Liksyon 4 para sa ika 27 ng Hulyo

  • Slides: 9
Download presentation
Liksyon 4 para sa ika 27 ng Hulyo, 2019

Liksyon 4 para sa ika 27 ng Hulyo, 2019

Ang Mga Awit at Kawikaan ay dalawang aklat na particular na inakma sa mga

Ang Mga Awit at Kawikaan ay dalawang aklat na particular na inakma sa mga hamon ng matapat na pamumuhay sa kabila ng karaniwang mga karanasan at pagsubok sa buhay. Pareho silang nagbibigay ng pananaw sa hangarin ng Dios sa pamayanan at sa Kanyang natatanging pag-aalala sa mga mahihirap at naaapi. Ang hiyaw ng Mga Awit at karunungan ng Kawikaan ay ang pagpansin ng Dios at pamamagitan upang ingatan silang mga malimit pinapabayaan at pinagsasamantalahan. At kung ganoon ang Dios, dapat ganoon din tayo, gaya Niya. Awit 9. Pag-asa sa paghuhukom Awit 82. Paghukom na may hustisya Awit 101. Makatarungang mga pinuno Awit 146. Isang maawaing Dios Kawikaan. Awa at hustisya

PAG-ASA SA “Sapagka't ang mapagkailangan ay hindi PAGHUHUKOM laging malilimutan, ni ang pagasa ng

PAG-ASA SA “Sapagka't ang mapagkailangan ay hindi PAGHUHUKOM laging malilimutan, ni ang pagasa ng Awit 9 dukha ay mapapawi magpakailan man. ” (Awit 9: 18) Ang kawalan ng katarungan dito sa makasalanang mundo ay nagdudulot ng pagdurusa. Nagdadala din ito ng kahirapan sa buhay at pagtaboy. Ang Dios ay " matayog na moog sa mga panahon ng kabagan" (Awit 9: 9) para sa mga mahihirap at naaapi. Higit sa lahat ay may pag-asa tayo ng magbibigay ng hustisya ang Dios: " At hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan, siya'y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao" (Awit 9: 8). Ang mga hindi nabigyan ng katarungan ditto sa mundo ay makakasigurong magkakaroon ng hustisya sa hinaharap. Sa oras na iyon, tanging ang matuwid na Hukom ang magbibigay ng gantimpala o parusa sa bawat tao.

Awit 82 PAGHUKOM NA MAY HUSTISYA “Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan: iligtas ninyo

Awit 82 PAGHUKOM NA MAY HUSTISYA “Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan: iligtas ninyo sila sa kamay ng masama. ” (Awit 82: 4) Gumawa ang Dios ng patas na mga batas na nagpaparusa sa pang-aapi at panlalamang. Siya ang kataas-taasang Hukom, at nabigay siya ng katungkulang panghukuman sa mga tao na maghuhukom ayon sa Kanyang patas na batas. Tinawag Niya silang "mga dios" (v. 1, 6). Kung hindi nila "ililigtas ang mga dukha at nangangailangan … sa kamay ng masama " (v. 4), hindi sila gumagawang may hustisya. Nagbubunga ito ng kawalan ng hustisya sa lipunan, at maghahanap ng paliwanag ang Dios (v. 7). Maaari tayong maghirap dahil sa maling paghatol, Ngunit makakaapila tayo sa

Awit 101 “Ang mga mata ko'y itititig ko sa mga tapat sa lupain, upang

Awit 101 “Ang mga mata ko'y itititig ko sa mga tapat sa lupain, upang sila'y makatahan na kasama ko: siya na lumalakad sa sakdal na daan, siya'y mangangasiwa sa akin. ” (Awit 101: 6) Ang mga pinuno ba ng bansa ang responsable sa mga kawalan ng hustisya dito? Naunawaan ni David ang dinudulot ng hindi patas at pabago-bagong kalokohan ng mga pinuno ng bansa (Saulo at kanyang mga tagapayo). Nang siya ay koronahan, pinili niya ang matutuwid na mga tao at itinakwil ang mga mayayabang at mga palabintang, mandaraya, sinungaling at mga gumagawa ng mga kagaya nito (v. 5, 7, 8). Ang hustisya at awa ay mahalaga para sa mabuting mga pinuno: "Hindi ako maglalagay ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata. " (v. 3)

