Kritika at Alternatibong Pedagohiya sa Trackbased na Kurikulum
Kritika at Alternatibong Pedagohiya sa Track-based na Kurikulum sa Filipino Jonathan Vergara Geronimo University of Santo Tomas
Daloy ng Pagtalakay • Nilalaman ng Track-based na kurikulum sa Filipino • Kritika at Alternatibo sa Adyenda ng Makabayang Edukasyon • Sampol ng Pagtuturo • Pagbubuo ng panukalang pedagohiya
Programang Kto 12
Deskripsyon ng kurso • Pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na pagsusulat sa piniling larangan
Pamantayang Pangnilalaman • Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan
Pamantayan sa Pagganap • • Nakabubuo ng malikhaing portfolio (akademik) pahayagang pang-isports (sports) magasing pansining o pandisenyo (sining at disenyo) • manwal (tek-bok)
Gramatika • Paggamit ng mga kasanayang komunikatibo (linggwistik, sosyolinggwistik, diskorsal at istratedyik)
AKADEMIK talumpati katitikan ng pulong posisyong papel replektibong sanaysay agenda pictorial essay lakbay-sanaysay abstrak sintesis/buod bionote panukalang proyekto TECH VOC dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay/produkto naratibong ulat paunawa/babala/anunsyo menu ng pagkain SINING AT DISENYO Sulatin sa kulturang popular, sining panteatro, sining biswal, pagdidisenyo ng istruktura ISPORTS Sanaysay, rebyu at kritika sa iba’t ibang ulat, balita o aktwal na laro
Kritika sa Track-based na Kurikulum • Hindi naglilinaw ng tiyak na probisyon ukol sa pananaw at tunguhin na nakasalig sa agenda ng makabayang edukasyon • Hindi nakasalig sa kasalukuyang kalagayan at karanasan ng edukasyon sa Pilipinas
• Hindi nakatahi ang kurikulum ng Senior High School sa magiging tunguhin at programa ng mga magaaral hanggang kolehiyo (silbi ng track-based? ) • May tendesiyang paulit-ulit ang ilang kasanayang nabanggit na sa grade 11 partikular sa mga ouput sa Akademikong strand
• Kulang sa matalinong pagpili ng mga paksa at lohika sa paglalatag nito partikular sa Sining at Disenyo • Mga anyo ng sulatin ang tuon ng lahat ng larangan samantalang naiba ang latag sa Sining at Disenyo
• Hindi nililinaw ang kurikulum sa iba’t ibang larangan kung paano ito magiging kapaki-pakinabang sa potensiyal at pangangailangan ng bayan
Alternatibo • Ilinaw ang pananaw at tunguhing pambansa sa praktika ng pagtuturo salig sa karanasan/kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas • Kailangang magamit ang wika sa matalino at makabuluhang diskursong pang-ekonomiya, pampolitika at pangkultura ng bansa
• Gawing praktikal, awtentiko at makapanlipunan ang mga gawain upang mapalalim ang nasyonalismo at pagpapahalaga bilang kasapi ng komunidad, ng bansa at ng daigdig • Gamitin ang paaralan bilang espasyo ng pag-unawa sa lipunan at ang lipunan bilang laboratoryo ng karunungan at pagkilos
Sampol sa Kritikal na Pagtuturo ng Pagsulat sa Iba’t ibang Larangan (Sining at Disenyo)
Pagkalahatang punto sa pagtuturo ng kursong “Pagsulat sa Sining at Disenyo” • Nabibigyang-kahulugan ang mga susing konsepto ukol sa tiyak na sining at disenyo • Nakapagsusuri at nakasusulat ng papel sa isang tiyak na sining at disenyo gamit ang isang kritikal na lente • Napahahalagahan ang isang tiyak na sining at disenyo batay sa kanyang pambansa at panlipunang papel.
PAGSULAT SA SINING AT DISENYO PAGSUSURI PAGPAPAHALAGA PAGPAPAKAHULUGAN DISKURSONG FILIPINO
NOVELTY SONGS BILANG POETIKA NG LANSANGAN AT KULTURANG POPULAR
PAGPAPAKAHULUGAN • Kaligirang tradisyon at kasaysayan • Produksyon ng kulturang popular • Pormula/katangian bilang sining
Tradisyon at Kasaysayan
Produksyon ng Kulturang Popular
Pormula ng Novelty Songs bilang Sining • adaptasyon sa mga tulansangan (tulang panlasansangan na karaniwang nalilikha ng mga bata sa kanilang paglalaro) • paghalaw sa pang-araw na karanasan • tematikong pag-angkop sa okasyon at popular na palabas • imbentong paraan ng pagpapahayag • paglalapat sa isang paulit-ulit na hakbang sa pagsasayaw • parodiya o panggagaya sa isang sikat na awitin o pangyayari.
• KANTANG “BULAKLAK” NG VIVA HOT BABES
PAGSUSURI • Sa pag-aaral ni Michael Francis Andrada (2007), natuklasan na ginamit at binago ang mga tulansangan ng mga kabataan sa proseso ng komodipikasyon at monopolyong kapital upang patingkarin ang aspektong seksuwal sa awitin at gawing pornograpiko ang mga tulansangan.
• Samantala, pornograpiko naman, ayon pa rin kay Andrada, ang pagpapakete sa awiting “Bulaklak” kasama ang sexy group na Viva Hot Babes sa paglalapat nito ng sensuwal na sayaw at pagsusuot ng pinakamanipis na bikini sa pagtatanghal.
• MUSIC VIDEO NG KANTANG “BULAKLAK” NG VIVA HOT BABES
Pagsulat ng Kritikal na Papel Tukuyin ang mga literal at denotatibong paksa/kahulugan ng kanta. • 2. Pagsusuri sa ginamit na media para itanghal ang kanta, lawak ng popularisasyon at tagatangkilik nito. • 3. Palitawin ang iba’t ibang diskurso sa produksiyon ng novelty songs gaya ng pinaghanguang konsepto, gamit ng wika, mga kasangkot sa pagtatanghal (prodyuser at artista) at paraan ng pagtatanghal • 4. Pagpapalitaw sa nakatagong konotatibong kahulugan at konteksto. • 1.
PAGPAPAHALAGA • Paano aagawin ang kapangyarihang ipinapataw ng mga kapitalista sa pagpapakete ng tulansangan? • Paano magagamit ang espasyo ng lansangan bilang tagapaghubog ng pambansang aspirasyon at kamalayan?
Output • Mag-organisa ng isang pangkulturang pagtatanghal na nagtatampok sa mga orihinal na likhang novelty songs na tumatalakay sa mga suliraning kinahaharap sa pang-araw na buhay ng mga Pilipino
IMPLIKASYON PAGSULAT SA SINING AT DISENYO PAGSUSURI PAGPAPAHALAGA PAGPAPAKAHULUGAN DISKURSONGEDUKASYON FILIPINO MAKABAYANG
Worksyap • Paksa: Lakbay-sanaysay • Natitiyak angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko • Nagagamit angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin • Nakagagawa ng palitang pangkritik • Natitiyak ang mga elemento ngpaglalahad ng pinanood na episodyo ng isang programang pampaglalakbay
Padron ng Pagtakalay PAGPAPAKAHULUGAN PAGSUSURI PAGPAPAHALAGA PAGSULAT
MARAMING SALAMAT PO! jgeronimo. ust@gmail. com @pulangtsok
- Slides: 33