Kasanayan sa Pagsulat 1 Pagsulat Ginagawa upang maipahayag
- Slides: 32
Kasanayan sa Pagsulat 1
Pagsulat � Ginagawa upang maipahayag ang ideya’t kaisipan sa kapwa sa iba’t ibang kadahilanan � Upang maiparating nararamdaman hinggil sa isang paksa � Upang libangin ang sarili at ang kapwa � Upang magturo at magbahagi ng kaalaman � Makumbinsi ang ibang tao sa katotohanan ng ibinibigay na opinyon � Ang anumang dahilan ng sumusulat ang nagtatakda sa kanyang direksyong tatahakin kapag hawak na ang lapis at pael o dili kaya’y sa pagtipa sa mga letra sa kompyuter 2
Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat � Ang kasanayan sa pagsulat ay sinasabing higit pa sa paggamit ng mga simbolong ortografik � Ayon ka Arapoff, ang pagsulat ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan ng mahusay na pagpili at pag -oorganisa ng karanasan � Si Smith ay naniniwalang pagsulat ay isang tao-sa-taong komunikasyon � Kung kaya’t kinakailangang pinipili ang mga salita at isinasaayos ang istruktura upang maging malinaw ang mensahe 3
Sosyo-Kognitibong Pananaw sa Pagsulat �Mas madalas kaysa hindi, ang mga manunulat ay hindi pa tiyak sa kung ano ang kanilang isusulat hangga’t hindi pa sila nagsisimulang sumulat �Maituturing din itong isang paglalakbay-isip nang hindi alam ang destinasyon �Ayon kay Royo, ang pagsulat ay paghubog ng damdamin at isipan ng tao �Naipaparating niya ang kanyang mithiin, pangarap, damdamin, bungang-isip at mga agam-agam 4
Four-Stage Division sa Kasaysayan ng Proseso ng Pagsulat 1. Expresiv – nakafokus sa pangangailangan ng manunulat na malayang maipahayag ang kanyang sarili gamit ang sariling pamamaraan - walang ginagamit na teorya ngunit nakaimpluwensiya sa inobasyon sa pagtuturo ng pagsulat 2. Kognitiv – tumitingin sa pagsulat bilang isang pag-iisip at isang kompleks na gawain - may makalayuning oryentasyon at naniniwalang it’oy isang pabalik-balik na gawain 3. Sosyal na antas – ang mga manunulat ay hindi lamang kumikilos nang nag-iisa kundi bilang kasapi ng isang sosyal 5
at kultural na pangkat na nakakaimpluwensya sa kung ano at paano sila sumulat 4. Komunidad ng diskurso – nadevelop mula sa paniniwalang pagsulat ay isnag gawaing sosyal - ang pagkaunawa ng mambabasa at ang genre ay napakahalaga rito - ang atensyon ay nakatuon sa pantersyaryang pagsulat kung saan kailangang makasulat sila nang katanggap sa akademik na komunidad 6
Dayagram sa Proseso ng Pagsulat Paggawa ng Burador Pag-iistruktura Muling Pagtingin Paglabas ng Ideya Pagfofokus Evalwasyon Ang dayagram na ito ay nagpapahiwatig ng paulit at hindi linyar na kalikasan ng pagsulat 7
�Ang mga gawaing brainstorming ay nagpapalabas ng ideya na nakatutulong sa mga manunulat na masabi ang nasa kanyang iskema �Ang pagfofokus naman tulad ng mabilis na pagsulat ay nauugnay sa pangkalahatang layunin sa pagsulat tungkol sa isang paksa �Ang paggawa ng burador ay transisyon ng kaisipan mula sa manunulat patungo sa tekstong para sa mambabasa. Sa bahaging ito, maraming burador ang maaaring mabuo batay na rin sa gfidbak mula sa mga guro at/o kasama 8
