Kaligirang Kasaysayan ng Nobela sa Pilipinas Mga Impluwensya
Kaligirang Kasaysayan ng Nobela sa Pilipinas
Mga Impluwensya sa pagsulat ng nobela • Ayon kay Virgilio S. Almario, naging impluwensiya sa ilang mga nobelistang Pilipino ang sumusunod na mga akdang banyaga: ang Hudeo Errante (1844) ni Eugene Sue, ang Conde de Montecristo (1844 -46) at ang La Dama de las Camellias (1848) ni Alexandre Dumas, ang Les Miserables (1862) ng mga kastila
Ano ang Nobela? • Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mgapangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila • isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
• Ang kasaysayan ng nobela sa Pilipinas ay nagsimula noong Panahon ng Kastila na may paksain tungkol sa relihiyon, kabutihang-asal, nasyonalismo, at pagbabago. Nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyang panahon.
Layunin ng Mga Nobela • Gumising sa diwa at damdamin, Nananawagan sa guni at talino, Mapukawang damdamin ng mambabasa, Magbigay ng aral tungkol sa pagunlad ng buhay at lipunan, Nagsisilbing daan tungo a pagbabago sa sarili at lipunan.
Mga uri ng Nobela • Nobelang Romansa: ukol sa pag-iibigan • Kasaysayan: binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na • Nobelang Banghay: isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwiling mga mambabasa • Nobelang Masining: paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari angikinawiwili ng mga mambabasa
• Layunin: mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao • Nobelang Tauhan: binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailanganbinibigyang-diin sa nobelang ito angkatauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
Pilipinas
Panahon ng Kastila • Ang Commission Permanente de Censura ang sumusuri ng mga akdang pampanitikan na nilalathala upang siguraduhin na walang ano mang paglaban sa pamahalaang Kastila.
2 uri ng nobela sa panahon ng Kastila. • Nobelang Pangrelihiyon nagbibigay diin sa kabutihangasal • Nobelang Mapaghimagsik nagbibigay diin sa kalayaan, reporma, pagbabago, at diwang nasyonalismo
Mga Nobela sa Panahon ng Kastila.
• Ang Noli me Tangere at El Filbusterismo ni Jose Rizal na ang paksa ay tungkol sa Himagsikan. • Doctrina Christiana ni Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva na tungkol sa relihiyon. • Urbana at Felisa ni Padre Modesto de Castro na tungkol kagandahang asal at relihiyon. • Barlaan at Josaphat ni Padre Antonio de Borja na tungkol sa relihiyon. • Ninay ni Pedro Paterno • Ang Bandido ng Pilipinas ni Graciano- Lopez Jaena na tungkol sa paghihimagsik.
Panahon ng Amerikano • Nahahati sa tatlong panahon ang kasaysayan ng nobela noong panahon ng Amerikano, ang Panahon ng Aklatan. Bayan (1900 -1921), Panahon ng Ilaw at Panitik (1922 -1934) at Panahon ng Malasariling. Pamahalaan (1934 -1942). Noong Panahon ng Akalatan, naging maunlad ang nobela na tumatalakay sa mga paksain tungkol sa pag-ibig, paghihimagsik, buhay lalawigan at karanasan. Inilalathala sa mgapahayagan ang mga nobela na payugtu-yugto o hinahati sa parte ang nobela sa mga kabanata. Si. Lope K. Santos, ama ng Balarilang Tagalog ang nagsimula ng ganitong paglalathala.
Halimbawa ng mga pahayagan. • Ang Kapatid ng Bayan • Muling Pagsilang • Ang Kaliwanagan
Mga nobelang nailathala ng mga pahayagan. • Salawahang pag- ibig ni Lope K. Santos • Unang Bulaklak ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kaliwanagan • Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kapatid ng Bayan • Mag-inang Mahirap ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Muling Pagsilang • Sampaguitang Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado
• Dumating ang panahon ng ilaw panitik, hindi naging maunlad nobela at nahalina ang mga nobelista na sumulat tula at maikling kuwento. Mga nobela: a. Mutyang itinapon ni Rosalia Aguinaldo b. Magmamani ni Teofilo Sanco • Noong panahon ng Malasariling Pamahalaan, bumaba ang urin ng nobela dahil sa pagkakahilig ng mga tao sa mga tula at maikling kwento at pagbabago ng panahon.
Panahon ng mga Hapon • Noong Panahon ng Hapon, hindi rin naging maunlad ang nobela dahil sa kakulangan sa materyales (papel) at niliitan ang mga letra (sa Liwayway)
Mga Nobela sa panahon ng Hapon
Halimbawa ng nobela sa panahong ito: • Tatlong Maria - Jose Esperanza Cruz • Sa Lundo ng Pangarap - Gervacio Santiago • Lumubog ang Bitwin - Isidro Castillo • Sa pula, sa puti ni Francisco Soc rodrigo
Panahon ng Republika • Noong panahon ng Ikatlong Repulika ng Pilipinas, walang pagbabago sa sistema ng pagsulat ng nobela at naging tradisyunal. Tumatalakay ng mga paksain tungkol sa nasyonalismo, isyung panlipunan at naglalayong mangaliw ng mambabasa.
