III PAANO ANG PAGSAPI SA RAM Konstitusyon ng

  • Slides: 30
Download presentation
III. PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

III. PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

 Konstitusyon ng RAM ARTIKULO III KASAPIAN Seksyon 1. Sinumang mamamayang Pilipino o naninirahan

Konstitusyon ng RAM ARTIKULO III KASAPIAN Seksyon 1. Sinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon sa mga layunin ng RAM, handang sumunod sa Konstitusyon nito, tumupad sa kapasyahan ng organisasyon, pamunuan, at pumaloob sa isang tsapter, komitiba o mga organo ng RAM at handang gumampan ng mga tungkulin sa abot ng kanyang makakaya, ay maaaring maging kasapi. Seksyon 2. Tatanggaping kasapi ng RAM ang isang nirerekluta matapos, bigyan ng oryentasyon, sang-ayunan at pasumpain ng Tsapter o Balangay na nagrekluta. Seksyon 3. Lahat ng kasapi ng RAM ay pasusumpain ng Balangay na nagrekluta sa kanila. Ang sumpa ng RAM ay ang sumusunod:

Ako si __________________ na itinalaga bilang __________ ng bagong Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa ay taimtim

Ako si __________________ na itinalaga bilang __________ ng bagong Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa ay taimtim na nanunumpa sa bandilang Pilipino na gagampanan ko ang mga nakatalaa na mga katungkulan na ipinagkatiwala sa akin: na lubos akong mananalig at magiging matapat sa kilusan; na itataguyod at ipagtatangol ko ang mga simulain at mithiin nito; na magmamalasakit ako upang matagumpay ito sa pakikibakang layunin ay matamo ang isang MAKATARUNGAN, DEMOKRATIKO at MAUNLAD NA LIPUNAN, sa pamamagitan ng pamahalaang malinis, matapat at tumutugon sa mga pangangailangan ng Sambayanang Pilipino; na tutuparin ko ang mga alituntunin at kapasyahang ipapahayag ng mga pinuno ng KILUSAN; na matapat akong maglilingkod at ipaglalaban ang kapakanan ng Sambayanang Pilipino at ng REBOLUSYONARYONG ALYANSANG MAKABANSA ng walang pasubali. Kasihan nawa ako ng Diyos!

IV. ANO ANG MANDATO, PAKAY, MISYON AT MGA PROGRAMA NG RAM

IV. ANO ANG MANDATO, PAKAY, MISYON AT MGA PROGRAMA NG RAM

HANGARIN AT MISYON Ang mga kasapi na binubuo ng mga mulat na indibidwal at

HANGARIN AT MISYON Ang mga kasapi na binubuo ng mga mulat na indibidwal at organisasyon na nagmula sa ibat ibang uri ng lipunang Pilipino ay nagkakaisa sa isang rebolusyonaryong alyansa ng pakikibaka para makamit ang tunay na pambansang kasarinlan at demokrasya: ang mapalaya ang sambayanan mula sa lahat ng uri ng pampulitika, sosyal at pang ekonomiyang pananamantala. Inaalay ng RAM sa bayang Pilipinas ang mga mithiin at ang mga pangarap nitong pagbabago, ang maging ganap na malaya bilang nagsasariling bansa na may makataong gobyerno, may tunay na diwa ng nasyunalismo, may respeto sa batas at may demokrasya. Kami ay kikilos upang maitayo ang isang pamahalaan ng taong bayan na nagtataguyod ng KATOTOHANAN, KATARUNGAN at KALAYAAN ng sa gayon ang lahat ng mga Pilipino ay magtatamasa ng kasaganaan, hustisya, kaparatiran at pagkakapantay. Kami ay walang pasubaling magtataguyod at magpapatupad sa Konstitusyong ito, nang sa gayon “Ang ating mga pangarap ay manatiling buhay” hanggang sa tagumpay! (Konstitusyon ng RAM ARTIKULO I PREYAMBULO)

