ISANG PAGSUSURI SA KASALUKUYANG PAGIRAL NG MTBMLE SA

ISANG PAGSUSURI SA KASALUKUYANG PAG-IRAL NG MTB-MLE SA PILIPINAS F. P. A. Demeterio III Full Professor, Departamento ng Filipino Director, University Research Coordination Office De La Salle University

INTRODUKSYON • Bubuksan ko ang aking panayam tungkol sa programang MTB-MLE sa pamamagitan ng pagbanggit ng ilang mga pahayag mula sa 1925 na ulat ng Monroe Commission. From the day a Filipino child Grade for Filipino enters thegrade, school he is been in The experiment has now The instructional situation in children master the art of For twenty-five years these confronted by athe double progress for quarter of a the Islands therefore, stated arithmetical computation well Islands have as a as necessity of served mastering strange century. For almost a generation baldly in the foregoing as do American children. . school. No laboratory for an educational tongue and of carrying on a school system patternedby onan the paragraphs, is dominated reading involved in magnitude the experiment of work in is it. Atenormous no time in his American plan and using English all pervading foreign-language learning of this skill. . the. In and complexity. career does he of encounter as its medium instruction has problem. paragraph reading they are single of studying in about his been intask operation. two andtongue. a half years behind. mother

INTRODUKSYON • Matalas ang pagsusuri na ginawa ng Monroe Commission, at tama ang kanilang mga nakitang kahinaan at suliranin ng sistemang edukasyon sa Kapuluan. • Subalit iba ang kanilang inilatag na rekomendasyon. Sa halip na luwagan ang paggamit sa wikang Ingles, lalo nila itong pina-igting. Sa halip na pagbigyan ang unang wika, lalo nila itong isinantabi. • Hindi tayo dapat magtataka sa naging rekomendasyon ng Monroe Commission. Dahil noong isinagawa nila ang kanilang pagsusuri, hindi pa laganap ang paggamit sa unang wika sa mga bansang nasa ilalim o sumailalim sa proseso ng kolonisasyon.

INTRODUKSYON • 1920 s binuo ang Monroe Commission, samantalang 1930 s lamang nagkaroon ng mga pag-aaral tungkol sa halaga ng paggamit sa unang wika, at 1950 s lamang iminungkahi ng UNESCO na dapat gamitin ang unang wika bilang wikang panturo sa mga bansang kolonisado.

INTRODUKSYON • Dito sa ating bansa, kahit mahigit kalahating siglo na ang lumipas mula noong iminungkahi ng UNESCO ang paggamit ng unang wika, kahit ang isa sa mga batayang pagaaral na ginamit ng UNESCO ay dito ginawa sa ating bansa, tila ang lohika pa rin ng Monroe Commission ang nangingibabaw: kung mahina tayo sa wikang Ingles, dapat lalo pang paigtingin ang pagsasanay sa wikang ito.

INTRODUKSYON • May dalawang artikulo na akong nailathala tungkol sa programang MTB-MLE sa Pilipinas. • Ang una ay may pamagat na “Isang Pagsusurisa Katatagan ng Programang Edukasyon sa Unang Wika ng Filipinas” na nailathala noong 2010; at ang pangalawa ay ay pamagat na “Sistematikong Multilingguwalismo: Lunsaran ng Mas Matatag na Wikang Pambansa” na nailathala naman noong 2012. • Ang parehong pananaliksik na ito ay nakabatay sa Kautusan ng Departamento ng Edukasyon Bilang 74, Serye 2009.

INTRODUKSYON • Mula nang mailathala ang aking dalawang artikulo, umiiral na ang programang MTB-MLE, at mayroon nang karagdagang dalawang pangunahing dokumento ang naipalabas ang ating pamahalaan: • Ang Republic Act 10523, na kilala bilang “An Act Enhancing the Philippine Basic Education System by Strengthening its Curriculum and Increasing the Number of Years for Basic Education, Appropriating Funds therefor and for other Purposes; ” at ang “Implementing Rules and Regulations of the Enhanced Basic Education Act of 2013” ng Department of Education.

