KUNG MAGKAROON NG HINDI PAGKAKASUNDO Liksyon 7 para

  • Slides: 10
Download presentation
KUNG MAGKAROON NG HINDI PAGKAKASUNDO Liksyon 7 para sa ika-17 ng Nobyembre, 2018

KUNG MAGKAROON NG HINDI PAGKAKASUNDO Liksyon 7 para sa ika-17 ng Nobyembre, 2018

Ang hindi pagkakasundo sa loob ay isa sa pinakamalaking panganib sa pagkakaisa. Humarap sa

Ang hindi pagkakasundo sa loob ay isa sa pinakamalaking panganib sa pagkakaisa. Humarap sa ganung hindi pagkakasundo ang naunang Iglesia. Gayun man, naayos nila iyon at naging mas nagkaisa ang Iglesia, at naipalaganap ang ebanghelyo ng mas mabilis kaysa bago nagkaroon ng pagtatalo. Anong matututunan natin sa naunang Iglesia upang lutasin ang ating mga hindi pagkakasundo? Pagkakaiba sa pansarili Gawa 6: 1 -7 Pagkakaiba sa kultura • Gawa 10: 1 -11: 24 Pagkakaiba sa doctrina • Gawa 15: 1 -22

PAGAKAIBA SA PANSARILI: ANG PROBLEMA “Nang mga araw ngang ito, nang dumadami ang bilang

PAGAKAIBA SA PANSARILI: ANG PROBLEMA “Nang mga araw ngang ito, nang dumadami ang bilang ng mga alagad, ay nagkaroon ng bulongbulungan ang mga Greco-Judio laban sa mga Hebreo, sapagka't ang kanilang mga babaing bao ay pinababayaan sa pamamahagi sa araw-araw. ” (Gawa 6: 1) Ibinahagi ng mga Kristiano ang lahat nilang pag-aari sa Iglesia, kaya natugunan lahat na pangangailangan. Walang taong dukha sa Iglesia (Gawa 4: 32 -34). Gayun man, may ilang pagtatalo na dumating. Isang grupo ng mga tao (Mga Hudiong Griego ang lahi) ay nakaramdam ng pagtatangi sa mga Hudiong taga Judea (Hebreo). Itinigil ng mga apostol itong pagtatangi. Naunawaan nila na manghihina ang pangangaral nila kung makikibahagi sila sa ganitong isyu.

PAGKAKAIBA SA PANSARILI: ANG SOLUSYON “Magsihanap nga kayo, mga kapatid, sa inyo, ng pitong

PAGKAKAIBA SA PANSARILI: ANG SOLUSYON “Magsihanap nga kayo, mga kapatid, sa inyo, ng pitong lalake na may mabuting katunayan, puspos ng Espiritu at ng karunungan, na ating mailalagay sa gawaing ito. ” (Gawa 6: 3) Pinulong ng labindalawang apostol ang Iglesia at nagmungkahi ng solusyon: hatiin sa dalawang pangkat ang gawain; ang paglilingkod ng Salita at Paglilingkod ng Mga Mesa. Nagtalaga ang Iglesia ng pitong lalaki “na may mabuting reputasyon” upangasiwaan ang pamamahagi ng pagkain (Sila ay may lahing Griego). Naging mas marami ang kalahok sa paglilingkod sa Iglesia at naiwasan ang favoritism. Ang solusyo ay nakabase sa sumusunod: Pinakinggan lahat ng opinion. Ibinahagi ang mga responsibilidad. Pumili ang Iglesia ng mga angkop na tao.

PAGKAKAIBA SA KULTURA: ANG ““At nang umahon si Pedro sa Jerusalem, PROBLEMA ay nakipagtalo

PAGKAKAIBA SA KULTURA: ANG ““At nang umahon si Pedro sa Jerusalem, PROBLEMA ay nakipagtalo sa kaniya ang mga sa pagtutuli, Na nagsisipagsabi, Nakisalamuha ka sa mga taong hindi tuli, at kumain kang kasalo nila. ’” (Gawa 11: 2 -3) Inisip ng Iglesia na mga Israelia lang gustong iligtas ng Dios. Kung ganun, ang hindi magiging Hudio ay hindi maliligtas. Hindi din sila nakikihalo sa mga Hentil. Namagitan ang Dios sa pagbigay ng pangitain kay Pedro, upang himukin siyang dalawin ang bahay ng isang Hentil. Inisip ng Iglesias a Jerusalem na pagsabihan si Pedro dahil sa “kasalanang” iyon. ”

PAGKAKAIBA SA KULTURA: ANG SOLUSYON “Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig, upang huwag

PAGKAKAIBA SA KULTURA: ANG SOLUSYON “Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig, upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin? ” (Gawa 10: 47) Namagitan ulet ang Dios sa pagkumbinse kay Pedro na tanggapin si Cornelio at kanyang pamilya na maging bahagi ng Iglesia. Nabautismuhan sila kahit hindi sila Hudio ay hindi sila natuli. Ngunit hindi pa handa na tumanggap ng mga Hentil ang Iglesia. Kinailangang ipaliwanag ng detalyado ni Pedro sa Iglesia ang nangyri kina Cornelio. Ang solusyon ay base sa : Direktang pamamagitan ng Banal na Espiritu. Ang pagpapasakop ng mga pangulo ng Iglesia sa Banal na Espiritu.