� Sa pagtataya o evalwasyon, makatutulong ang paggamit ng tseklist upang makakuha ng fidbak at mga puna na makatutulong upang maisaayos muli ang binuong burador � Ang muling pagtingin sa teksto ay ginagawa upang matiyak kung tama ang ginawa. Layunin nitong makalikha ng makabuluhan at mabisang pagsulat na makadedevelop sa kasanayan ng manunulat 9
Apat na Pangunahing Punto sa Proseso ng Pagsulat � Ang karanasan ang humuhubog sa pagsulat � Hindi sumusunod sa iisang daan � Ang anumang gawain ay naghahatid ng naiibang hamon � Nagkakaiba-iba ang paraan ng bawat manunulat 10
Layunin sa Pagsulat � Ekspresiv - - - – pangunahing layunin nito ang maipahayag ang nararamdaman at nasasaloob may malayang pamamaraan, hindi gasinong pinagtutuunan ng pansin ang ispeling ng mga salita bagkus minamahalaga ang mailabas ang tunay na iniisip at nadarama ng isang tao kinapapalooban ng sariling karanasan at mga pala-palagay ng manunulat hinggil sa ilang pangyayari sa paligid Hal. jornal, talaarawan, personal na liham at mga reaksyon 11
�Transaksyunal - - – sa layuning ito ng pagsulat, nagbibigay ng interpretasyon, nangangatwiran, naghahatid ng impormasyon, nagsusuri, nanghihikayat o dili kaya’y nakikipagpalitan ng mga ideya sa iba ang manunulat Gumagamit ito ng mas formal at kontroladong paraan sapagkat may format o istilo na dapat isaalang-alang Hal. artikulo, sulating-pananaliksik, editorial, ulat, revyu, sanaysay, dokumentaryo, memorandum 12
Mga Uri ng Pagsulat � Akademik – formal ang istruktura - maayos na naihahanay ang mga pangungusap upang maging malinaw ang pagkakabuo ng ideya - kadalasang seryoso, nakabatay sa sinaliksik na kaalaman - ang pagbuo ng ganitong uri ng kritikal na pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal - Hal. pamanahunang- papel, tesis, disertasyon, suring-basa, panunuring pampanitikan, malikhaing pagsulat � Jornalistik – ang mga sulating hango sa mga pahayagan gaya ng balita, editorial, lathalain at mga balitang isports ay halimbawa ng jornalistik na pagsulat 13
� Referensyal – ang pagtatala ng mga sangguniang gagamitin ay nakatutulong nang malaki sa pagpapadali ng gagawing pagsulat - maaaring ang mga ito’y mula sa mga aklat, pahayagan, polyeto, magazin, brochure, diksyunaryo, jornal, tesis at disertasyon - Hal. Aban, E. B. (1999). Pananaliksik: Teorya at Pamamaraan. Komisyon sa Wikang Filipino. Alcantara, R. B. , et al. (2003). Teaching Strategies I. Makati City: Katha Publishing Co. , Inc. Arrogante, J. A. (2006). Malikhaing Pagsulat. Quezon City: Great Books Trading. Garcia, L. C. , et al. (2006). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Cabanatuan City, JIMCY Publishing Home. Raimes, A. (1983). Techniques in Teaching Writing. Oxford: Oxford University Press. 14
� Teknikal – ang Filipino ay kinakailangang gamitin bilang wikang panturo. Kung gayon, kailangang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang wika ng pagkatuto sa sistemang pang-edukasyon. Subalit isang katotohanan na nakasulat ang napakaraming aklat lalo na sa matematika at siyensa sa wikang Ingles. Dahil dito, malaking papel ng pagsasalin ng mga babasahing ito sa wikang Filipino. Tandaang walang wikang imperyor o superyor na wika sapagkat ang bawat wika ay may sistemang tutugon sa pangangailangan ng gumagamit nito 15