INTRODUKSYON • Gagamitin ko ang pagkakataong ibinigay sa akin ng aming Departamento ng Filipino na tingnan muli, kasama kayo, ang kasalukuyang anyo ng Programang MTB-MLE sa ating bansa. • Matapos akong makapagbigay ng aking mga puna at komento tungkol sa ating MTB -MLE, ay magbibigay naman ng maikling sharing si Dr. Emma Basco tungkol kanyang karanasan sa pagsusulat ng isang textbook na kabilang sa malawak na programang ito.

INTRODUKSYON • Bago matatapos ang araw na ito, magbibigay naman si Dr. Lakangiting Garcia ng karagdagang impormasyon at aral tungkol sa parehong paksa.

ANG MTB-MLE AT ANG PAGPAPLANO NG WIKA SA PILIPINAS • Aanyayahan ko kayong tingnan natin ang programang MTB-MLE sa konteksto ng kasaysayan ng pagpaplano ng wika sa Pilipinas. • Gusto kong ipakita sa inyo kung gaano na kasalimuot ang kasaysayang ito.

ANG MTB-MLE AT ANG PAGPAPLANO NG WIKA SA PILIPINAS 1900 1910 1920 1930 1940 1950 1960 1970 1980 1990 2000 2010 Ingles • Wikang Ingles: ang wikang dinala ng mga mananakop na Amerikano at ipinalaganap sa pampubliko, at • Makikita natin sa timeline na ito na maliban sa maikling kalaunan sa pampribadong, edukasyon simula noong kumplikasyon mula 1973 hanggang 1987, kung. Wikang kailan • Filipino: 1901; • Ang Ikalawang Ang Unang • Ang timeline na ito ay magpapakita ng pitong wika at • Ikalawang Yugto ng Wikang Pilipino: ang yugto umusbong ang proyekto ng pagbubuo artipisyal yugto ngng ating wikangna pambansa kung Wikang Filipino: yugto ng wika at pitong mga programang pangkwika. ng wikang Pilipino kung kailan pinanatili itong muli wikang Filipino, mayroon tayong isang wikang kailan ang wikang Pilipino ay kinilala ang artipisyal na at wikang pang-akademiko ngunit pambansa/opisyal na wikang mahigit opisyal pitumpung taonopisyal, na. bilang wikang pang-akademiko wika na balak • Ang mga wika at yugto ng wika na ihahayag nito ay ang: tinanggalan ng katayuan bilang wikang at pambansa, at pinangalanang “Filipino” buuin pambansa ng 1973 na Tagalog-1 Tagalog-2 Pilipino-1 noong 1973; ng 1987 na konstitusyon at papalit sa wikang Pilipino-2 Filipino-2 Pilipino • Unang Yugto • Ikalawang ng Wikang • Unang Yugto. Tagalog: ng Yugto Wikang ngang Wikang Tagalog: yugto Pilipino: ngang yugto angng yugto ng ating bilang wikang Tagalog wikang kung Tagalog wikang kailan kung pambansa una kailan itonguna pinangalanang kung itong kailan ginawang pangalang isang “Tagalog” pambansa; at wikang pambansa pang-akademikong noong ay pinalitan 1935; asignatura ng pangalang noong 1940; “Pilipino” Filipino-1 noong 1959; 1900 1910 1920 1930 1940 1950 1960 1970 1980 1990 2000 2010