PAGKAKAIBA SA DOKTRINA: ANG PROBLEMA “At may ibang mga taong nagsilusong mula sa Judea

PAGKAKAIBA SA DOKTRINA: ANG PROBLEMA “At may ibang mga taong nagsilusong mula sa Judea ay nagsipagturo sa mga kapatid, na sinasabi, Maliban na kayo'y mangagtuli ayon sa kaugalian ni Moises, ay hindi kayo mangaliligtas. ’”(Gawa 15: 1) Pagkakaiba rin sa kultura gaya noong una ang nagdala ng pagtatalo sa doktrina ng pagtutuli. Kailangan ba ang pisikal na pagtutuli para maligtas? O sapat na ba ang pagtutuli ng puso (conversion) para maligtas? Nagtipon ang Iglesia at ang mga maka. Hudio ay ipinagtanggol ang kanilang doktrina na may mga talata mula sa Bibilia. Ipinahayag ni Pedro ang karanasan niya kay Cornelio. Ipinagtanggol din ni Pablo at Bernabe ang kanilang punto sa pagsabi ng mga kahangang ginawa ng Dios sa mga Hentil. FAITH WORKS

PAGKAKAIBA SA DOKTRINA: ANG SOLUSYON “Sapagka't minagaling ng Espiritu Santo, at namin, na huwag

PAGKAKAIBA SA DOKTRINA: ANG SOLUSYON “Sapagka't minagaling ng Espiritu Santo, at namin, na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan” (Gawa 15: 28) Kailangan ng Iglesia ng pagbabago ng panananaw. Kailangan nilang iwaksi ang matagal nang tradisyon at basahin ang Kasulatan sa pangunguna ng Banal na Espiritu. Ito ay mahirap na problema. Kailangang maabot ng kaligtasan ang bawat isa ng walang pagtatangi. Dumarating ang bagong katotohanan kung binabasa nila ang Kasulatan ng ganito ang isipan. Ang mga hakbang sa solusyon ay: Nagtipon ang mga pangulo ng Iglesia. Pinaliwanag ng bawat isa ang kanilang pananaw. Hiniling nila ang Banal na Espiritu at pinag-aralan ang Biblia. Isinulat ang desisyon.

GABAY SA PAGLUTAS NG HINDI PAGKAKASUNDO Ang matinding pagtatalo sa naunang Iglesia ay napanagumpayan

GABAY SA PAGLUTAS NG HINDI PAGKAKASUNDO Ang matinding pagtatalo sa naunang Iglesia ay napanagumpayan ng pagibig, pagkakaisa, pagtitiwala, at buong pagpapasakop sa Salita ng Dios at sa pangunguna ng Banal na Espiritu. Ano ang matututunan natin sa karanasan nila upang harapin ang mga problema ng Iglesia ngayon? Kailangang kilalanin at lutasin ng maagap ang mga hindi pagkakasundo. Maaaring magtalaga ng isa o maraming tao na maghanap ng solusyon sa problema. Ang mga kwento at palagay ng magkabilang panig ay pinakinggan. Pinahalagahan ang Kasulatan. Ang katunayan ng pangunguna ng Dios ay hinanap at ipinahayag. Ibinalita ang desisyon kasama ang dahilan para sa desisyong iyon.

E. G. W. (Testimonies to Ministers and Gospel Workers, cp. 10, p. 110) “Kung

E. G. W. (Testimonies to Ministers and Gospel Workers, cp. 10, p. 110) “Kung nagtuturo ng mali ang isang kapatid, kailangang malaman ito ng kinauukulann; at kung katotohanan ang itinuturo niya, kailangan nilang tumayo sa panig niya. Dapat nating malaman kung ano ang itinuturo sa atin; kung ito ba ay katotohanan, dapat malaman natin ito. Dapat malaman ito ng Sabbath school teacher, at bawat mag-aaral sa Sabbath school ay dapat maunawaan ito. Obligasyon nating lahat sa Dios na unawain kung anong pinapadala Niya … huwag maging prejudice na hindi mo tatanggapin ang palagay dahil hindi ito sang-ayon sa ideya mo. ”