Ang RAM ay magpupursigi na: •

Ang RAM ay magpupursigi na: •

MGA LAYUNIN NG RAM (Artikulo II, Konstitusyon ng RAM) Seksyon 1. Ang kagyat na

MGA LAYUNIN NG RAM (Artikulo II, Konstitusyon ng RAM) Seksyon 1. Ang kagyat na layunin ng RAM ay ipagtagumpay ang pakikibaka para kalayaan at karapatan, at kamtin ang mga ekonomiko’t panlipunang reporma para sa sambayanan. Seksyon mamayan at mapayabong ang pagkakaorganisa sa kanila upang maitaas ang kanilang ispontanyong pakikipaglaban sa antas ng mulat at mahinahong pakikidigma para sa kalayaan at pagbabago. Seksyon 3. Nilalayon ng RAM na palaganapin ang diwa ng rebolusyong 1896, at gawin itong integral na bahagi ng pakikiisa sa lahat ng mga progresibong pwersa at mga samahan ng mga mulat na mamamayan para sa makamit ang tunay Pambansang Kalayaan, Kasarinlan at Demokrasya at Pagkakapantay ng sa gayun makamtan na ng sambayanan ang kasaganaan sa mahinahong paraan. Seksyon 4. Nilalayon din ng RAM ang mangalap ng pondo na di lang nakalimita mula sa donasyon, subsidyo, kontribusyon at butaw ng kasapian kundi pati na rin sa mga kaalyadong organisasyon - pribado man o gobyerno at ng mga pamahalaang lokal at dayuhan para sa pagsusulong ng anim (6) Programa ng RAM - Programang Pang-organisasyon, Pampulitika, Pang Ekonomiya, Pang Sosyal at Pang Militar at Pang Kalikasan. Seksyon mga samahan na may kahalintulad ng mga layunin ng RAM.

Programa (Program) Ang mga Punto ng Usapan ng Kilusan na panimulang ipinirisenta noong 1992

Programa (Program) Ang mga Punto ng Usapan ng Kilusan na panimulang ipinirisenta noong 1992 sa usapangkapayapaan, ay nanatiling balangkas (framework) ng RAM sa pormulasyon ng programa nito. Ang limang Punto ng Usapan nito ay ang mga sumusunod: a. b. k. d. e. Pagkakamit ng mabuti, matapat, maka-tao, may kakayahan na pamahalaan para sa pagpapanibago at pagbabagong-anyo. Pagpapatupad ng mga repormang panghalalan upang matiyak ang malinis, matapat, at may kaayusan, at malayang halalan. Pagpapatupad ng mga patakaran at programa na may makabansangpag-unlad ng kabuhayan. Pagsasagawa ng tunay na hustisyang panlipunang programa sa positibong pagtugon sa kahirapan, kawalan ng hanapbuhay, at kriminalidad. Pagbabalik –aral at muling paghahanay ng Pambansang depensa at seguridad na tutugma/o itotono ang pananagutan nito sa mga batayang pangangailangan at hangarin ng mga Pilipino.

Ang mga Punto ng Usapan ay nilinaw at binalangkas sa mga sumusunod: Mga Programang

Ang mga Punto ng Usapan ay nilinaw at binalangkas sa mga sumusunod: Mga Programang Pampulitika (Political Programs) Magdeklara ng saligang batas na sasalamin sa pambansang kalooban, kilalanin ang walang kaparis na pluralismo ng lipunang Pilipino, at tugunan ang matinding hangarin ng mamamayan para sa tunay na demokrasya, kasarinlan, at may mataas na kapangyarihan. Mapanumbalik ang propesyonal at may kakayahang serbisyo publiko na mula sa gobyerno na kayang magpatupad ng batas, mamahala ng mga pampublikong kapakanan at paglingkuran ang sambayanan. Gawing makabago ang proceso ng halalan upang masiguro and malinis, matapat, at nasa kaayusan, at malayang halalan. Makamit ang mabuti, matapat, makatao at may kakayahang pamahalaan para sa pagpapanibago at pagpapanibagong – anyo.

Mga Programang Pangkabuhayan (Economic Programs) • Paunlarin ang makabansang ekonomiya na nakabatay sa Pag-asa

Mga Programang Pangkabuhayan (Economic Programs) • Paunlarin ang makabansang ekonomiya na nakabatay sa Pag-asa sa sarili (self-reliance) at produktibong may pagbibigay-diin na makapag-sarili (self-sufficiency) sa batayang pangangailangan bilang di-maiiwasang pundasyon para sa balansyadong (balanced) pangagrikultural at pang-industriyal na paglago (growth) at sa pagtuloy-tuloy na pag-unlad (sustainable development) na dapat magamit (utilize) ang ating malawak na pantao (vast human) at likas na yaman (natural resources). • Buuin ang makabago (modern) sapat (adequate) na imprastruktura upang mapabilis ang pag-unlad at industriyalisasyon. • Magpatakbo mayroon hinggil ng sa oryentasyonpagpapaunlad sa badyet.

