Liksyon 7 para sa ika 18 ng Agosto

  • Slides: 10
Download presentation
Liksyon 7 para sa ika -18 ng Agosto, 2018

Liksyon 7 para sa ika -18 ng Agosto, 2018

4. Iconio. Gawa 14: 1 -7 v Paggawa para sa Israel 5. Listra and

4. Iconio. Gawa 14: 1 -7 v Paggawa para sa Israel 5. Listra and Derbe. Gawa 14: 8 -20 v Paggawa sa mga Hentil 1. Antioch. Gawa 13: 1 -3 v Paghahanda sa byahe 3. Pisidia Antioch. Gawa 13: 13 -52 v Pangangaral ni Pablo v Ang reaksyon ng mga Hudio at mga Hentil 6. Pagbalik sa Antioch. Gawa 14: 21 -28. v Pagpapasigla sa mga iglesia 2. Salamis and Pafos. Gawa 13: 4 -12 v Elymas at Sergius, pagsalungat at pagkahikayat Sa plano ng Dios, pagkakataon iyon para kay Saulo na ipangaral ang Pabalita at magtayo ng mga bagong iglesia sa palibot ng Imperio ng Roma.

Gawa 13: 1 -3 PAGHAHANDA SA BYAHE “At nang sila'y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at

Gawa 13: 1 -3 PAGHAHANDA SA BYAHE “At nang sila'y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at nangagaayuno, ay sinabi ng Espiritu Santo, ‘Ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing itinawag ko sa kanila. (Gawa 13: 2) Tapos nang sabihin ni Hesus kay Pablo ang tungkol sa kanyang misyon upang mangaral sa mga Hentil (Gawa 22: 21). Ngunit, naghintay siya sa Banal na Espiritu upang malinaw na ipakita sa kanya ang tamang panahon para masimulan ang gawaing iyon. Makalipas ang ilang pag-aayuno at pananalangin, inutusan ng Banal na Espiritu ang iglesia sa Antioch upang suguin ang unang misyonerong pangkat. Binigyan sila ng kapangyarihan para sa misyon sa pamamagitan ng pagpatong ng mga kamay sa kanila. Si Bernabe ang unanguna sa pangkat, ngunit di kalaunan ay si Saulo na ang nanguna sa paglalakbay na iyon. Tinawag siyang Pablo

Gawa 13: 4 -12 PAGTUTOL AT PAGKAHIKAYAT “Nang magkagayon, pagkakita ng proconsul sa nangyari,

Gawa 13: 4 -12 PAGTUTOL AT PAGKAHIKAYAT “Nang magkagayon, pagkakita ng proconsul sa nangyari, ay nanampalataya, na nanggigilalas sa aral ng Panginoon. ”(Gawa 13: 12) Pinangunahan ng Banal na Espiritu sina Pablo, Bernabe, at Juan Marcos patungong Seleucia kung saan sila sumakay ng banka patungong Cyprus. Ipinanganak si Bernabe sa Cyprus, at ito ang isa sa mga lugar na kung saan ipinangaral ng mga Kristiano ang Magandang Balita sa Antioch (Gawa 11: 19 -20) Si Elimas ay isang Hudiong mangkukulam na kumalaban sa kanila doon. Ang gobernor na si Sergius Paulus, ay interesado sa Pabalita. At sa huli’y tumanggap matapos mabulag si Elimas sa harap ni Pablo.

Gawa 13: 13 -52 “At dinadalhan namin kayo ng mabubuting balita ng pangakong ipinangako

Gawa 13: 13 -52 “At dinadalhan namin kayo ng mabubuting balita ng pangakong ipinangako sa mga magulang. ” (Gawa 13: 32) Umalis sila sa Ciprus at pumunta sa Perga; tapos ay sa Pisidian Antioch (Turkey). Nagpasya si Juan Marcos na tumigil sa Perga, dahil natakot siya sa mga hamon sa kanilang paglalakbay. Inanyayahan silang mangaral sa sinagoga sa Antioch sa unang Sabado ng pananatili nila roon. Nangaral si Pablo tungkol sa tatlong punto: Ginabayan ng Dios ang Kanyang bayan mula sa Ehipto hanggang sa panahon ni David (v. 17 -22) Natupad ni Hesus ang mga pangako ng mesias (v. 23 -37) Tinawagan ni Pablo ang mga tao na tanggapin ang kaligtasan na inaalok ni Hesus (v. 38 -41)

ANG REAKSYON NG MGA HUDIO AT MGA HENTIL “At pagalis nila, ay kanilang ipinamanhik

ANG REAKSYON NG MGA HUDIO AT MGA HENTIL “At pagalis nila, ay kanilang ipinamanhik na salitain sa kanila ang mga salitang ito sa sabbath na susunod. ”(Gawa 13: 42) May mga iilang Hentil sa sinagogang pinangaralan ni Pablo. Hindi nila lubusang tinanggap ang Judaism, marahil ay dahil mapipilitan silang magpatuli. Ibinalita nila ang Mabuting Balita sa kanilang mga pamilya at mga kaibigan. Pagkasunod na Sabado, “halos buong bayan ay dumalo” upang making sa pangangaral ni Pablo. Nainggit ang mga Hudio dahil tumatanggap ang mga Hentil sa Pabalita, kaya pinalayas nila sa bayan sina Pablo at Bernabe.

