Liksyon 5 para sa ika4 ng Agosto 2018

  • Slides: 9
Download presentation
Liksyon 5 para sa ika-4 ng Agosto, 2018

Liksyon 5 para sa ika-4 ng Agosto, 2018

Matapos batuhin si Esteban, pinayagan ng Sanhedrin si Saulo ng Tarsus (Pablo) upang usigin

Matapos batuhin si Esteban, pinayagan ng Sanhedrin si Saulo ng Tarsus (Pablo) upang usigin ang mga tagasunod ni Hesus ng Nazareth. Naging “apostol” ng Sanhedrin si Saulo upang wasakin ang sectang tinawag na “ang Daan” Ngunit namagitan si Hesus upang magpailalim sya sa Kanyang pangunguna. May lugar Siya kay Pablo sa Kanyang hanay bilang apostol sa mga Hentil. q Apostol ng Sanhedrin. Pag-uusig sa Iglesia. Gawa 9: 1 -2 Pagsipa laban sa pantaboy. Gawa 9: 3 -9 q Apostol ni Hesus. Pagbagong-loob ni Pablo. Gawa 9: 10 -18 Si Pablo sa Damascus. Gawa 9: 19 -25 Si Pablo sa Jerusalem. Gawa 9: 26 -31

Gawa 9: 1 -2 PAG-UUSIG SA IGLESIA “Datapuwa't si Saulo, na sumisilakbo pa ng

Gawa 9: 1 -2 PAG-UUSIG SA IGLESIA “Datapuwa't si Saulo, na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon, ay naparoon sa dakilang saserdote, At humingi sa kaniya ng mga sulat sa Damasco sa mga sinagoga, upang kung siya'y makasumpong ng sinoman sa mga nasa Daan, maging mga lalake o mga babae, a kaniya silang madalang gapos sa Jerusalem. ”(Gawa 9: 1 -2) Ipinaliwanag ni Saulo na taos-puso syang naniwala na ang kanyang tungkulin ay usigin ng matindi ang mga nananampalataya kay Hesu Kristo (Gawa 26: 911) Ang taong namatay sa krus ay sinumpa ng Dios, kaya hindi niya matanggap na ang Mesias ay namatay sa ganitong paraan (Deuteronomio 21: 2223) Binigyan siya ng utoridad ng Sanhedrin, kaya siya ay naging kanilang shalia, isang opisyal na mensahero. Ang Griegong salita na shalia ay apóstolos (apostol). Si Saulo ay apostol ng Sanhedrin. Naglakbay siya pahilaga ng 220 km papuntang Damascus. Sinadya niyang arestohin ang mga mananampalataya ng “ang Daan” at dalhin sila sa

Gawa 9: 3 -9 PAGSIPA LABAN SA P ASino N Tka A Bbaga, O

Gawa 9: 3 -9 PAGSIPA LABAN SA P ASino N Tka A Bbaga, O Y Panginoon? At “At sinabi niya, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig. ” (Gawa 9: 5) Lahat na kasama ni Saulo ay nakakita ng liwanag at natumba sa lupa, ngunit siya lang nabulag. Si Saulo lang nakaunawa ng tinig dahil ito ay pangitain na inihanda para sa kanya. Inuusig ni Saulo ang Iglesia, ngunit itinuring ni Hesus ni Siya ang inuusig ni Saulo. “sapagka't ang humihipo sa inyo, ay humihipo sa itim ng kaniyang mata. ” (Zeccarias 2: 8) Ang pantaboy ng baka ay mahabang patpat na may matalim na bakal sa dulo. Ginagamit ito ng mga magsasaka para gabayan ang mga alaga nilang hayop. Ang pagsipa dito ay magdudulot lamang ng sakuna. Sinisipa ni Saulo ang “pantaboy” ng kanyang konsyensya, dahil nagduda siya na si Hesus ang tunay na Mesias. Nang Makita niya ang mukha ng nabuhay na si Hesus, bumagsak ang kanyang mga dahilan.

Gawa 9: 10 -18 PAGBAGONG-LOOB NI PABLO “At pagdaka'y nangalaglag mula sa kaniyang mga

Gawa 9: 10 -18 PAGBAGONG-LOOB NI PABLO “At pagdaka'y nangalaglag mula sa kaniyang mga mata ang mga parang kaliskis, at tinanggap niya ang kaniyang paningin; at siya'y nagtindig at siya'y binautismuhan. ” (Gawa 9: 18) Handa si Pablo na sumunod kay Hesus at nagtanong sa Kanya, “ano ang nais Mong gawin ko? ” At, naging bulag siya ng tatlong araw. Tinalikuran ni Pablo ang kanyang posisyon bilang apostol ng Sanhedrin at naging apostol ni Hesus. Kailangan niyang makipagkita sa Iglesia at magpabilang dito. Pagkatapos ay makakagawa siyang kasama ng Iglesia. Tinawagan si Ananias sa ganuong pakay. May mga makatuwiran siyang pagduda, ngunit sa huli’y nagkita sila ni Pablo. Ibinalik niya ang kanyang paningin at pinagtibay ang kanyang banal na pagkatawag. Hinimok ni Ananias si Pablo na magpabinyag at maging bahagi ng Iglesia.

