Liksyon 7 para sa ika16 ng Pebrero 2019
Liksyon 7 para sa ika-16 ng Pebrero, 2019
Ang pitong mga anghel na may tag-isang trumpeta ay bahagi ng eksena sa ikapitong tatak, pagkatapos ng may biyaya. Mayroong dalawang karagdagang paliwanag para sa mga trumpetang iyon: Ang parusa ng Dios sa mga nang-usig sa bayan ng Dios mula sa panahon ni Jesus hanggang sa Ikalawang Pagparito (kapareho ng pitong mga tatak). Ang parusa ng Dios sa mga hindi tumanggap ng tatak ng Dios (kapareho ng pitong mga salot). Ang ikapitong tatak. Apocalipsis 8: 1 -5 Ang pitong trumpeta. Apocalipsis 8: 6 -9: 21 patlang: Ang anghel na may maliit na aklat. Apoc. 10 Ang dalawang saksi. Apocalipsis 11
ANG IKAPITONG TATAK “At nang buksan niya ang ikapitong tatak, ay nagkaroon ng katahimikan sa langit na may kalahating oras. ” (Apocalipsis 8: 1) Naghahari ang malalim na katahimikan sa langit habang naghihintay ang lahat sa paghuhukom na ibubuhos sa Lupa. Binigyan ng mas maraming insenso anghel na nananalangin para sa mga banal (v. 3 -4). Nang mga baga (v. 5) ay itinapon sa labas (sa bakuran ng Templo, sa Lupa), nakita ni Juan ang paghuhukom ng Dios sa rebeldeng sangkatauhan.
ANG 7 TRUMPETA (1) “At ang pitong anghel na may pitong pakakak ay nagsihanda upang magsihihip. ” (Apocalipsis 8: 6) Paano ginagamit ang mga trumpeta sa Lumang Tipan? Upang tipunin ang mga tao (Bilang 10: 2 -4) Upang magbabala at tumawag na makipagdigma (Bilang 10: 9) Upang ipagdiwang mga piyesta at ang mga haing pangkapayapaan (Bilang 10: 10) Upang ipaalam ang “araw ng Panginoon”, ang Paghuhukom (Joel 2: 1) Natatakan na ang bayan ng Dios (9: 4) at binitawan na ng apat na mga anghel ang hangin (9: 14 -15; cf. 7: 1 -3), kaya ito ay mangyayari katugma sa huling pitong salot.
ANG 7 TRUMPETA (2) “At ang pitong anghel na may pitong pakakak ay nagsihanda upang magsihihip. ” (Apocalipsis 8: 6) Ang mga trumpeta ay napakahawig sa mga salot sa Ehipto, at sa ibang bagay sa Lumang Tipan. Kung ipapalagay nating ang tatak at hangin ay para sa mga banal (Efeso 1: 13), maaari nating ipakahulugan ang pitong trumpeta sa kasaysayan gaya ng makikita natin sa susunod na mga larawan.
Una Ika-2 Ika-3 Ika-4
Una Ika-2 REPERENSYA Puno = Mga matuwid: Ps. 1: 1 -3; Is. 61: 3; Jer. 11: 16 -17. Yelo, apoy at dugo: Ex. 9: 23 -26; Is. 10: 16 -20; Ez. 38: 22. Jerusalem: Mt. 23: 37 -38; Lk. 23: 28 -31. Isang dakilang bundok na Paghukom sa nasusunog ay bumagsak sa Roma. dagat. Ikatlong bahagi ng dagat ay naging dugo, ikatlong bahagi ng mga nasa dagat ay namatay at nasira. Dugo: Ex. 7: 19 -21. Bundok = Babilonia: Jer. 51: 24 -25, 41 -42. Babilonia = Roma: 1 P. 5: 13 Ika-3 PALIWANAG Paghukom sa Jerusalem Bituing gaya ng sulo (‘Wormwood’ ibig sabihin ay mapait na puno) nahulog sa mga tubig tabang at ang ikatlong bahagi nito ay naging mapait. Paghukom sa iglesia noong Middle Ages (401 – 1500 AD). Nahulong na bituin = Ang gawain ni Satanas: Is. 14: 12 -19; Lk. 10: 18; Rev. 12: 9. Wormwood = Naingatan ang katoothanan : Ps. 1: 3; 84: 6 -7; 119: 105; Jer. 2: 13. Ika-4 PAGLALARAWAN Yelo at apoy kahalo ng dugo. Luntiang damo at ikatlo ng mga puno ay nasunog. Ang pinanggalingan ng ilaw (araw, buwan, mga bituin) ay tinaman. Kaunting pagdilim. Paghukom sa Romanismo at Protestantismo. Kadiliman = natabunan ang katotohanan: Ex. 20: 21 -23; Job 38: 2; Is. 8: 22; Jn. 1: 4 -11; 3: 18 -21.
Ika-5 Ika-6 Ika-7
Mga puno = Mga matuwid (tingnan ang unang trumpeta). Ang pagtanggi sa ilaw ay may kaukulang pagdurusa: Apoc. 9: 3 -11; Lk. 10: 17 -20; Efe. 1: 13 -14. Ika-6 Ika-5 REPERENSYA Ang hangin sa Euphrates ay Paghukom sa pinakawalan. Pinatay ng espiritwal na malaking hukbo ang ikatlong Babilonia. bahagi ng tao sa pamamagitan ng apoy, usok at asupre. Ang palasamba sa diosan ay hindi magsisisi. Digmaan sa ilog ng Euphrates: Apoc. 16: 12 -16. Ang pagbagsak ng Babilonia: Is. 47: 9 -12. Ang pagsamba sa diosan ng Babilonia: Dn. 5: 4, 23. Ika-7 PALIWANAG PAGLALARAWAN Paghukom sa Nahulog ang bituin, ateismo at nabukas ang kailaliman, sekularismo. at nagdala ng kadiliman ang usok. Nagpahirap sa mga tao ang balang na kasinglakas ng alakdan ngunit hindi sa mga puno. Ang Ikalawang Kaligayahan sa langit dahil naligtas na sa wakas Pagparito ang mundo. Paghukom: Aw. 9: 8; 96: 16; Gawa 17: 31.
