Liksyon 10 para sa ika 8 ng Hunyo

  • Slides: 9
Download presentation
Liksyon 10 para sa ika 8 ng Hunyo, 2019 MALILIIT NA PANAHON NG KABAGAN

Liksyon 10 para sa ika 8 ng Hunyo, 2019 MALILIIT NA PANAHON NG KABAGAN

Ang Biblia ay maaasahang gabay sa pag-uugali. Nagbibigay ito ng mahalagang payo kung paano

Ang Biblia ay maaasahang gabay sa pag-uugali. Nagbibigay ito ng mahalagang payo kung paano ayusin ang mga hindi pagkakasundo ng mga tao. Ang mga alitang ito ay nagdudulot ng problema sa tahanan. Ngayong lingo napagaralan natin ang ilang talata na maaaring makatulong upang maiwasan at maayos ang mga hindi pagkakasundo ng mga magpamilya. Pitong mga payo upang maiwasan ang mga alitan. Mga payo sa paglutas ng alitan: Pagkontrol sa galit. Tunay na pag-ibig. Ang kahalagahan ng pagpapatawad.

“Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata; at kung

“Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata; at kung magkagayo'y makikita mong malinaw ang pag-aalis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid. ”(Mateo 7: 5) Bago subukang ayusin ang mga kasiraan ng iba, dapat maunawan natin na mas malaki pa ang ating kasiraan, at dapat mauna itong maayos. Ang pagpuna sa mali ng iba ay nagdadala ng mas maraming problema sa halip na maayos ito. “Ang bait ng tao ay nagpapakupad sa galit. At kaniyang kaluwalhatian na paraanin ang pagsalangsang. ”(Kawikaan 19: 11) Kung ikaw ay naapi, tanungin mo ang sarili mo: may pakinabang ba kung makikipag-away ka dahil dito? Ilarawan ang nangyari, ibahagi ang iyong pakiramdam sa positibong paraan, at magmungkahi ng solusyon na mainam sa lahat na sangkot.

“Maigi ang isang tuyong subo at may katahimikan, kay sa bahay na may laging

“Maigi ang isang tuyong subo at may katahimikan, kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan. ”(Kawikaan 17: 1) Bago makipagtalo, isippin muna ang balik nito sa susunod na dalawa o tatlong araw. At paano ang magiging balik nito sa loob ng isa o dalawang taon? Maraming mga mag-asawa ang nag-talo sa mga isyung marahil ay karaniwan na lang ngayon. “Kaya nga sundin ang mga bagay na makapapayapa, at ang mga bagay na makapagpapatibay sa isa't isa. ”(Roma 14: 19) Maiiwasan natin ang alitan sa pagsunod sa dalawang simpleng payo: 1. Gawin ang lahat ng bagay na nagdudulot ng kapayapaan at kaayusan sa iyong tahanan. 2. Hanapin ang paraan upang mapasigla ang personal na paglago ng iyong kabiyak.

“At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa,

“At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo. ” (Efeso 4: 32) Dapat mong matutunang magpatawad gaya ng pagpapatawad sa iyo ni Jesus, lalo na kung iniisip mong di dapat patawarin ang iyong kabiyak. “Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios. ” (Roma 3: 23) Tanggapin na makasalanan at di perpekto ang iyong asawa. Tanggapin sila gaya ng pagtanggap sa iyo ni Jesus. Hanapin ng may pananalangin ang parehong paglago sa kabanalan. “Huwag tingnan ng bawa't isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang bawa't isa naman ay sa iba't iba. ” (Filipos 2: 4) Wag kang gumawa para lang sa iyong kapakanan; unahin muna ang kapakanan ng iyong kabiyak. Anuman ang mabuti sa kanila, ay magiging Mabuti rin sa iyo.