�hal. Paggawa ng Algorithm 1. Simula 2. I-input ang tatsulok, tawagin itong TAAS. 3. Tiyakin kung negatibo ang valyu ng TAAS. Kung negatibo, bumalik sa hakbang 2. Kung hindi, 4. I-input ang base ng tatsulok, tawagin itong BASE. 5. Tiyakin kung negatibo o positibo ang valyu ng BASE. Kung negatibo, bumalik sa hakbang 4. kung hindi, 6. AREA NG TATSULOK=(BASE*TAAS) 7. I-output ang AREA NG TATSULOK 8. Tapos. 16
Pagsasaayos ng mga Datos � Sa pagsasagawa ng isang pag-aaral tungkol sa isang paksa, gumamit, kumukuha at nagsasaayos ng mga datos ang mananaliksik � Gumagamit siya ng iba’t ibang sanggunian upang makapangalap ng mga impormasyong susuporta sa ideya o argumento 1. Pangunahing datos – nagmumula ang mga impormasyon sa mga indibidwal na tao, mga akdang pampanitikan, mga pribado o publikong organisasyon, batas, dokumento at iba pang orihinal na talaan 2. Sekondaryang datos – kinalap ang mga datos mula sa mga manuskrito, ensayklopidya, tesis, disertasyon, magazin, pahayagan at iba pang aklat na naisulat ng mga awtor 17
Istratehiya sa Pagkuha ng Datos 1. Direktang sipi – ang mga eksaktong salita o pahayag ng isang awtor - kinokopya nang direkta, salita-sa-salita, mula sa sanggunian - ginagamit ito ng mananaliksikkapag nais niyang: � idagdag ang kapangyarihan ng salita ng awtor upang suportahan ang argumento � nais pabulaanan o hindi sang-ayunan ang argumento ng awtor � bigyang-diin partikular ang isang malinaw o makapangyarihang pahayag o sipi � naghahambing ng mga ispesipikong punto de vista 18
� Hal. Sinabi ni Almario (2005): “Noong araw, inaawit ang tula ng mga Tagalog. Hindi sapagkat iisa ang tula at awit. Ngunit waring may kalapat na himig ang mga tula o nakalilikha alinsunod sa mga takdang himig. Kaya’t kung sabihin na may sinaunang tula ukol sa bawat gawain at yugto sa buhay ng tao, lumilitaw na may gayon ding bilang at uri ng sinaunang awit. ” Ayon kay Cover (2006), magkalakip ang ugnayan ng wika at kultura. Ang kultura ay likha ng tao. Ang wika ay taal sa tao. Kahit na nga ito’y taal, ang wika ay likha ng tao, gaya ng kultura 19
2. Parapreys o Hawig – nangangahulugan ito ng pagsasabing muli ng nakuhang ideya mula sa ginamit na sanggunian gamit ang sariling pangungusap - maaari itong tingnan bilang transleysyon ng orihinal na pinagmulan ng ideya - isang pagpapasimple ng tekstong binasa upang mas madaling maunawaan ng babasa - gumagawa ng pagpaparapreys kapag: � nais gumamit ng mga impormasyon sa notecard at umiwas sa panggagaya o pangongopya � nais iwasan ang masyadong paggamit ng direktang sipi � nais gamitin ang sariling boses sa paglalahad ng impormasyon 20
�Hal. Orihinal na Teksto Kung ang lugar o setting ay nakakaapekto sa varayti ng paggamit ng wika sa pagsalita o pagsulat ng isang komunidad, gayundin ang katangiang personal ng bawat nakikipag komunikeyt Parapreys Ang varayti ng pasulat at pasalitang wika ay natutukoy ayon sa kapaligiran at personalidad ng taong gumagamit nito 21
3. Sinopsis o Buod – pinagsasama-sama ang mga pangunahing ideya ng isa o maraming manunulat gamit ang sariling pangungusap - ang mga binuod na ideya ay kadalasang hindi ipinipresenta sa paraang tulad sa orihinal. - mas maikli ito kaysa sa orihinal at naglalaman ng kabuuang kaisipan ng pinagkunang materyal - gumagawa ng sinopsis kapag: � nais magbigay ng background at pananaw hinggil sa isang paksa � nais maglarawan ng pangkalahatang kaalaman mula sa maraming sanggunian tungkol sa paksa � nais na madetermina ang pangunahing ideya ng pinagbatayang teksto 22