ANG ANGHEL NA MAY MALIIT NA AKLAT “At nakita ko ang ibang malakas na anghel na nanaog na mula sa langit, na nabibihisan ng isang alapaap; at ang bahaghari ay nasa kaniyang ulo, at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng mga haliging apoy. ” (Apocalipsis 10: 1) Mayroong paliwanag sa pagitan ng paghukom ng Dios sa mga masama at sa ika-7 trumpeta. Ipinaliwanag ng Dios kung paano Niya tinawag ang mga tao papunta sa Kanya sa loob ng 1, 260 na taon ng pag-uusig at bago matapos ang biyaya. Ginamit Niya ang nalabi (kabanata 10) at ang Biblia (kabanata 11). Ang aspeto ng makapangyarihang anghel sa Apocalipsis 10 ay nagpapakitang Siya si Jesu-Kristo (Apoc. 1: 13 -16; 5: 5; Ho. 11: 10; Am. 3: 8).
ANG ANGHEL NA MAY MALIIT NA AKLAT “At ipinanumpa yaong nabubuhay magpakailan man, na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ng mga bagay na naririto, at ng dagat at ng mga bagay na naririto, na hindi na magluluwat ang panahon. ”(Apocalipsis 10: 6) Ang mensahe ng anghel na iyon ang huling bahagi ng Apocalipsis na sarado. Nasa kamay ng anghel ang aklat ng 457 BC Daniel, at sinasabi niya na wala nang panahon (cf. Daniel 12: 7 -9). Ang pahayag ay ibinigay sa pagitan ng wakas ng 1, 260 na taon at ng pinakamahabang propesiya ngpanahon sa Daniel, ang 2, 300 na taon (hal. 1844 AD). Wala nang susunod na propesiya ng panahon pagkatapos noon. Meron lang isang tungkulin: ipangaral ang Ebanghelyo. “At sinasabi nila sa akin, Dapat kang manghulang muli sa maraming mga bayan at mga bansa at mga wika at mga hari. ’” (v. 11). 2, 300 taon 538 AD 1798 AD 1, 260 taon 1844 AD
“Ang panahong ito, na ipinahayag ng anghel na may taimtim na panata, ay hindi katapusan ng kasaysayan ng mundo, ni ng panahon ng palugit, ngunit ng propesiya sa panahon, na mangyyari bago dumating Panginoon. Yun ay, hindi na magkakaroon ng isa pang mensahe ang mga tao tungkol sa tiyak panahon … ang pinakamahabang sukat ng hula ay hanggang taglagas ng 1844. ” Ellen G. White (SDA Bible Commentary, on Revelation 10)
ANG DALAWANG SAKSI “At binigyan ako ng isang tambong katulad ng isang panukat: at may isang nagsabi, Magtindig ka, at sukatin mo ang templo ng Dios, at ang dambana, at ang mga sumasamba doon. ’” (Apocalipsis 11: 1) Ang templong kailangang sukatin ni Juan ay ang Santuaryo sa Langit at ang gintong altar nito. Hindi na kailangang sukatin ang bakuran sa labas, dahil kumakatawan ito sa Lupa, kung saan uusigin ang bayan ng Dios sa loob ng 1, 260 taon. Sa panahon ng pag-uusig, gumagawa ang dalawang saksi sa mabagsik na kalagayan. Kung ihahambing iyon sa pangitain sa Zacarias 4, mauunawaan natin na iyong dalawang saksi ay “ang Salita ng Panginoon” na pinalakas “ng Aking Espiritu. ” (v. 6)
“At pagka natapos nila ang kanilang patotoo, ang hayop na umahon mula sa kalaliman ay babaka sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at sila'y papatayin. ”(Apocalipsis 11: 7) Sa pagwakas ng pag-uusig, sinubukang was akin ng French Revolution ang Biblia, ipinagbawal ito sa loob ng tatlo at kalahating taon (mula 11/26/1793 hanggang 6/17/1797). Gayunman, ikinalat ng Bible Societies ang Biblia sa paraang naiangat ulit ito, upang hindi na ito masira. “Magpakailan man, Oh Panginoon, ang iyong salita ay natatag sa langit. ” (Awit 119: 89) United Bible Societies
E. G. W. (Selected Messages, vol. 3, cp. 57, p. 426) “Darating pa sa atin ang mga seryosong pangyayari. Tutunog pa ang mga trumpeta na sunos-sunod; ibubuhos ang mga mangkok ng sunod-sunod sa mga tao sa lupa. Nasa ating harapan ang mga kamanghang mga pangyayari at ito ay malinaw na palatandaan ng Kanyang presensya na gumagabay sa bawat kilusan, na sumasama sa lakad para sa Kanyang hangarin sa buong panahon, at mabiyayang nangangako na sasamahan Niya ang Kanyang bayan sa lahat ng kanilang laban sa kahulihan ng mundo. Ipagtatanggol Niya ang katotohanan. Pagtatagumpayin Niya ito. Handa Siyang magkaloob sa Kanyang mga tapat ng motibo at kapangyarihan ng hangarin, palakasin sila ng pagasa at tapang at kagitingan sa lumalagong gawain habang lumalapit ang panahon. ”
- Slides: 15