Awit 146 ISANG MAAWAING DIOS “Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob,

Awit 146 ISANG MAAWAING DIOS “Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob, na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios. ” (Awit 146: 5) Hinihimok tayo ng Awit 146: 6 -9 na magpuri sa Dios at Manlalalang, at magtiwala sa Kanya dahil … Iniingatan Niya ang katotohanan magpakailanman Itinataas Niya ang mga hinahamak Nagbibigay siya ng hustisya sa naaapi Mahal Niya ang matuwid Nagbibigay Siya ng pagkain sa nagugutom Binabantayan Niya ang mga dayuhan Nagbibigay siya ng kalayaan sa mga bilanggo Sinasaklolohan Niya ang mga ulila at balo Binubuksan Niya ang mga mata ng bulag Binabaliktad Niya ang landas ng masama Ang pinakamainam na paraan upang sambahin ang Dios ay ang pagsunod sa Kanya, sa abot ng ating makakaya.

“Habang ipinapakita ng kalikasan ang pagkilala nito sa Dalubhasang Manggagawa sa paggawa ng pinakamainam

“Habang ipinapakita ng kalikasan ang pagkilala nito sa Dalubhasang Manggagawa sa paggawa ng pinakamainam upang pagandahin ang lupa at ipakita ang kasakdalan ng Dios, ay gayun din naman ang tao na magsikap sa kanyang kalagayan upang ipakita ang kasakdalan ng Dios, na nagpapagamit sa Kanya upang matupad ang Kanyang pakay na hustisya, awa, at kabutihan. ” E. G. W. (Child Guidance, cp. 7, p. 54)

Kawikaan AWA AT HUSTISYA Matalinong payo mula sa Kawikaan para sa pang-araw nating buhay

Kawikaan AWA AT HUSTISYA Matalinong payo mula sa Kawikaan para sa pang-araw nating buhay : 10: 4 13: 23 14: 5, 25 14: 31 15: 15 -16 16: 8 16: 11 -13 17: 15 19: 17 22: 22 -23 28: 14 -16 30: 7 -9 • Huwag maging pabaya, o magiging mahirap ka • Pangasiwaan ng matalino ang iyong mga ari-arian, kahit ito’y kakaunti • Maging tunay na patotoo. Maging tapat • Huwag apihin ang mahihirap, maging maawain sa kanila • Masiyahan sa anong meron ka • Huwag palaguin ang sarili sa pandaraya • Maging patas lagi sa mga transaksyon • Huwag magdahilan sa kasamaan. Huwag parusahan ang matuwid na tao • Magbigay sa mahihirap, nagpapahiram ka sa Dios • Huwag nakawan o apihin ang mahirap. Nakikipaglaban ang Dios para sa kanila • Matakot sa Dios. Huwag mangikil. Tanggihan ang kasakiman • Huwag iwanan ang Dios, gaano ka man kayaman o kahirap

“Bawat gawa ng hustisya, awa, at kawanggawa ay gugawa ng himig sa langit. Nakikita

“Bawat gawa ng hustisya, awa, at kawanggawa ay gugawa ng himig sa langit. Nakikita ng Ama mula sa Kanyang trono silang mga gumagawa ng kaawaan, at ibinibilang silang isa sa Kanyang pinakamahalagang kayamanan. ' At sila'y magiging akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, sa araw na aking gawin, sa makatuwid baga'y isang tanging kayamanan. ' Bawat gawa ng kabutihan sa nangangailangan, nagdurusa, ay itinuturing na ginawa kay Jesus. Kung sumasaklolo ka sa mahirap, sumisimpatya sa mga may sakit at inaapi, at kinakaibigan ang ulila, dinadala ninyo ang inyong sarili palapit kay Jesus. ” E. G. W. (Testimonies for the Church, vol. 2, cp. 2, p. 25)