Lipunang Pangekonomiya Inihanda ni Mary Krystine P Olido














- Slides: 14
Lipunang Pang-ekonomiya Inihanda ni Mary Krystine P. Olido para sa Unang Markahan ng Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9
Pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng Diyos
Hindi pantay-pantay ang mga tao. May mga taong mananatiling nasa itaas, dinudungaw ang mga tao sa ibaba
Pantay o Patas?
Max Scheler • Para kay Scheler, bahagi ng pagiging tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa hulma ng ating katawan ang kakayahan nating maging isang sino.
Max Scheler • …dahil na rin sa hindi pagkakapantay-pantay na ito, kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng bayan.
Prinsipyo ng Proportio • Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang prinsipyo ng proportio ay angkop na pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng tao.
MALI ITO!
• Una ang halaga ng tao bago ang tinapay. May tinapay man o wala, may halaga ang tao. • Pangalawa – dahilan ng paggawa at pag-aari (ownership) – gumagawa at nagmamay-ari ang tao hindi upang makipagmayabangan sa iba, ibagsak o pahiyain ang iba o makipagkompetisyon sa iba. Gumagawa siya dahil nais niyang ipamalas ang kaniyang sariling galing. Nagtatrabaho siya upang maging produktibo sa kaniyang sarili.
Trabaho – “hanap-buhay” – hindi nagtatrabaho par sa pera kundi para sa buhay na hinahanap niya
• Ang buhay ng tao ay pagsisikap na ipakilala ang sarili sa pamamagitan ng paggawa hindi ng yaman. • Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kanyang paggawa.
Ekonomiya • Galing sa salitang“oikos” (bahay) “nomos” (pamamahala) – tulad ng pamamahala sa bahay, may sapat na budget na kailangang pagkasyahin sa lahat ng bayarin upang makapag buhay-tao ag kanilang buhay at upang maging tahanan ang bahay.
Lipunang pangekonomiya • – pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan. Pinapangunahan ito ng estado na nangunguna sa pangangasiwa ng patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan.