Liksyon 7 para sa ika15 ng Agosto 2020

  • Slides: 9
Download presentation
Liksyon 7 para sa ika-15 ng Agosto, 2020 PAGBABAHAGI NG SALITA

Liksyon 7 para sa ika-15 ng Agosto, 2020 PAGBABAHAGI NG SALITA

Sabi ni Jesus: “[Ang Kasulata’y] nangagpapatotoo tungkol sa akin. ” (Juan 5: 39) Si

Sabi ni Jesus: “[Ang Kasulata’y] nangagpapatotoo tungkol sa akin. ” (Juan 5: 39) Si Jesus ang pangunahing tema sa buong Biblia. Kaya ito ay napakamakapangyarihan. Ipinakita ng Dios ang Sarili sa tao sa iba’t-ibang paraan, at ang Biblia ang pinaka-natatangi. Hindi ito isang aklat na dapat lang basahin, ngunit dapat “kainin” (Ezekiel 3: 3). Dapat hayaan natin punuin ng Kasulatan ang ating isip, baguhin tayo, at bigyan tayo ng kapangyarihan upang ibahagi ang pangunahing tema nito sa iba; iyon ay, ang pag-ibig at katangian ni Jesus. Ano ang sabi ng Biblia tungkol sa kanyang sarili? Katangian nito Kapangyarihan nitong gumawa Anong magagawa natin dito? Gawin ang pinakamaraming pakinabang dito Maniwala sa mga pangako nito Pagbabahagi nito

KATANGIAN NITO “Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking

KATANGIAN NITO “Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas. ” (Awit 119: 105) Ang Biblia ay ikinumpara sa iba’t-ibang mga simbolo na nagpapakita ng mga katangian nito. Awit 119: 105 Ilaw Naiilawan ang mga madilim na kaisipan Jeremias 23: 29 Apoy Martilyo Tinutupok nito ang abo ng ating kasalanan Dinudurog nito ang matigas nating puso Lucas 8: 11 Mateo 4: 4 Nagtatanim ito ng buhay sa atin na nagdudulot ng bunga para sa kaharian ng Dios Pinapawi nito ang gutom ng ating kaluluwa at pinapalusog ang espiritu Buto Kung pinag-aaralan natin ang Salita, nababago ang ating buhay ng Kanyang kabutihan, nahahalina ng Kanyang pag-ibig, namamangha sa Kanyang biyaya, at nasisiyahan sa Kanyang presenya. Tinapay

KAPANGYARIHAN NITONG GUMAWA “Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas

KAPANGYARIHAN NITONG GUMAWA “Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso. ” (Hebreo 4: 12) Nang pasimula, ang Dios ay “nagsalita, at nangyari; siya'y nagutos, at tumayong matatag. ” (Awit 33: 9) Ang makapangyarihang Salita ng Dios na lumilikha ay makikita rin sa naisulat Niyang Salita, ang Biblia. Ang Espiritu na gumawa sa Paglikha ay Siya ring kumasi sa Kasulatan. Makakagawa ng bagong nilikha ang Banal na Espiritu sa atin. Kailangan lang natin Siyang hayaang gumawa sa ating buhay habang binabasa natin ang Biblia. Babaguhin din ng Banal na Espiritu ang buhay ng ibang tao kung tutulungan natin silang unawain ang Kasulatan.

GAWIN ANG PINAKAMARAMING PAKINABANG DITO “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios

GAWIN ANG PINAKAMARAMING PAKINABANG DITO “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran. ” (2 Timoteo 3: 16) Ang Biblia ay puno ng mga pakinabang sa ating buhay. Tingnan natin ang iba sa kanila. 2 Pedro 1: 4. Ginagawa nito tayong kasalo sa likas na banal Santiago 1: 21. Nililigtas nito ang ating kaluluwa Gawa 20: 32. Nagbibigay ito ng mana para sa mga pinabanal 2 Timoteo 3: 15, 17. Ginagawa tayo nitong matalino, perpekto at hinahanda tayo para sa mabuting gawa. 2 Timoteo 3: 16. Doktrina. Ipinapahayag nito ang katotohanan at pinapabulaan ang maling gawa Saway. Inihahayag nito ang ating kasalanan Pagtuwid. Binabago nito ang ating kamalian Turo. Ipinapahayag nito ang katuwiran ni Kristo

MANIWALA SA MGA PANGAKO NITO Isaías 40: 31 Lucas 12: 27 -28 “At pupunan

MANIWALA SA MGA PANGAKO NITO Isaías 40: 31 Lucas 12: 27 -28 “At pupunan ng aking Dios ang bawa't kailangan ninyo ayon sa kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus. ” (Filipos 4: 19) May higit 3, 000 mga pangako sa Biblia. Nakatuon ang Dios na tugunin ang bawat isang iyon sa ating buhay, at hinihimok Niya tayong angkinin iyon. Pinatutunayan nila na inaalala ng Dios ang ating pisikal at espiritwal na mga pangangailangan. Sa araw na makaharap natin Siya, ay sasabihin nating: “walang nagkulang na isang salita sa lahat niyang mabuting pangako. ” (1 Hari 8: 56) Isaias 33: 16 Isaias 43: 2 Gayunman, ang Kanyang mga pangako ay may pasubali. Mapapawalang bisa ito ng kakulangan sa pananampalataya (Hebreo 4: 2). Psalm 4: 8 Awit 91: 11 Ang mga pagpapala ng mga pangako ng Dios ay magiging atin kung ating pinapahayag ito sa pananampalataya at naniniwalang iyon ay totoo dahil si Kristo ay laging tapat.

“Ang Kasulata’y dapat tanggapin bilang salita ng Dios sa atin, hindi lang gaya ng

“Ang Kasulata’y dapat tanggapin bilang salita ng Dios sa atin, hindi lang gaya ng isinulat, kundi sinalita[…] Sa pamamagitan ng lahat ng mga pangako ng Salita ng Dios. Sa mga iyun Siya ay nakikipag-usap sa bawat isa sa atin. Nakikipag usap sa atin ng deretsehan na parang naririnig natin mismo ang kanyang tinig. Sa mga pangakong ito ipinapahayag sa atin ng Panginoon ang kanyang biyaya at kapangyarihan. Sila’y mga dahoon mula sa kahoy na ‘pangpagaling sa mga bansa’. Apocalipsis 22: 2. Tinanggap, ibinahagi, sila ay magiging kalakasan ng paguugali, inspirasyon at pinanggagalingan ng buhay. ” E. G. W. (The Ministry of Healing, cp. 7, p. 122)

PAGBABAHAGI NITO “Binigyan ako ng Panginoong Dios ng dila ng nangaturuan, upang aking maalaman

PAGBABAHAGI NITO “Binigyan ako ng Panginoong Dios ng dila ng nangaturuan, upang aking maalaman kung paanong aaliwin ng mga salita siyang nanglulupaypay. Siya'y nagigising tuwing umaga, ginigising niya ang aking pakinig upang makinig na gaya ng mga natuturuan. ” (Isaias 50: 4) “Ginigising” ng Dios ang ating mga tenga at binibigyan tayo ng karunungan kung nagaaral tayo ng Biblia araw-araw. Binibigyan rin Nya tayo ng “dila ng mga naturuan” upang ating maibahagi ang mabuting balita sa iba. Ang Salita ng Dios ay hindi maitatago sa ating mga puso. Ang tuwa ng kaligtasan ang kumikilos sa ating gawin ang bawat pagkakataon na maibahagi ang mensahe nito sa mga hindi pa nakakaalam. Inutusan tayo ni Pablo ng sumusunod: “Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan,

“Ang edukasyon na pagtitibayin sa pamamagitan ng pagsaliksik sa Kasulatan ay isang kaalamang mula

“Ang edukasyon na pagtitibayin sa pamamagitan ng pagsaliksik sa Kasulatan ay isang kaalamang mula sa pagsuri ng plano ng kaligtasan. Ang edukasyong ito ang mapapanumbalik ng imahe ng Dios sa kaluluwa. Mapapalakas at mapatibay nito ang kaisipan laban sa tukso, at ihahanda ang isang mag-aaral na maging kamanggagawa ni Kristo sa Kanyang misyon ng kahabagan sa sanlibutan. Ito ay makakagawa sa kanya na maging kaanib ng makalangit na pamilya; at maihahanda siya sa pagbabahagi ng mana ng mga banal. ” E. G. W. (Christ’s Object Lessons, cp. 2, p. 42)