Liksyon 6 para sa ika9 ng Pebrero 2019
Liksyon 6 para sa ika-9 ng Pebrero, 2019
Ang 144, 000 na natatakang bayan ay ipinakilala sa dalawang talata: Apocalipsis 7 at 14: 1 -5. Sa unang talata, nakatayo sila dahil dumarating ang Kordero. Sa ikalawa, tumanggi silang tumanggap ng tanda ng hayop. Kinumpleto nila ang bilang ng mga naligtas— ang mga natatakan para sa kaligtasan—, maraming tao “ng lahat ng bansa, tribo, lipi, at wika. ” Ang 4 na mga hangin. Apocalipsis 7: 1 -3 Ang 144, 000 natatakan. Apocalipsis 7: 4 -8 Ang malaking pulutong. Apocalipsis 7: 9 -17 Walang dungis na mga unang bunga. Apocalipsis 14: 1 -4 Walang kasinungalingan o dungis. Apoc. 14: 5
“Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios. ” (Apocalipsis 7: 3) ANG 4 NA MGA HANGIN Sa prophesiya, ang hangin ay kumakatawan sa digmaan ng mga bansa (Daniel 7: 2). Maaaring gamitin ito ng Dios upang ipatupad ang Kanyang paghuhukom (Jeremias 51: 1). Hindi hahayaan ng Dios na iparanas ni Satanas ang kanyang buong kapangyarihang makapanira hanggang hindi pa natatatakan ang bayan ng Dios (Ezekiel 9: 1 -11). Ang tatak ay ginamit upang tanda sa pag-aari ng Dios (2 Tim. 2: 19). Ang bayan ng Dios ay tinatatakan ng Banal na Espiritu sa buong kasaysayan ng tao (Efeso 1: 13 -14). Sa huling mga araw, iyong mga nag-iingat ng Kautusan ng Dios at nagsasamba sa Kanya sa araw na Kanyang pinabanal ay matatatakan (Apoc. 14: 12).
ANG 144, 000 NA TINATAKAN “At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na isang daan at apat na pu't apat na libo, na natatakan, sa bawa't angkan ng mga anak ni Israel. ” (Apocalipsis 7: 4) Ang 144, 000 ay may sinasagisag na bilang. Kung ito ay literal, ang 144, 000 ay mga binatang Hudio na hindi kalianman nagkasala. Ayon kay Pablo, imposible ito (Roma 3: 23). 12 x 12 ay kumakatawan sa bayan ng Dios mula sa Lumang Tipan at sa Bagong Tipan. Ang 1, 000 ay ginamit sa Hebreong panitikan ay katumbas ng “marami” (Dt. 32: 30; 1 S. 18: 7; Is. 60: 22). Ang Tribu ng Dan ay hindi kabilang dahil sa kanilang pagsamba sa diosan (Hukom 18). Ang Ephraim ay pinalitan ng ama niyang si Jose, siguro ay dahil din sa pagsamba nila sa diosan (Hosea 4: 17). Kung kanino at paano tayo nagsasamba ay mahalaga sa pagpili kung sino ang matatatakan.
ANG MALAKING PULUTONG “Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay. ” (Apocalipsis 7: 9) Gaya ng ilang mga talata, Narinig ni Juan, tapos nakita niya (Apoc. 1: 10, 12; 5: 5, 6; 9: 6, 7). Nakita ni Juan lahat ng mga naligtas. Ang mga matatatakan sa huli ay kabilang sa kanila, na kinilalang “ang 144, 00”. Lahat ng mga naligtas ay magkasabay na tatanggap ng gantimpala (Hebreo 11: 39 -40). Bakit nasa harap sila ng trono at ng Kordero? Dahil sila ay “nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Kordero. ” (Apoc. 7: 14) Lumaban sila ng mabuti sa pananampalataya, ngunit nakatayo lamang sila dahil tinanggap nila ang katuwiran ni Kristo sa pamamagitan ng biyaya.
ANG WALANG DUNGIS NA MGA UNANG BUNGA “Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis. At ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero. ” (Apocalipsis 14: 4) Iyong mga hindi nadungisan ng mga babae ay tumayo sa harap ng Kordero. Ang mgababae ay ang Babilonia at kanyang mga anak (Apoc. 17: 5). Sa huling mga araw, ang grupo ng mga taong iyon ay hindi nadungisan ng mga tumalikod na iglesia. Ang kung nasa Babilonia sila ngayon, ay iiwan nila ito (Apoc. 18: 1 -4). Papanatilihin ang kanilang katapatan sa Dios hanggang sa wakas. Sila ay “nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus. ” (Apoc. 14: 12) Sila ay mga unang bunga, ang pinakamabuting bung mula sa ani na inihandog sa Dios (Bilang 18: 12). Sila ay espesyal na grupo dahil babaguhin sila sa Ikalawang Pagparito na hindi nakakaranas ng kamatayan.
WALANG KASINUNGALINGAN O “At sa kaniyang bibig ay walang nasumpungang DUNGIS kasinungalingan: sila'y mga walang dungis. ” (Apocalipsis 14: 5) Hindi ibig sabihin noon ay wala silang kasalanan, ngunit lahat ng mantsa ng kasalanan ay natanggal dahil kanilang “hinugasan ang kanilang damit… sa dugo ng Kordero. ” Wala silang kapintasan gaya ni Abraham o Job (Genesis 17: 1; Job 1: 1). Sa lahat ng henerasyon, may mga tao ang Dios na naging bahagi ng iglesia “na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan. ” (Efeso 5: 27) Ang ating katangian ay maglalarawan ng kay Kristo kung panghahawakan natin ang Kanyang biyaya at kapatawaran sa pamamagitan ng pananampalataya (2 Corinto 3: 18). Maaari ka rin maging bahagi ng espesyal na grupong iyon.
“Isa sa palatandaan sa kumakatawan sa 144, 000 ay walang makikitang katusuhan sa kanilang bibig. Sabi ng Panginoon, ‘Mapalad ang tao …na ang espiritu ay walang katusuhan. ’ Sila ay nagpapakitang mga anak ng Dios, at kumakatawan bilang tagasunod ng Kordero saanman siya pumunta. Sila ay unang ipinakita sa atin na nakatayo sa Bundok ng Sion, handa sa banal na paglilingkod, kanadamit ng lino, na ito ang katuwiran ng mga banal. Lahat ng susunod sa Kordero sa langit ay iyong mga sumunod sa Kanya dito sa lupa, na may pagtitiwala, pagmamahal, kusang pagsunod, hindi malig at sumpungin, ngunit may katiyakan, katapatan, gaya ng pagsunod ng kawan sa pastol. ” E. G. W. (Selected Messages, vol. 3, cp. 57, p. 424)
“Lahat ng mga taong ang pangalan ay makikita sa aklat ng buhay ng Kordero ay ilalaban ang laban ng Panginoon ng may katapangan. Sila ay magsisikap na makaunawa at maitakwil ang mga tukso at bawat masamang bagay. Mararamdaman nilang mata ng Dios ay sumasakanila at ang pinakamahigpit na katapatan ay kinakailangan. Bilang tapat na tanod iingatan nilang sarado ang daan, upang hindi makapasok si Satanas na nagaanyong anghel ng liwanag upang pumatay sa gintna nila. . . huhugasan nila ang kanilang mga damit ng katangian at paputiin ito sa dugo ng Kordero. Aawitin nila ang awit ng pagtatagumpay sa kaharian ng kaluwalhatian. ” E. G. W. (My life today, November 13)
- Slides: 9