Gawa 9: 19 -25 SI PABLO SA DAMASCUS “At pagdaka'y kaniyang itinanyag sa mga

Gawa 9: 19 -25 SI PABLO SA DAMASCUS “At pagdaka'y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus, na siya ang Anak ng Dios. […] At nang maganap ang maraming mga araw, ay nangagsanggunian ang mga Judio upang siya'y patayin. ”(Gawa 9: 20, 23) Ang kaparehong tao na pumunta upang arestohin ang mga nananampalataya sa “huwad na mesias” ay nagtatanggol sa kanila sa mga sinagoga. Pinapatunayan din niya sa kasulatan na si Hesus ang tunay na Mesias. Naalarma ang mga Hudio at humingi ng suporta sa mga namumuno sa bayan upang arestohin si Pablo (2 Corinto 11: 32 -33) Tinulungan si Pablo ng mga mananampalataya at pinababa siya sa pader sa pamamagitan ng malaking kaing. Hindi nadismaya ang bagong apostol sa pangyayaring ito, dahil binabalaan na siya na maghihirap siya para sa kanyang Guro (Gawa

Gawa 9: 26 -31 SI PABLO SA JERUSALEM “At nang siya'y dumating sa Jerusalem,

Gawa 9: 26 -31 SI PABLO SA JERUSALEM “At nang siya'y dumating sa Jerusalem, ay pinagsikapan niyang makipisan sa mga alagad: at silang lahat ay nangatakot sa kaniya, sa di paniniwala na siya'y alagad. ” (Gawa 9: 26) Hindi naniwala ang iglesia sa Jerusalem na tunay ang pagbagong-loob ng malupit na mang-uusig, kahit tatlong taon nang nahikayat noon si Pablo. Ginamit ng Dios si Bernabe upang itigil ang masamang palagay na ito. Pinagpatuloy ni Pablo ang Gawain ni Esteban sa Jerusalem; ang gawain ipinatigil niya noon. Ang kanyang pangangaral ay tinanggihan ding kagaya ng kay Esteban. Ang buhay ni Pablo ay nanganib. Nagpadala ng pangitain upang himukin siyang umalis sa Jerusalem (Gawa 22: 17 -21). Tinulungan uli siyang makatakas ng kanyang mga kapatid.

Ang aklat ng Gawa at Galacia ay nagsasabi ng mga lakad ni Pablo mula

Ang aklat ng Gawa at Galacia ay nagsasabi ng mga lakad ni Pablo mula sa kanyang pagkahikayat patungo sa kanyang unang misyonerong paglalakbay. Pagkahikayat ni Saulo sa Damascus (Gawa 9: 1 -18 ) Pagbalik sa Damascus at pagtakas pababa sa pader ng bayan (Gawa 9: 23 -25) Pagdalaw sa Jerusalem, tatlong taon pagkalipas ng kanyang pagkahikayat (Galatia 1: 18) Ipinadala siya bilang misyonero kasama ni Bernabe (Gawa 13: 1 -3) Pangangaral sa Damascus (Gawa 9: 19 -22 ) Pananatili sa Arabia (Galatia 1: 17) Pangangaral sa rehiyon ng Syria at Cilicia (Galatia 1: 21) Dinala ni Bernabe si Pablo sa Antioch (Gawa 11: 25 -26)

“Palaging ibinibigay ng Dios ang gawin ng kanyang manggagawa. Narito ang pagtutulungan ng Dios

“Palaging ibinibigay ng Dios ang gawin ng kanyang manggagawa. Narito ang pagtutulungan ng Dios at ng tao. Iyon ang taong gumagawa sa pagtatapat sa banal na liwanag na ibinigay. Kung nagsabi si Saulo, Panginoon, hindi na ako nahihilig sa pagsunod sa Iyong mga direksyon upang maligtas ako, kahit sampung beses pa ang lakas ng liwanag na nakita ni Saulo, ay wala parin itong saysay. Gawain ng tao na makiisa sa Dios. At napakahirap, pinakamahigpit na kalaban ang kasama ng hangarin at pagpili ng tao sa pagkiling ng kalooban at paraan sa kalooban at kaparaanan ng Dios, na umaasa sa mabiyayang impluwensya na sumasama sa kaniya sa buong buhay niya […] Gawin at sundin ang pangunguna ng Banal na Espiritu. ” E. G. W. (Mind, Character, and Personality, vol. 2, cp. 84, p. 757)