda (Luke 3: 2 -8): pagsisisi at pagtanggi sa kasalanan, upang matanggap natin ang kaaliwan ng presensya at kapatawaran ng Dios.
PANGANGARAL “Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Sion, sumampa ka sa mataas na bundok; Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Jerusalem, ilakas mo ang iyong tinig na may kalakasan ilakas mo, huwag kang matakot; sabihin mo sa mga bayan ng Juda, Tingnan ang inyong Dios!’” (Isaias 40: 9) Kung hand ana ang daan, ang “Zion” ay dapat ipakilala si Kristo sa sanlibutan: “Tingnan ang inyong Dios!” Ang mensaheng ipapahayag natin ay base sa kahangang kapangyarihan ng Dios, at ang kanyang atoridad na maghukom at magbigay ng gantimpala (v. 10; Apoc. 14: 6 -7). Ang Ebanghelyong ipapangaral natin ay higit pa sa mensaheng ito. Dapat din nating ipahayag na tunay na kumakalinga sa atin ang ating Manunubos. Siya ang Pastol na magiliw na kumakalinga sa Kanyang mga tupa (v. 11; Juan 10: 11). Sundin natin ang halimbawa ng mga taong gaya nina Simeon at Anna, Maria Magdalena, mga apostol, at iba pa. Itinaas nila ang kanilang mga tinig upang ipakilala ang Tagapagligtas—Jesus ng
LAKAS “Nguni't silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila'y paiilang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina. ” (Isaias 40: 31) Dalawang mukha ng likas ng Dios ang ipinakilala sa kabanata 40: Makapangyarihan (v. 12 -26). Siyang lang karapatdapat sambahin Puno ng awa (v. 27 -31). Pinalalakas Niya silang nagtitiwala sa Kanya Gumamit ng mga tanong si Isaias upang luwalhatiin ang kapangyarihan ng Dios (v. 12 -14), gaya ng ginawa ng Dios sa pakikipag-usap kay Job. Ipinaliwanag ni Isaias na walang maikukumpara sa Kanya. Hindi napapagod ang Dios, at ganun din ang mga nagtitiwala sa Kanya.
PAGSAMBA “Ang larawang inanyuan na binubo ng mangbububo, at binabalot ng ginto ng platero, at binubuan ng mga pilak na kuwintas. ” (Isaias 40: 19) “Kanino nga ninyo itutulad ang Dios? o anong wangis ang iwawangis ninyo sa kaniya? ” (Isaias 40: 18). Masasamba ba natin ang Makapangyarihang Dios sa pamamagitan ng imahe? Inilarawan ng Israel ang Dios sa isang baka (Exodo 32: 4; 1 Hari 13: 28). Gayunman, mariing tinanggihan ng Dios ang pagsamba sa pamamagitan ng mga imahe (Deuteronomio 4: 15 -16; Exodo 20: 4 -5). Malinaw ang Biblia tungkol sa kawalan ng magagawa ng mga diosan at nilang sumasamba sa kanila (Awit 115: 4 -8). Maaari nating sambahin ang “anoman” sa pamamagitan ng imahe, ngunit hindi ang Dios. Alalahanin na ang diosan ay hindi kinakailangang may pisikal na hugis. “Anumang bagay na iniibig ng tao at inaasahan sa halip na mahalin ang Panginoon at pagtiwalaan Siya ng buo ay nagiging diosan. ” (E. G. W. 5 T, cp. 26, p.
“Many were the messages of comfort given the church by the prophets of old. ‘Comfort ye, comfort ye My people’ (Isaiah 40: 1), was Isaiah’s commission from God; and with the commission were given wonderful visions that have been the believers’ hope and joy through all the centuries that have followed. Despised of men, persecuted, forsaken, God’s children in every age have nevertheless been sustained by His sure promises. ” E. G. W. (Prophets and Kings, cp. 60, p. 722)
- Slides: 8