Isang sikat na uri ng panitikan ang Balagtasan
Isang sikat na uri ng panitikan ang Balagtasan noong panahon ng mga Amerikano. Hango ito sa pangalan ni Francisco Balagtas na Ipinanganak noong______ at namatay noong_______ang kanyang ama’t ina ay sina______at_______ siya ay may tatlong kapatid na sina Felipe, Concha at _____. Siya rin ay kilala sa kanyang sagisag na _______at Balagatas, Sa edad na sampung taong gulang siya ay naging katulong ni Donya Trinidad sa____Maynila. Ang kanyang naging inspirasyon sa pagsulat ng Florante at Laura ay si_______ngunit hindi niya ito nakatuluyan dahil naging karibal niya si _______at ng magtungo siya sa Pandacan ay kaniyang nakilala at napangasawa si ______.
S W S R A A L E
SARSWELA • Ito ay isang dulang may kantahan at sayawan.
SARSWELA Nahahati sa iba’t ibang kabanata(yugto, tagpo)
SARSWELA Ang karaniwang paksa ay mitolohikal, kabayanihan, pag-ibig at kontemporaryong isyu
SARSWELA • Zarzuela • Sarsuela • Dulang inawitan • Dulang Hinonihan • Drama Lirico • Operetta
“Ama ng Sarswelang tagalog” “Ama ng Dulang tagalog” Severino Reyes
Severino Reyes Isang mahusay na direktor at manunulat
Severino Reyes Don Binoy Lola
Severino Reyes Unang punong patnugot ng Liwayway
Severino Reyes Nagsimulang mabasa ang mga akda ni Lola basyang taong 1925
Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng kaniyang kaibigan sa Quiapo, Maynila. Ang pangalan ng babae ay Gervcia Guzman de Zamora o mas kilala sa Tandang Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon, magsasama –sama ang mga kabataan sa kanilang lugar at makikinig sa mga kuwento ni Tandang Basyang. Kaya naman, matapos nito, ang mga kuwento na naisulat ni Reyes ay may pirma na Lola Basyang.
Ang Sarswela ay lubos na kinagigiliwan ng mga Pilipino At dahil sa sarswela ay sumikat si Atang Dela Rama na binansagang “Reyna ng Sarswela sa Pilipinas. Atang Dela Rama
ELEMENTO NG SARSWELA
ISKRIP Pinakakaluluwa ng isang dula
“Ang iskrip ng isang dula ay isang iskrip lamang, dahil ang tunay na dula ay yaong itinatanghal na sa tanghalan na pinaghandaan batay sa isang iskrip. ”
TAGAGANAP O AKTOR Nagbibigay buhay sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng dayalogo at sila rin ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin
TANGHALAN Alin mang pook na pinaggaganapan ng dula/sarswela
TAGADIREHE/DIREKTOR Ang nagbibigay ng interpretasyon at nagpapakahulgan sa isang iskrip.
MANONOOD Isa sa pinakaimportanteng elemento ng dula. Sila ang pumapalakpak sa galing na ipinakita ng mga aktor at aktres
EKSENA AT TAGPO • Eksena ay paglabas masok sa tanghalan ng mga tauhan • Tagpo pagpapalit ng tagpuan/lugar.
L A T S S A A T I L A
Walang karapatan ang sinuman na agalahiin ang kanyang kapwa dahil lamng sa kahirapan nito.
Talagang pinagbuti ng produksiyon ang kanilang pagtatanghal upang hindi sila mapulaan ng mga manonood.
Naluoy ang pagmamahal niya sa dating kasintahan.
Nang-agaw ng kuwintas ang tampalasang magnanakaw.
Mag-ingat sa sukabang kasambahay na nanlalason ng kaniyang amo saka nagnanakaw.
Si Trevor ay Bugtong na anak nina G. Matias at Marites Bartolome.