�Hal. Orihinal na teksto Ang paglinang ng mga materyales at sangguniang panturo na ginagamit sa iba’t ibang sabjek ay nangangahulugan lamang ng pangangailangan sa pagsasaling-wika o transleysyon ng mga teksto mula Ingles tungo sa Filipino. Ayon kina Sibayan at Gonzales (1991), magsisilbing isang pangunahing pamamaraan ang pagsasaling-wika upang ganap na makamit ang intelektwalisasyon ng wika. Sa madaling salita, malaki ang tungkulin ng pagsasaling-wika sa pagbuo ng pambansang kamalayan at sa pagsabay sa makabagong takbo ng buhay sa daigdig. Sinopsis Ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales at sangguniang panturo ay isa sa pangunahing pamamaraang magagamit tungo sa intelektwalisasyon ng Filipino. 23
Proseso ng Pagsulat � May mga lohikal na hakbang na sinusunod ng mga manunulat sa pagbuo ng isang papel � Isang proseso ang pagsulat � Prosesong may dalawang direksyon: Una, para tuklasin sa sarili ang kakayahang makapagpahayag ng mga ideya na ito’y hindi pala isang trabahong mekanikal na basta agarang lalabas ang alam pag gustong sabihin anumang oras; pangalawa, para makabuo ng sulating naaayon sa tamang pagkakasunud-sunod, at pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan 24
Ang mga Yugto sa Proseso ng Pagsulat 1. Unang yugto - Ang Paghahanda ng Sulatin a. Paglalagay ng sarili sa isang malinaw na direksyon ng pagsulat ayon sa sumusunod na kaparaanan: � Pumili ng paksa- magtala ng marami - sa mga nakalistang paksa, pumili ng isa o dalawa na inaakalang makatawag pansin at posibleng sulatin - isulat ito sa taas ng susulating papel - simulang magtala - isipin ang kakailanganing haba ng sulatin at ang panahong gugugulin - kitiran o mlawakan ang paksa ayon sa tinatayang sukat ng sulatin - itala ang dinisyunang paksa 25
� Alamin - - - ang tiyak na layunin sa pagsulat at ang tiyak na babasa nito Ang matamang pagkakaunawa sa layunin at sa mambabasa ang magpapalinaw sa paksang tatalakayin Ang layunin ng pagsulat ay para makapagpahayag ng kaisipan at damdamin sa mambabasa Magkukuwento ka ba ng sariling karanasan? maglalarawan ka ba ng isang tauhan? Pangangatwiranan mo ba ang isyu? O maglalahad lang ng mga impormasyon Laging dalawang panig ang nasasangkot, ang nagbibigay ng impormasyon at ang tumatanggap ng impormasyon Ang tagatanggap ang mambabasa. Sinu-sino ang babasa ng sulatin – estudyante, titser, kaibigan 26
b. Pangangalap ng materyal at pagsasaayos ng mga kaisipan �Maraming mapagkukunan ng maisusulat – sa pagbabasa, sa pagmamasid, sa pakikipag -usap, sa sariling karanasan �Magtalang mabuti nang tiyak, nang tama �Pagkatapos, grupu-grupuhin ang mga detalye ayon sa makahulugang pamamaraan �Para magkaroon ng orihinalidad, tumuklas ng pansariling pamamaraan kung paano lalabas na kaakit-akit/kawili-wili ang epekto sa mambabasa 27