Halimbawa ng nobela sa panahon na ito
• Sa Mga Kuko ng Liwanag - Edgardo Reyes • Binhi at Bunga - Lazaro Francisco • Dekada 70 - Lualhati Bautista • Luha ng Buwaya - Amado V. Hernandez • Mga Ibong Mandaragit - Amado V. Hernandez • Daluyong - Lazaro Francisco
Bagong Lipunan (1972 kasalukuyan) • Noong panahon ng batas militar hanggang kasalukuyan, tumatalakay ang mga nobela ng mga paksain tungkol sa reporma, pag-ibig, ugaling Pilipino, pamilya, pangaraw na pamumuhay. Nagbalik ang nobela sa romantisismo na nailalathala sa Liwayway at nasa pamantayang komersyal.
Mga Nobela ng Panahon ng Republika • Ginto ang Kayumangging Lupa - Dominador Mirasol • Maling Pook, Maling Panahon, Dito, Ngayon - Lualhati Bautista
Dekada 50 • Lumaganap sa panahong ito ang problema sa lupa at insureksiyon kung kaya, lumutang mga paksang may kinalaman sa mga suliraning panlipunan at kakaibang larawan ng buhay sa mga nobela.
Mga Nobela ng Dekada 50 • “Maganda pa ang Daigdig” ni Lazaro Francisco. • “Pagkamulat ni Magdalena” nina Alejandro Abadilla at Elpidio Kapulong. • “Ang Tundo man ay may Langit din” Ni Andres Kristobal Cruz • “Mga Ibong Mandaragit” ni Amado V. Hernandez
Dekada 60 • Tinatayang sa panahong ito nagsimula na ang kabi- kabilang protesta laban sa bulok na sistema ng pamahalaan. Sa unang tatlong taon ng dekada 60 ay nanatili ang mga nobelang maromansa, samantalang sa kalagitnaan ng dekada ay nagsimula na ang pakikilahok sa pagmumulat tungkol sa mga problemang kinakabaka ng karamihang mamamayan.
Mga nobela ng Dekada 60 • “Daluyong” ni Lazaro Francisco • “Luha ng Buwaya” ni Amado V. Hernandez • “Apoy sa Madaling Araw” nina Dominador Mirasol at rogelio Ordoñez. • “Sa Kagubatan ng Lungsod” at “Sa mga Kuko ng Liwanag” ni Edgardo M. Reyes. • “Dugo sa Kayumangging Lupa” ni Efren R. Abueg • “Ipaglaban mo ako” at “Nagbabagang Paraiso” ni Liwayway Arceo
Dekado 70 • Nagpatuloy sa dekadang ito ang paglalathala ng mga nobela. Isa sa mga namayagpag na magasin ay ang Liwayway. Sa magasing ito , nalatahala ang karamihan sa mga nobelang nabanggit sa dekada 60. ang lantarang pagwagayway ng bandilang pula ay lumaganap sa panahong ito. Kabi- kabila ang mga rali at protesta ng mga estudyante, manggagawa at magsasaka sa kalsada hanggang sa ipatupad ni pangulong Ferdinand Marcos ang batas milita. Natahimik ang mga lansangan. Nabusalana ang bibig ng mga mamamayan at halos mapuno ang mga kulungan sa mga bilanggong pulitikal. Naging maigting ang pamumuna ng mga nobelista sa lipunan.
Mga Nobela ng Dekada 70 • “Mga Buwaya sa Lipunan at Satanas sa Lupa” ni Celso Al Carunungan. • “Madilim Ang Langit sa Bayan ko” ni Jose Mercedes. • “Nangluhod sa Katihan” nina Fausto Galaruan at Gervasio Santiago. • “Canal de la Reina” ni Liwayway Arceo • “Ito ang Rebolusyon at Judas Iscariot” nina Clodualdo del Mundo at Gervasio Santiago • “Ginto ng Kayumangging Lupa” ni Dominador Mirasol
Dekada 80 • Ang nobela sa panahong ito ay karamihang nasa pamantayang komersiyal, lalo na iyong isinulat na ang pananaw ay nakatuon sa pagkapili nito upang maisapelikula. Muling naibalik ang romantisismo sa mga nobelang lumabas sa Liwayway at ang mga manunulat na may layunin ay nawala.
Mga Nobela ng Dekada 80 • “Gapo” ni Lualhati Baustista • “Mga Tinapay sa Ibabaw ng Tubig” ni Reynaldo A. Duque • “Tutubi, Wag kang Magpahuli sa Mamang Salbahe” ni Jun Cruz Reyes. • Kulang ng isa sa Sandusena Ba’t di pa magkasya sa sa Labing- isa Nalang” NI Victor Francisco • “Bata, Sinaksak isinilid sa Baul” ni tony Perez
Mga Nobela ng Dekada 90 • “Ang kaulayaw ng Agila” ni Lilia Santiago • “Bulaklak ng Maynila” ni Domingo Landicho • “Malaybay” ni Edmund Coronel • “Moog” ni Buenaventura Medina
• • Mga Nobela Kasalukuyang panahon “Kung paano Ko Inayos Ang buhok Matapos ang mahab- Haba Ring Paglalakbay” ni Norman Wilwayco “Unang Ulan ng Mayo” ni Eleen Sicat “Gerilya” ni Norman Wilwayco “Ang Banal na Aklat ng mga Kumag” ni Allan Alberto Derain
- Slides: 34