ANG MTB-MLE AT ANG PAGPAPLANO NG WIKA SA PILIPINAS 1900 1910 1920 1930 1940 1950 1960 1970 1980 1990 2000 2010 Ingles • Ikalawang Bilingguwalismo: noong • Ikatlong • Ikalawang Multilingguwalismo: • Unang Multilingguwalismo-b Multilingguwalismo-a 1970 may inilabas na Bilingguwalismo: ang ikalawang multilingguwalismo, ang pamantayan na nag-uutos na Multilingguwalismo: ikatlong na ipinatupad bilingguwalismo noong tanging wikang Pilipino ipinatupad and unangna Bilingguwalismo-c Bilingguwalismo-b Multilingguwalismo-c napanunungkulan ipinatupad noong ni Pangulong 1974 lamang gagamiting multilingguwalismo noong • Ang mga programang pangwika naman na inilahad ng ay. Corazon nag-utos. Aquino, na gamitin ay mistulang • Ikatlong Multilingguwalismo: ang midyum sanag-utos pagtuturona sa lahat 1973 at parehong timeline ay ang: mga pinagsamang wikang Ingles unang at kasalukuyan nating nggamitin antas pambansang pang-akademiko. ang mga unang Bilingguwalismo-a Monolingguwalismo Pilipino multilingguwalismo at nagsantabi at ikatlong patakarang. Dahil pangwika na ipinatupad nakasanayan nang wika bilang midyum ng naman bilingguwalismo, sa mga unang kung wika. kailan noong 2009 gamitin at nakabatay saunang • Unang Bilingguwalismo: noong 1939 iniutos ang mga wika pagtuturo hanggang sa Itoipinagtibay ang pinakakilalang paggamit ng wikang sistematikong pananaliksik tungkol sa ng Kalihim. Pilipino-1 ng Pampublikong Instruksyon na sa bilang auxiliary na wika Tagalog-1 Tagalog-2 ikalawang baitang na • Monolingguwalismong Ingles: Dahilatninais ngmultilingguwalismo. mga at Amerikanong hubugin angsa programang Filipino wikang Ingles kinilala Hindi katulad pagtuturo sa wika mabababang maaaring gamitin ang mga unang bilang susundan namanng sa kaisipan ng mga Pilipino sa bilingguwalismo wika kultura ng Estados Unidos, ang sistema muliatang halaga sang ating mga unang dalawang multilingguwalismo, baitang, lalo ang auxiliary nanaunang wikang panturo, naaktuwal para sana sa mga monolingguwalismong Ingles ang ipinataw sa kabataang Pilipino mula bansa. wikakanilang bilang auxiliary wika sapaggamit Pilipino-2 Filipino-2 oralna at na paggamit sawikang mga naganap ay isang mga mag-aaral satekstuwal unang baitang. Pilipino atmas Ingles ; pagtuturo; at noong 1901; unang wikabilingguwalismong sa loob ng mahabang Pilipino at panahon ang iniutos ng kasalukuyan isa sa ating mga unang wika. Filipino-1 nating programang multilingguwal. 1900 1910 1920 1930 1940 1950 1960 1970 1980 1990 2000 2010

ANG MTB-MLE AT ANG PAGPAPLANO NG WIKA SA PILIPINAS 1900 1910 1920 1930 1940 1950 1960 1970 1980 1990 2000 2010 Ingles Multilingguwalismo-b Multilingguwalismo-a Bilingguwalismo-b Tagalog-1 Tagalog-2 Pilipino-1 • Matapos ang mahabang kwento ng paliko-liko at pasanga-sanga nating pagpaplanong pangwika, nakamtam na natin ang pinakalohikal at sistematikong palisiyang pangwika. 1910 1920 Multilingguwalismo-c Bilingguwalismo-a Monolingguwalismo 1900 Bilingguwalismo-c 1930 1940 1950 Pilipino-2 Filipino-1 1960 1970 1980 1990 2000 2010