Mga Programang Panlipunan (Social Programs) * produksyon at kasiyahan bunga ng pag-unlad sa loob

Mga Programang Panlipunan (Social Programs) * produksyon at kasiyahan bunga ng pag-unlad sa loob ng balangkas ng malayang kalan (free enterprise) * Ipamahagi (dispense) pangasiwaan at mabilis parehas ang at ng hustisya * * * Mapagbuti ang serbisyong pangkalusugan at ang demograpikong balangkas (demographic profile). Puksain ang katiwalian at kabulukan. pagdidiin hinggil sa moralidad, sa pagpapanibago lalo’t higit ang pagrespeto sa karapatang pantao at kagalingan

Mga Programang Militar (Military Programs) atilihing wala ahin, a. b. akasin k. Sandatahang lakas

Mga Programang Militar (Military Programs) atilihing wala ahin, a. b. akasin k. Sandatahang lakas para sa pambansang depensa at seguridad, at lumikha ng panteritoryong ahensya ng kapulisan para sa pagpapatupad ng batas at pagmimintina ng kaayusan at katahimikan. napakalinaw na patakaran pandepensa na kinapapalooban ng 1. 2. Pagbabawal (Interdiction) sa pinaka-maagang panahon ng anumang panlabas na puwersa (external forces). Organisasyon ng isang pinakamataas na makilos(highly mobiles) sa kagamitan (well equipped) at mabilis na panlatag pwersa (rapid deployment force). (“lean and mean” standing forces) backed-up ng malakas na reserbang pwersa na may kakayahan sa pakikidigmang gerilya (guerilla warfare). guard) na may ispesyal na kapabilidad upang protektahan ang teritoryong marino at likas na yaman na gating bansa.

IV. MGA TUNGKULIN NG PAMAMATNUGOT (CODE OF CONDUCT)

IV. MGA TUNGKULIN NG PAMAMATNUGOT (CODE OF CONDUCT)

Basehan ng Mga Alituntunin ng Pamatnugutan (Basis of Code of Conduct) Ang mga alituntunin

Basehan ng Mga Alituntunin ng Pamatnugutan (Basis of Code of Conduct) Ang mga alituntunin ng Pamatnugutan ng RAM ay nanggaling sa inspirasyon ng masidhing pagtagubilin ng Bonifacio, Mabini at ng iba pang mga bayani at martir, para sa ating mamamayan upang mahalin ang Diyos, Bayan at Sambayanan. Sa pagdaan ng mga taon, ang bansa ay binitag sa isang sosyo-ekonomiyang sistemang pampulitika ay nilamon ng kasakiman at materyoso sa wari’y naligaw ng mga nagsi-sunurang mga namuno na natali sa mga patakarang ipinataw na kumubabaw sa atin upang di-makagalaw sa pamamagitan ng koloniyalisasyon. Ang sistemang ito ay natapos lamang sa pagsasamantala sa ating mga mamamayan at sa atin mga likas na yaman para sa kapakinabangan ng ilan lamang. Higit pa sa paghanap ng yaman, kabanalan at likas sa atimg mga ninuno ginawa ang kanilang simpleng pamumuhay, na likhain ang malakas na bansa, tayo’y naging bansa sa wari’y napahamak na naging isa sa pinakamalala sa buong mundo nitong milenyo.

Upang tayo’y sumulong, kailangan nating matutuhan ang bagong mga alituntunin ng Pag-uugali na maging

Upang tayo’y sumulong, kailangan nating matutuhan ang bagong mga alituntunin ng Pag-uugali na maging nakasentro sa Diyos, makakalikasan, at maka-tao. Ang ating pansariling pag-uugali, pulitika at pagpapatakbo ng pamahalaan na dapat sumailalim sa mga alituntunin ng pag-uugali sa simula pa lang, “kung saan at may pagpapahalaga, hindi na nangangailangan ng mga batas at kung saan na mayroong mga batas subalit walang pagpapahalaga, ang mga batas ay hindi maipapatupad. ” Itong alituntunin ng pag-uugali ang dapat maging pilosopiya para sa kapayapaan, pulitika at sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Dapat tayong maging mamamayan, na kayang magtayo ng malakas na bansa. Dahil dito ang lahat ng kasapian ay hinimok at tinatagubilinan na mamuhay pamatnugutan ang kanilang mga sarili ng alinsunod sa Mga sumusunod na panuntunan:

Nakasentro sa Diyos (God-centered) • Paniniwala sa Diyos ng walang hanggang pagmamahal. • Gumawa

Nakasentro sa Diyos (God-centered) • Paniniwala sa Diyos ng walang hanggang pagmamahal. • Gumawa at sundin ang pangaral ng kabanalan at pananampalataya • Galangin ang paniniwala ng iba.

Makakalikasan (Pro Nature) Pangalagaan at kalingain ang Inang Daigdig, ang bukal ng pagsustena ng

Makakalikasan (Pro Nature) Pangalagaan at kalingain ang Inang Daigdig, ang bukal ng pagsustena ng ating buhay.

