Kwento ko Gabay ko Sa araling ito ay
“Kwento ko, Gabay ko”
Sa araling ito ay aalamin ng mga mag-aaral ang panahon ng Komonwelt at ang akdang pampanitikan na sumibol sa panahong ito partikular na ang maikling kwento. Gayundin ang araling panggramatika na kayarian ng pang-uri at ang mga kailanganin sa pagsulat ng maikling kwento. Maipamamalas din ang makahulugan at masining na pagpapahayag sa paggawa ng maikling kwento na kung saan sila ay tatayo bilang tagapagkwento sa kanilang gawang kwento sa pamamagitan ng video presentation at gagampanan nila into nang buong husay at galing.
Essential Question • Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa bayan?
Unit Questions • Paano nakatulong ang maikling kwento sa mga manunulat at sa iba pang Pilipino noong panahon ng Komonwelt? • Bakit gumagamit ng iba’t ibang kayarian ng pang-uri ang isang kuwentista? • Malaya ba ang mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt?
Content Questions • Bakit pumunta si Danding sa probinsiya ng Malawig? • Anu-ano ang mga kullturang ipinakita ng mga tauhan sa kwento? • Ano ang iba’t ibang kayarian ng pang-uri? • Ano ang naitulong ng mga kayarian ng panguri sa pag-unawa ng maikling kwento?
Napauunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa diskursong pinakinggan Napalalalim ang pag-unawa sa tekstong binasa sa pamamagitan ng pagsusuri sa nilalaman nito Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng teksto Naisasaalang-alang mga kasanayan sa paggamit ng Filipino sa pagsulat ng talata
Naisasaalang-alang mga kailanganin sa pagsulat ng maikling kwento Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan sa paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinion at saloobin Napalalawak ang kaisipang kaugnay ng paksa
Nakabubuo ng makabuluhang tanong batay sa napakinggan Nasusuri ang mga makabuluhang kaisipang nais ipabatid ng may-akda Nabibigyang-kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa akda Napipili angkop na ekspresyon/pananalita sa pagpapahayag ng sariling puna
Nakikilala ang mga kayarian ng pang-uri Nakasusulat ng maikling kwento na naaayon sa napapanahong paksa Nakabubuo ng balangkas sa sariling kwento Nakabubuo ng video presentation batay sa nagawang kwento
CALENDAR ACTIVITIES UNANG LINGGO ARAW GAWAIN 1 Panimulang pagtataya 2 Pagsagot sa fact o opinion analysis 3 Pagsagot sa generalization table 4 Malayang talakayan 5 Interaktibong pagsusulit
PANGALAWANG LINGGO ARAW 1 GAWAIN 2 Pagbasa ng akdang pampanitikan, pangkatang gawain Presentasyon ng una at pangalawang grupo 3 Presentasyon ng pangatlo at pang-apat na grupo 4 Pagbabalik-aral at pagsagot sa IRF 5 Pasalitang pagsusulit
PANGATLONG LINGGO ARAW GAWAIN 1 Paglalahad ng rubric sa gagawing proyekto 2 Paggawa ng project plan 3 Paggawa ng storyboard 4 Pagpapakita ng halimbawa ng video sa gagawing proyekto Repleksyon sa napanood na video 5
PANG-APAT NA LINGGO ARAW GAWAIN 1 Paglalahad ng rubric sa pangwakas na proyekto 2 Paggawa ng balangkas sa kanilang kwento 3 Aktwal na pagsusulat 4 Peer writing feedback 5 Paggawa ng final draft sa kanilang kwento
PANLIMANG LINGGO ARAW 1 -3 GAWAIN Pagsagawa ng video presentation 4 Paglalatha ng kanilang video 5 Pagpasa ng tapos na produkto
PANG-ANIM NA LINGGO ARAW 1 -4 5 GAWAIN Presentasyon at pagmamarka sa kanilang video Repleksyon sa nagawang proyekto at pangwakas na pagtataya sa buong aralin
Mabuhay ang panitikang Filipino!
- Slides: 16