ANG MTB-MLE AT ANG PAGPAPLANO NG WIKA SA PILIPINAS 1900 1910 1920 1930 1940 1950 1960 1970 1980 1990 2000 2010 Ingles Multilingguwalismo-b Multilingguwalismo-a Bilingguwalismo-b Tagalog-1 Tagalog-2 Pilipino-1 • Dapat nating suportahan at ipagpataguyod pa ang palisiyang ito para hindi na mauulit ang walang patutunguhang paliko-liko at pasangang paghahanap ng pinaka-angkop na palisiyang pangwika. 1910 1920 Multilingguwalismo-c Bilingguwalismo-a Monolingguwalismo 1900 Bilingguwalismo-c 1930 1940 1950 Pilipino-2 Filipino-1 1960 1970 1980 1990 2000 2010

ANG MTB-MLE AT ANG PAGPAPLANO NG WIKA SA PILIPINAS 1900 1910 1920 1930 1940 1950 1960 1970 1980 1990 2000 2010 Ingles Multilingguwalismo-b Multilingguwalismo-a Bilingguwalismo-b Tagalog-1 Tagalog-2 Pilipino-1 Pilipino-2 • Para lubusan nating bigyan ng suporta at maipagtaguyod ang programang pangwikang ito, dapat batid natin ang mga kalakasan at kahinaan nito. 1910 1920 Multilingguwalismo-c Bilingguwalismo-a Monolingguwalismo 1900 Bilingguwalismo-c 1930 1940 1950 Filipino-2 Filipino-1 1960 1970 1980 1990 2000 2010

ANG MTB-MLE AT ANG PAGPAPLANO NG WIKA SA PILIPINAS 1900 1910 1920 1930 1940 1950 1960 1970 1980 1990 2000 2010 Ingles Multilingguwalismo-b Multilingguwalismo-a Bilingguwalismo-b Tagalog-1 Tagalog-2 • Ito ang pakay ko sa umagang ito: mailahad para sa ating lahat ang mga kahinaan at suliraning kinahaharap ng ating umiiral na MTB-MLE para sabay nating hanapan ng lunas at solusyon ang mga ito para sa ikalalakas ng nasabing programa. 1910 1920 1930 Multilingguwalismo-c Bilingguwalismo-a Monolingguwalismo 1900 Bilingguwalismo-c 1940 1950 Pilipino-1 Pilipino-2 Filipino-1 1960 1970 1980 1990 2000 2010

ANG MTB-MLE AT ANG PAGPAPLANO NG WIKA SA PILIPINAS • Susuriin natin ang mga kahinaan at suliranin ng progamang MTB-MLE sa pamamagitan ng pagtingin sa mga surface problem nito at pati na sa mga istraktural na problema nito. • Surface problem and tawag ko sa mga problemang umusbong habang umiiral ang kasalukuyang anyo ng programang MTB-MLE. Istraktural na problema naman ang tawag ko sa mga problemang nakapaloob mismo sa kasalukuyang anyo ng MTB-MLE. • At matapos nating gawin ang mga ito, mag-iisip tayo ng mga paraan kung paano tayo, bilang mga guro ng wikang Filipino, makakatulong sa sama-samang pagtugon sa mga problemang makikita natin.

MGA SURFACE PROBLEM NG MTB-MLE • Sa aking palagay ang mga surface problem ng programang MTB-MLE sa ating bansa ay lubusan nang nasuri ng pangkat nina Alan Williams, Romylyn Metila, Lea Angela Pradilla, at Melissa Marie Digo na mula sa University of Melbourne at University of the Philippines. • Ang pamagat ng kanilang pananaliksik ay “Curriculum Forum for Understanding Best Practices in Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) in the Philippines. ”

MGA SURFACE PROBLEM NG MTB-MLE • Maari nating bigyan ng buod ang mga natuklasang surface problem ng grupo ni Williams sa pamamagitan ng paggamit sa kasunod na diagram: Unang Wika Pamayanan Paaralan MTB-MLE Pamilya • Ibig sabihin, may mga surface problem na nariyan sa paaralan, o sa mga pamilya, o sa pamayanan, o sa unang wika mismo.