PAGKONTROL SA GALIT “‘Kayo'y mangagalit at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa

PAGKONTROL SA GALIT “‘Kayo'y mangagalit at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit: Ni bigyan daan man ang diablo. ” (Efeso 4: 26 -27) Kailan nagiging kasalan ang pagkagalit? Ang hindi patas na pagkagalit na nagmumula sa pagkamakasarili ay kasalanan laban sa mga pinapatungkulan natin nito. Kung pinapanatili naman ang patas na pagkagalit, ito ay nagiging sama ng loob, na isa ring kasalanan. Hinihikayat tayo ni Pablo na huwag tumangkilik ng galit, ngunit dapat ayusin ito bago matapos ang araw. Maaaring may mabuti kang dahilan upang magalit, ngunit huwag mong gawing dahilan ito upang manatiling galit. Ipanalangin silang mga nananakit sayo, patawarin sila at maging pagpapala sa kanila.

TUNAY NA PAG-IBIG “Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging

TUNAY NA PAG-IBIG “Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila. ”(Colosas 3: 19) Mali ang pag-unawa ng ilang tao sa pag-ibig. Akala nila kailangan nilang ipasunod ang kagustuhan nila upang maging masaya ang kanilang asawa. Nagiging marahas sila minsan o mapang-abuso. Ang tunay nap ag-ibig ay hindi mapilit o marahas. Ginagaya nito ang pag-ibig ng Dios. Hindi ito agad nagagalit. Hindi ito naglilista ng mali. Hindi ito natutuwa sa kasamaan. Lagi itong nangangalaga (1 Co. 13; 1 Jn. 4: 7 -8). Kung tunay na naghahari ang pag-ibig, natural na lang paglilingkod sa isa’t-isa. Sila ay kapwa nakakaramdam ng proteksyon at kaligtasan.

ANG KAHALAGAHAN NG “Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at PAGPAPATAWAD

ANG KAHALAGAHAN NG “Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at PAGPAPATAWAD ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon. ”(Hebreo 12: 14) Hinikayat tayo ni Pablo na maging mapayapa sa lahat ng mga may kinalaman sa atin (Roma 12: 18). Paano ito naging konektado sa pagpapatawad? Kung tayo ang naging dahilan ng isyu, dapat tanggapin natin ang ating kasalanan at taos pusong humingi ng kapatawaran. Kung nagkasala naman ang iba sa atin, dapat natin silang patawarin kahit hindi sila humihingi ng kapatawaran. Kung pinatawad tayo ng Dios, hindi ba dapat patawarin din natin ang iba (Mateo 18: 21 -35)? Dapat ang lagi nating layunin ay maayos ang nasirang relasyon, upang magdulot ito ng kapayapaan sa kanila.

“Kung magawa ang kalooban ng Dios, rerespetuhin ng mag-asawa ang isa’t-isa at pagyayamanin ang

“Kung magawa ang kalooban ng Dios, rerespetuhin ng mag-asawa ang isa’t-isa at pagyayamanin ang pag-ibig at tiwala. Anumang makakasira ng kapayapaan at pagkakaisa ng pamilya ay dapat mariing supilin, at itampok ang kabutihan at pag-ibig. Siyang nagpapakita ng espiritu ng kahinahonan, pagtitimpi, at pag-ibig ay makakakita na gayon din ang ipapakita sa kanya. Kung saan naghahari ang Espiritu ng Dios, wala nang mga salitang hindi karapatdapat na magmumula sa magasawa. Kung tunay na si Kristo ay nabuo sa sarili, ang pag-asa ng kaluwalhatian, magkakaroon ng pagkakaisa at pag-ibig sa tahanan. Ang pagkakaroon ng Kristo sa puso ng asawang babae ay makakasundo ng pagkakaroon ng Kristo sa puso ng asawang lalaki. Magsisikap silang magkasama para sa malaking bahay na inihanda ni Kristo para sa mga umiibig sa Kanya E. G. W. (Counsels for the Church, cp. 21, p. 131)