WALANG SUGAT
Ibinatay sa Pahanon ng Rebolusyon noong taong 1896, ang dulang Walang Sugat ay unang naipalabas sa ‘Teatro Libertad’ noong 1902.
Tungkol ito sa kawalan ng hustisyang tinamasa ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Ang mga temang gamit nito ay pagmamahalan sa gitna ng digmaan, sakripisyo, pagkawalay, at kontradiksyon ng indibidwal sa pamilya.
Isinulat ito ni Severino Reyes upang ipakita sa lahat ang kanyang pahayag laban sa imperyalismo. Ang orihinal na musikang kasama nito ay nagmula kay Fulgencio Tolentino.
TAUHAN
TENYONG Isang lalaking mapagmahal na handang ipaglaban ang kanyang sinisinta at ang bansa
JULIA Ang Kasintahan ni Tenyong
Iba pang tauhan -Miguel - Putin (ina ni Tenyong) - Kapitan Inggo (ama ni Tenyong)
Iba pang tauhan - Monica (alila ni Julia) - Juana (ina ni Julia) - Tadeo (ama ni Miguel) - Lucas (utusan ni Tenyong)
TAGPUAN
TAGPUAN Tahanan nina julia Bilangguan Simbahan
PANGYAYARI
Bahay nila Julia A N F Lucas
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene I Dumating si Tenyong sa bahay ng kasintahan niyang si Julia. Inabutan niyang nagbuburda si Julia ng isang panyo. Ayaw ni Julia ipakita kay Tenyong ang kanyang gawa. Nakita ni Tenyong na ang panyo ay mga letra ng kanyang pangalan (Antonio Narcisso Flores) ngunit sabi ni Julia ay para raw ito sa Prayle (Among Na Frayle).
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene I Nagalit tuloy si Tenyong at gustong sunigin ang panyo. Sinabi ni Julia na para nga kay Tenyong ang panyo at sila’y nagsumpaan na ikakasal sa altar. Biglang dumating si Lucas/Lukas, isang alalay ni Tenyong, na nagsabing inaresto ang ama ni Tenyong at ilan pang kalalakihan ng mga Guardia Civil sa pag-aakalang sila ay mga rebelde.
Pamilya at kaibigan Bilangguan sa Bulacan Prayle at kapitan Luis Marcelo
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene II) Ang mga pamilya at kaibigan ng mga inaresto ay naghandang bumisita at magbigay ng pagkain sa kulungan. Sumakay sila sa tren papunta ng kapitolyo. Inutusan ng mga Kastilang frayle si Kapitan Luis Marcelo na paluin at saktan pa ang mga nakakulong kahit na mayroon ng namatay at nag aagaw- buhay na si Kapitan Inggo, ang tatay ni Tenyong.
Kapitan Putin at Punong Prayle Plano kamatayan
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene III ) Sinabi ng punong-frayle na papakawalan na si Kapitan Inggo sa kanyang asawa. Sinabi rin niyang pupunta siya sa Maynila upang sabihin sa Gobernador-Heneral na pakawalan na ang iba pang mga inaresto. Ngunit iba ang plano sabihin ng prayle pagdating duon. Ipapapatay niya ang mga mayayaman at edukadong Pilipino. Nakapiling ni Kapitan Inggo ang kanyang pamilya at mga kaibigan bago siya mamatay. Pagkamatay nito, sinumpa ni Tenyong na maghiganti!