MGA SURFACE PROBLEM NG MTB-MLE Mahahaba Masyado ang mga Teknikal na Termino Hindi Intelektuwalisado ang Unang Wika Hindi Istandardisado ang Unang Wika Maliit Masyado ang Bilang ng Gumagamit ng Wika para Magkaroon ng Saysay ang Paggugol ng Oras para Nito Unang Wika Pamayanan Paaralan MTB-MLE Pamilya Kakulangan sa Kasanayan ng mga Magulang sa Paggamit ng Unang Wika Kakulangan sa Materyales Hindi Kontekstuwalisadong Materyales Hindi Tugma ang Wikang Panturo at Unang Wika ng mga/ilang Mag-aaral Labis na Pagpapahalaga sa Lingua Franca, Wikang Filipino, at Wikang Ingles Naiibang Wika ng mga Bagong Dayong Mag-aaral Hindi Maayos na Implementasyon ng Kakulangan sa Kasanayan/ Pagsasanay ng mga Guro sa Programa Paggamit ng Unang Wika Kakulangan sa Commitment sa Parte ng mga Guro Pangangamba ng mga Magulang na Napag-iwanan na ang Kanilang mga Anak sa Pag-aaral ng Wikang Ingles/Filipino Kakulangan sa Commitment sa Parte ng mga Magulang

MGA SURFACE PROBLEM NG MTB-MLE • Babalikan natin ang mga kahinaan at suliraning ito matapos natin tingnan naman ang mga istraktural na problema ng programang MTB-MLE ng ating bansa.

MGA ISTRAKTURAL NA PROBLEMA NG MTB-MLE • Sa aking palagay ang mga istraktural na problema ng programang MTB-MLE sa ating bansa ay lubusan nang nasuri ni Ricardo Nolasco ng University of the Philippines. • Noon 2003, mayroon nang primer na nailathala si Nolasco, na may pamagat na 21 Reasons Why Filipino Children Learn Better while Using their Mother Tongue, na sa palagay ko ay naglalaman na mga mahalagang prinsipyong ginagamit pa rin niya sa pagpuna sa dalawang opisyal na dokumentong inilabas ng ating pamahalaan noong taong 2013.

MGA ISTRAKTURAL NA PROBLEMA NG MTB-MLE • Ang mahahalagang prinsipyong nilalaman ng primer na ito ay ang mga sumusunod: • Children need at least 12 years to learn their L 1; • Older children and adolescents, not younger children, are better learners of an L 2; • It takes six to eight years of strong L 2 teaching before this can be successfully used as a medium of instruction; • L 1 literacy from Grades 1 to 3 helps but is not sufficient to sustain the learning momentum; • The full benefits of long term L 1 instruction (6 to 8 years) will only be evident after the tenth year; • L 1 education, when interrupted, adversely affects the cognitive and academic development of the child; at • The premature use of L 2 can lead to low achievement in literacy, mathematics, and science.

MGA ISTRAKTURAL NA PROBLEMA NG MTB-MLE • Gamit ang mga prinsipyong ito, ang mga sumusunod ay ang mga naging puna ni Nolasco sa programang MTBMLE ng ating bansa. Unang Wika Pamayanan Paaralan MTB-MLE Pamilya • Sa kanyang sanaysay na “‘Castrated’ MTB-MLE” lumalabas na mas panatag ang kalooban ni Nolasco sa MTB-MLE na nakapaloob sa Republic Act 10523, kaysa bersyon ng nasabing programang nakapaloob sa Implementing Rules and Regulations of the Enhanced Basic Education Act of 2013 ng Departamento ng Edukasyon.