Makatao (Pro People) • • • Paniniwala sa kapatiran ng tao, diwa ng komunidad

Makatao (Pro People) • • • Paniniwala sa kapatiran ng tao, diwa ng komunidad at makabansa Tanggapin ang responsibilidad pansibiko at tungkulin at igalang karapatan ng iba Makilahok sa mga Gawain ng estado, at magtaguyod ng mga pagbabago o reporma s a pamamagitan ng mapayapang kaparaanan Lumaban para sa bansa bilang makabansa at taong makabayan Itaguyod ang isang matapat at disenteng pamumuhay.

MGA KARAPATAN AT OBLIGASYON NG MGA KASAPI (ARTIKULO IV RAM Constitution) Seksyon 1. Ang

MGA KARAPATAN AT OBLIGASYON NG MGA KASAPI (ARTIKULO IV RAM Constitution) Seksyon 1. Ang mga karapatan ng mga Ganap na Kasapi (Full Pledge Members) o mga Indibidwal na kasapi ay ang sumusunod: a. Mahalal bilang delegado sa mga Asembleya ng Balangay, Kumperensya ng Distrito, Probensya, Rehiyon at Pambansang Kongreso; b. Maghalal at mahalal bilang namumuno; k. Lumahok sa mga talakayan at bomoto sa pagbubuo ng desisyon; d. Maghapag ng anumang panukala, kritisismo, o pahayag para sa pagpapaunlad ng mga gawain o sistema ng pagkilos alinsunod sa mga sistemang isinasaad sa Konstitusyon o itinatakda ng RAM.

e. g. h. i. l. Mag-apela sa nakatataas na organo hinggil sa anumang desisyon

e. g. h. i. l. Mag-apela sa nakatataas na organo hinggil sa anumang desisyon na hindi niya sinasang-ayunan habang ipinatutupad ang kanyang obligasyong sundin ang nasabing desisyon at tumanggap ng responsableng tugon; Magharap at makipagdayalogo para sa naiibang mga patakaran at mungkahi, kabilang na ang isang alternatibong plataporma kung may substansyal na pagkakaibang nakikita kaugnay ng Programa, Konstitusyon at Plataporma; Magpaabot sa Pambansang Pamunuan (National Board of Directors) ng mga sulating naglalaman ng sariling pagsusuri, opinyon o pagtingin hinggil sa anumang usaping pang organisasyon. Obligasyon ng NBOD na ipalaganap ito sa buong kasapian maliban kung makasisira ito sa pagkakaisa sa pagkilos ng RAM. Pumuna sa anumang organo at sinumang lider sa tamang mga porum ng Alyansa; Tamasahin ang karapatan sa due process sakaling sampahan ng akusasyon o kaso, na may karampatang aksyong pandisiplina kung napatunayang nagkasala;

m. Matrato bilang kasama at kapatid at tamasahin ang karapatan sa pantay-pantay at walang

m. Matrato bilang kasama at kapatid at tamasahin ang karapatan sa pantay-pantay at walang pagkiling na pagpapatupad sa Konstitusyon sa lahat ng kasapi; n. Makalahok at Makatanggap ng anumang programa ng organisasyon na makakatulong sa kasanayan ng kanilang pampulitika, pang sosyal at pang-ekonomiyang pag-unlad. o. Kusang magbitiw. Sinumang kasaping nagnanais magbitiw sa RAM ay dapat magsumite ng nakasulat na paliwanag sa batayan ng kanyang pagbibitiw at ilinaw ito sa pulong ng kinabibilangang Balangay. Seksyon Ganap na Di karapatan mga Ang ng 2. Kasapi o Associate Members ay katulad ng sa mga Ganap na Kasapi maliban sa bomoto at magpaboto sa anuman posisyon ng RAM at bomoto sa mga disisyon ng organisasyon.

Seksyon 3. Ang mga obligasyon ng mga kasapi ay ang sumusunod: a. Maging tapat

Seksyon 3. Ang mga obligasyon ng mga kasapi ay ang sumusunod: a. Maging tapat at sundin ang Konstitusyong ito, maging aktibo sa isang komitiba, yunit, organo o Balangay ng RAM at ipailalim sa direksyon ng RAM ang lahat ng pampulitikang aktibidad, ipatupad ang mga patakaran at desisyon ng namumunong mga organo, at gumampan ng gawain sa abot ng makakaya. b. Tiyaking napauunlad ang pag-unawa ng mga kasapi sa mga Programa, Layunain at Adhikain ng RAM, pataasin ang pangideolohiya at pampulitikang antas upang matugunan ang mahigpit, maigting at walang-kompromisong pagbatikos sa mga mapagsamantala. k. Lumahok sa mga pag-aaral at iba pang edukasyon, pagsasanay na ipagkakaloob ng alyansa.