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene III ) Sa eksena ring ito. Hindi humalik sa kamay ng punong prayle si Tenyong dahil ayon sa kanya ang kamay na pumapatay ay hindi dapat hagkan
Pagluluksa Poot Paghihimagsik
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene IV) Nagluluksa si Putin at tenyong sa kamatayn ni Kapitan Inggo. Galit at pagkapoot ang nararamdaman ng binata sa mga kura kaya Pinili niyang sumali sa mga rebelde kahit anong-pilit ni Julia na tigilan ito. Sa huli, pumayag si Julia at ibinigay kay Tenyong ang kanyang medalyon/agimat. Nagsumpaan muli sila na mamahalin ang isa’t-isa habang-buhay
Ipinagkasundo pagbabalik Monika at Lukas
Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene I Sinabi ng ina ni Julia na ikakasal ito kay Miguel, isang mayamang illustrado. Inayawan ito ni Julia. Hindi alam ng kanyang ina na hinihintay niya ang pagbabalik ni Tenyong. Sa kabilang banda, nagsimulang magkarelasyon ang mga alalay nina Julia at Tenyong na sina Monica at Lucas/Lukas.
Tahanan nina Julia Pag-iisang dibdib Mga Pilipinong hindi nagsisimba
Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene II/III ) Sumunod na linggo, dumating sina Miguel, ang kanyang ama, at isang pari sa bahay nina Julia upang ayusin ang pag-iisang-dibdib nina Miguel at Julia. Kabado si Miguel at hindi masabi ng tama ang kanyang panliligaw kay Julia. Naiba ang usapin ng kasalan nang naging pagrereklamo ito ng pari sa lumalaking problema tungkol sa mga Pilipinong hindi na nagsisimba.
Kuta ng katipunero Liham labanan
Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene III ) Sa kuta ng mga katipunero, biglang dumating si Lucas/Lukas na may bitbit na sulat para kay Tenyong na galing kay Julia. Nalaman ni Tenyong na namatay na ang kanyang ina at ikakasal na si Julia kay Miguel. Balisa at malungkot sa nabasa, humingi siya ng tulong sa kaniyang heneral. Umatake ang mga Kastila at nagsimula ang labanan.
Pagbabalik Miguel sakit
Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III - Scene I) Bumalik si Lukas kay Julia na walang nakuhang sagot mula kay Tenyong. Bumisita muli si Miguel kay Julia at nagsabing magiging engrande ang kanilang kasalan. Nagkunwari si Julia na masakit ang ulo upang iwasan si Miguel.
kasalan hiling Walang Sugat!
Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III – Scene II / III) Dumating na ang nakatakdang araw ng kasal at napilitan na rin si Julia na pumayag, sa pag-akalang patay na si Tenyong at sa kagustuhang hindi mapahiya ang kanyang ina. Engrandeng selebrasyon ang magaganap at nakatipon ang buong bayan. Pero bago mairaos ang seremonya, dumating si Lucas na may balitang nakita na si Tenyong pero agaw-buhay itong nakaratay sa karte. Dinala si Tenyong sa pinagdausan ng kasal ni Julia.
Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III – Scene II / III) Sa muling pagtatagpo ng magkasintahang sawi, hiniling ni Tenyong sa pari na, yaman din lamang na mamamatay na siya, ikasal na sila ni Julia. Sa pagkamatay daw ni Tenyong, maaari nang pakasalan ni Julia si Miguel. Dahil mukhang matutuluyan na nga si Tenyong, pumayag na rin si Miguel sa kakaibang huling hiling ni Tenyong. Kinasal si Tenyong at Julia ng paring Kastila. Matapos ang seremonya ng kasal, biglang tumayo si Tenyong, at lahat ay napamanghang sumigaw; “Walang sugat!”.
Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakita ni Tenyong sa Sarswelang “Walang Sugat”?
Ipinakita niya ang pagiging matatag sa kahit na anong pagsubok na dumating sa kanyang buhay.
Ilarawan ang Pag-iibigan nina tenyong at Julia. Bakit naging sanhi ng pagdaramdam ng binata ang panyong binuburdahan ni Julia?
Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Tenyong na “ang mundo ay sinungaling” sapagkat kapag ang tao ay nakadama ng ligaya ang kasunod ay pagdurusa.
Nakikita pa ba sa kasalukuyan ang pangaabusong ipinapakita sa dula? Sa paanong paraan?
- Slides: 67