MGA ISTRAKTURAL NA PROBLEMA NG MTB-MLE Unang Wika Pamayanan Paaralan MTB-MLE Nananatiling Bilingguwal ang Pundasyonal na Pilosopiya ng Programa sa halip na maging Multilingguwal Hindi Unang Wika ang Itinataguyod ng Programa kung hindi ang Rehiyonal na Lingua Franca Pamilya Naging Maluwag ang Programa sa Posibilidad ng Mas Maagang Transisyon sa paggamit ng Pangalawang Wika bilang Wikang Panturo Naging Opsiyonal na Lamang Kontekstuwalisasyon, Lokalisasyon at Indigenisasyon ng Materyales

ANG NARARAPAT GAWIN NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO • Sa sanaysay na “English Teachers’ Perceptions of the Mother Tongue-Based Education Policy in the Philippines” ni Safary Wa-Mbaleka ng Adventist International Institute of Advanced Studies, napatunayan niyang MTB-MLE ay suportado ng mga guro ng wikang Ingles. • Kapag babagal-bagal tayo at hahayaan natin ang mga guro ng wikang Ingles na ipagtaguyod at suportahan ang Programang MTB-MLE mananatili ang bilingguwalismong ideolohiya ng napuna na ni Nolasco at mapupunta sa maling MTB-MLE ang nasabing programa.

ANG NARARAPAT GAWIN NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO • Kung suporatado ng mga guro ng wikang Ingles and Programang MTB-MLE, dapat lamang na mas suportado nating mga guro ng wikang Filipino ang nasabing programa. • Sa katunayan, hindi sapat na suportahan natin ang nasabing programa. Dahil dapat nating tugunan at iwasto ang mga suliranin at kahinaan ng nasabing programa. • Dahil magkakaugnay-ugnay ang mga problemang naungkat ng grupo ni Williams at ni Nolasco, maaari nating balangkasin ang pagtugon sa kanila gamit ang apat na antas o hakbang: Pagpaunawa kung Ano nga ba Talaga ang Programang MTB -MLE Resolusyon tungkol sa Una at Rehiyonal na mga Wika Pagtugon sa mga Pagkukulang ng Napiling Wika Pagsasanay sa Paggamit ng Napiling Wika Paggawa ng Materyales

ANG NARARAPAT GAWIN NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO Pagpaunawa kung Ano nga ba Talaga ang Programang MTB -MLE • Ang mga kasunod na suliranin at kahinaan ay nagmumula sa ating kolektibong kawalan/kakulangan sa saysay at halaga ng MTB-MLE. Nananatiling Bilingguwal ang Pundasyonal na Pilosopiya ng Programa sa halip na maging Multilingguwal Naging Maluwag ang Programa sa Posibilidad ng Mas Maagang Transisyon sa paggamit ng Pangalawang Wika bilang Wikang Panturo Kakulangan sa Commitment sa Parte ng mga Guro Hindi Maayos na Implementasyon ng Programa Kakulangan sa Commitment sa Parte ng mga Magulang Pangangamba ng mga Magulang na Napag-iwanan na ang Kanilang mga Anak sa Pag-aaral ng Wikang Ingles/Filipino • Sa puntong ito, dapat tayong tumulong para maipaliwanag sa lahat ng stakeholder kung ano ang MTB-MLE at kung bakit hindi tayo mangangambang gamitin ito.

Pagpaunawa kung Ano nga ba Talaga ang Programang MTB -MLE ANG NARARAPAT GAWIN NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO • Ang mga kasunod na suliranin at Resolusyon tungkol sa Una at kahinaan ay nagmumula sa ating Rehiyonal na mga kawalan ng konsensus kung aling Wika unang wika ang gagamitin natin sa partikular na paaralan. Hindi Unang Wika ang Itinataguyod ng Programa kung hindi ang Rehiyonal na Lingua Franca Hindi Tugma ang Wikang Panturo at Unang Wika ng mga/ilang Mag-aaral Naiibang Wika ng mga Bagong Dayong Mag-aaral Maliit Masyado ang Bilang ng Gumagamit ng Wika para Magkaroon ng Saysay ang Paggugol ng Oras para Nito • Dapat aminin natin na may limitasyon tayo sa pagpili ng unang wika na gagamitin natin sa partikular na paaralan. Kapag maliit na masyado ang bilang ng gumagamit ng isang unang wika baka mas makabubuti sa mga mag-aaral na gamitin na lamang rehiyonal na wika.