PAGGAWA PARA SA ISRAEL “Datapuwa't nagkabahagi ang karamihan sa bayan; at ang isang bahagi'y

PAGGAWA PARA SA ISRAEL “Datapuwa't nagkabahagi ang karamihan sa bayan; at ang isang bahagi'y Gawa 14: 1 -7 nakisama sa mga Judio, at ang ibang bahagi'y nakisama sa mga apostol. ” (Gawa 14: 4) Dumating sa Iconio ang mga apostol at sinunod ang parehong paraan na ginawa nila sa Antioch, inaralan muna ang mga Hudio. Bilang resulta noon, “napakaraming taong mga Hudio at mga Griego ang nanampalataya”. Ang mga Hudiong hindi naniwala ay nagdulot ulit ng problema. Kinailangang tumakas ulit nina Pablo at Bernabe sa bayang iyon upang huwag silang mapatay! Karamihan sa mga Hudio ay tumanggi sa Pabalita, ngunit hindi nawalan ng pag-asa si Pablo na maraming mga Hudio ang tatanggap kay Hesus

PAGGAWA SA MGA HENTIL Gawa 14: 8 -20 “At nang makita ng karamihan ang

PAGGAWA SA MGA HENTIL Gawa 14: 8 -20 “At nang makita ng karamihan ang ginawa ni Pablo, ay nagsigawan sila, na sinasab sa wikang Licaonia, Ang mga dios ay nagsibaba sa atin sa anyo ng mga tao. At tinawag nilang Jupiter, si Bernabe; at Mercurio, si Pablo, sapagka't siya ang pangulong tagapagsalita. ” (Gawa 14: 11 -12) Nagpatuloy sila ng paglalakbay sa dako ng Listra at Derbe. Sa Listra, nakatagpo si Pablo ng lumpo na may sapat na pananampalataya upang siya’y gumaling. Nang makita ang himalang ito ng mga taga Licaonia, inisip nila na mga dios sina Pablo at Bernabe na nagkatawang tao. Noong malaman ng mga apostol ang sitwasyon, nahirapan na silang patigilin ang pagbibigay nila nga mga handog. Sinamantala ng ilang Hudio mula sa Antioch at Iconio ang sitawsyon upang himukin ang mga Hentil laban sa mga apostol. Binato si Pablo, ngunit himalang nabuhay.

Gawa 14: 21 -28 PAGPAPATIBAY SA MGA IGLESIA “At nang maipangaral na nila ang

Gawa 14: 21 -28 PAGPAPATIBAY SA MGA IGLESIA “At nang maipangaral na nila ang evangelio sa bayang yaon, at makahikayat ng maraming mga alagad, ay nagsibalik sila sa Listra at sa Iconio, at sa Antioquia” (Gawa 14: 21) Nang matapos na sila sa paglalakbay, binalikan nila ang kanilang mga dinaanan. Bakit hindi sila bumalik ng deretso sa Antioch? Gusto nilang mapatibay ang mga bagong iglesia sa pamamagitan ng pagpapasigla at pagpapalakas sa mga bagong kaanib. 1. Kanilang binalaan tungkol sa mga darating na hamon. 2. Nagtalaga sila ng mga pinuno. 3. Nanalangin at nag-ayuno sila kasama nila. Doon sa Antioch, kanilang isinaysay ang kanilang 4. Ipinagkatiwala nila sa Panginoon. paglalakbay tungo sa iglesia. Ang lahat ng mananampalataya ay magkakasamang nagsaya.

“Hindi kinalimutan ni Pablo ang mga iglesia na kanyang itinatag. Matapos na maglakbay siya

“Hindi kinalimutan ni Pablo ang mga iglesia na kanyang itinatag. Matapos na maglakbay siya bilang misyonero, bumalik sila ni Bernabe at dinalaw ang mga iglesia na kanilang pinalaki, pumili sila ng mga taong matuturuan nilang makiisa sa pangangaral ng Mabuting Balita. […] Ginawa ng apostol na kabahagi ng kanyang gawain ang magturo sa mga kabataan para sa tungkulin ng paglilingkod. […] Ang mga sanay nang mga manggagawa ngayon ay gumagawa ng marangal na Gawain kung, sa halip na dalhin lahat ng pasanin sa sarili, ay nagtuturo ng mga batang manggagawa at nag-aatang ng mga pasanin sa kanilang mga balikat. ” E. G. W. (The Acts of the Apostles, cp. 34, p. 367 -368)