2. Ikalawang yugto – Ang pagsulat ng Burador �Hindi madaling mag-umpisa ng sulatin. Nakaharap ka sa nakaladlad na blankong papel. Naghihintay ka sa pagdaloy ng isip para lumakad ang nakaumang na pansulat. Sa biglang mauudlot na parang may bumabara sa bukana ng utak kaya mabagal ang pagbukal ng mga salita, o di kaya’y may sadyang wala, gayong sa tangka ay punong -puno naman ang isip ng mga diwa �Ito ang karaniwang nasusumpungan ng karamihan sa pagsisimulang sumulat �Datapwat, kung natupad ang mga kahilingan sa uanang yugto ng pagsulat, ang nabanggit na sitwasyon ay maiiwasan 28
3. Ikatlong yugto – Pagsasaayos ng mga detalye � Ito ang huling hakbangin para makapagsimulang sumulat � Maraming paraan sa pagsasaayos ng mga detalye – pwedeng pakronolohikal, paespesyal, pahambing at pataliwas, paanggulo, patiyak, pasaklaw, papayak, pasalimuot 29
Pamamaraan sa Pagpapalabas ng Ideya 1. - Pagtatala – paglilista ito ng mga kaisipan sa pamamagitan ng pagdadaglat, pagguhit, pagsipi isa itong pagbabalangkas ng iniisip – isang impresyunistang balangkas na malalaman kapagdaka karaniwan nang ginagawang pahalang at pababa ang paglilista masusundan dito ang pagkakasunud-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga detalye tungkol sa paksa pag magsusulat na hindi pa ito gaanong pagbuong baybay ng mga salita 30
2. Palitang-kuro – grupo ang karaniwang gumagawa rito - mag-uumpok sila sa isang lugar na inaakalang makapag-uusap-usap sila nang malaya at mahusay - Malawak nilang titingnan ang paksa sa iba’t ibang anggulo at ang kaligiran ng usapin - Ang mga potensyal na opinyon ang bibigyang konsiderasyon at pagkakaisahan ang mga hakbangin para marating ang mapagkasunduang layunin - Bukod sa napakaepektibo ng pamaraang ito, ang pangangalap ng kaisipan ay napakadali 31
3. Malayang Pagsulat – pamamaraan itong kung ano ang basta lumabas na ideya sa isip ay isinusulat - Pabayaang malayang dumaloy ang isipan nang walang anumang pagkontrol, sa gayon, maging ang mga di-inaasahang nakabaong ideya ay lumitaw - Hayaang magawa ang inisyal na teksto na magsisilbing burador o rafdraf dahil pagkatapos namabasa ito, madali nang mapagpasyahan kung alin sa mga ideya ang may potensyal at imporatnte 32
- Pagsulat upang maipahayag ang sarili
- Ang aking personal mission statement
- Ito ang huling bahagi ng katawan ng isang sulatin.
- Kahulugan ng donald murray
- Anyo ng sining na gumagamit ng mga larawang gumagalaw
- Persepsyon
- Makrong kasanayan sa pagbasa at pagsulat.
- Yugto ng proseso ng pagsulat
- Dula sa panahon ng mga kastila
- Bakit mahalaga ang kilusang propaganda
- Kwalipikasyon kapangyarihan ng mahistrado
- Paano mo maiiwasan ang plagiarism
- Patnubay sa mabisang pakikinig
- Modelo ng isang pagbasa ni coady 1979
- Pamantayan sa pagluluto
- Hard skills examples
- Talumpati ng pamamaalam
- Kahalagahan ng estratehiya sa pagtuturo
- Kognitib domeyn halimbawa
- Nganga kahulugan epiko
- Pagsusulit tungkol sa panitikan
- Uri ng maylapi
- Ibig sabihin ng price floor
- Lipunan concept map
- Halimbawa ng mga karapatan
- Abril 6, 1924
- Ugnayan sa pamilya
- Punan ng angkop na salita ang patlang
- Ito ay nagsilbing bangkong komersyal ng mga negosyante
- Manouchehr khosrodad
- Halimbawa ng balangkas ng sanaysay
- Gumawa ng isang concept map
- Ano-ano ang paniniwala ukol sa lalawigan ng iloilo