ANG NARARAPAT GAWIN NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO Pagpaunawa kung Ano nga ba Talaga ang Programang MTB -MLE Resolusyon tungkol sa Una at Rehiyonal na mga Wika Pagtugon sa mga Pagkukulang ng Napiling Wika • Kapag may konsensus na tayo kung anong unang wika ang gagamitin natin sa partikular na paaralan, kaya na nating tugunan ang mga sumsunod na pagkukulang ng nasabing wika: • Alalahanin nating nasa tuloy-tuloy na Hindi Istandardisado ang paggamit sa akademikong antas na Unang Wika nagiging istandardisado, Hindi Intelektuwalisado ang Unang Wika intelektuwalisado ang isang wika. Mahahaba Masyado ang Nasa tuloy-tuloy na paggamit din mga Teknikal na Termino nagkakaroon ng karagdagang bokabularyo ang isang wika.

ANG NARARAPAT GAWIN NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO Pagpaunawa kung Ano nga ba Talaga ang Programang MTB -MLE Resolusyon tungkol sa Una at Rehiyonal na mga Wika Pagtugon sa mga Pagkukulang ng Napiling Wika Pagsasanay sa Paggamit ng Napiling Wika • Kapag panatag na tayo sa ating napiling wika, dapat susundan na ito ng pagsasanay sa mga guro kung paano ito gamitin sa akademikong antas. Kinakailangan din na magbigay ng ilang pagsasanay at gabay sa mga magulang tungkol sa parehong paksa. Sa ganitong mga paraan matutugunan natin ang mga kasunod na suliranin at kahinaan: Kakulangan sa Kasanayan/ Pagsasanay ng mga Guro sa ng mga Magulang sa Paggamit ng Unang Wika

ANG NARARAPAT GAWIN NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO Pagpaunawa kung Ano nga ba Talaga ang Programang MTB -MLE Resolusyon tungkol sa Una at Rehiyonal na mga Wika Naging Opsiyonal na Lamang Kontekstuwalisasyon, Lokalisasyon at Indigenisasyon ng Materyales Kakulangan sa Materyales Hindi Kontekstuwalisadong Materyales Pagtugon sa mga Pagkukulang ng Napiling Wika Pagsasanay sa Paggamit ng Napiling Wika Paggawa ng Materyales • Dapat bantayan natin na kontekstuwalisado, lokalisado, indigenisado ang ating mga materyales. Isaalang-alang natin ang prinsipyo na ang MTB-MLE ay hindi dapat sentralisado ang paggawa ng mga materyales. • Ang mga paaralan mismo o mga kooperasyon ng ilang paaralan ang gagawa ng materyales. Makakatulong din dito ang mga naisulat nang teksto mula sa lokal na pamayanan.

KONKLUSYON • Sana sa maikling panayam ko tungkol sa Programang MTB-MLE ay naibahagi ko ang mga sumusunod: 1. Ang Programang MTB-MLE sa konteksto ng Kasaysayan ng Pagpaplanong Pangwika sa ating Bansa; 2. Ang mga surface problem ng Programang MTBMLE; 3. Ang mga istraktural na problema ng Programang MTB-MLE; at 4. Kung Ano ang Maiaambag natin bilang mga guro ng wikang Filipino para tugunan ang kasalukuyang mga suliranin at kahinaan na bumabag sa ating Programang MTB-MLE.

ISANG PAGSUSURI SA KASALUKUYANG PAG-IRAL NG MTB-MLE SA PILIPINAS Wakas
- Slides: 34