d. e. g. h. i. l. Palakasin ang pagkakaisa ng RAM at ipagtanggol ito

d. e. g. h. i. l. Palakasin ang pagkakaisa ng RAM at ipagtanggol ito mula sa lahat ng babatikos o katunggaling pwersa labas man o loob ng Alyansa. Ipagtanggol ang mga adhikain at layunin sa lahat ng pagkakataon nang walang binibitawang anumang konsesyon. Pangalagaan ang seguridad at ipagtanggol ang prestihiyo ng pagiging kasapi ng RAM. Palawakin, palakasin at paunlarin ang RAM at ang impluwensya nito sa lahat ng sektor ng mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng masig na pagkumbinsi sa kanila sa Programa, layunin at mga adhikain at mga patakaran at pagpapasapi sa kanila sa RAM. Ipatupad ang mga desisyon ng RAM. Maagap na mag-ulat sa kinauukulang namumunong organo, hanggang sa Pambansang Konseho (NBOD) at Pambansang Kongreso, hinggil sa anumang nalalamang paglabag ng sinumang kasapi sa Konstitusyon at mga desisyon at patakaran at sa anumang pangyayaring makasisira sa RAM. Tratuhin ang lahat ng kasapi bilang mga kapatid at kasama; Maagap na magbayad ng butaw, magbigay at mangalap ng dagdag na kontribusyong materyal at pinansyal.

VII. PAMBANSANG ISTRUKTURA

VII. PAMBANSANG ISTRUKTURA

ARTIKULOVIII PAMBANSANG KONGRESO ARTIKULO IX PAMBANSANG KONSEHO ARTIKULO X PAMBANSANG KOMITENG TAGAPAGPAGANAP (PKT) o

ARTIKULOVIII PAMBANSANG KONGRESO ARTIKULO IX PAMBANSANG KONSEHO ARTIKULO X PAMBANSANG KOMITENG TAGAPAGPAGANAP (PKT) o National Executive Committee (NEC) NG PAMBANSANG KONSEHO O NBOD ARTIKULO XI MGA KAWANIHAN ARTIKULO XII MGA PAMBANSANG PINUNO NG RAM ARTIKULO XIII PANREHIYON, PANG DISTRITO/PAMPROBINSYA AT PANG BAYAN/LUNGSOD NA ORGANISASYON NG RAM ARTIKULO XIV TSAPTER

NATIONAL OFFICERS CHAIRMAN SECRETARY GENERAL TREASURER National Council Members - GEN DANILO D. LIM

NATIONAL OFFICERS CHAIRMAN SECRETARY GENERAL TREASURER National Council Members - GEN DANILO D. LIM WILLY CALDERON ENGR. MELVIN “BONG’ CONTAPAY COL ROBERTO ROCIO COL FLORENCIO FLORES HORACIO FLORES SABELLO BIBIT III COL NESTOR FLORDILIZA NATIONAL ORGANIZATIONAL DEVELOPMENT BUREAU (NODB) : BONG CONTAPAY REY ENALES - - COL ROBERTO ROCIO LT ROMAN “enting” VICENTE National Organizational Development Coordinator Deputy for National Development Coordinator Organizational Coordinator/Political Officer R 8

(RAM MARCHING SONG) PILIPINAS KONG HIRANG BAYAN KO’Y TANGING IKAW PILIPINAS KONG MAHAL ANG

(RAM MARCHING SONG) PILIPINAS KONG HIRANG BAYAN KO’Y TANGING IKAW PILIPINAS KONG MAHAL ANG PUSO KO AT BUHAY MAN SA IYO’Y IBIBIGAY TUNGKULIN KO’Y GAGAMPANAN NA LAGI KANG PAGLINGKURAN ANG LAYA MO’Y BABANTAYAN PILIPINAS KONG HIRANG

NATIONAL ORGANIZATIONAL DEVELOPMENT BUREAU (NODB)

NATIONAL ORGANIZATIONAL DEVELOPMENT BUREAU (NODB)

PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at magkadakila

PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at magkadakila Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. Sa aba ng abang mawalay sa bayan! Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay, Walang alaala't inaasa-asam Kundi ang makita'y lupang tinubuan Pagpupuring lubos ang palaging hangad Sa bayan ng taong may dangal na ingat, Umawit, tumula, kumata't sumulat, Kalakhan din niya'y isinisiwalat. Pati ng magdusa'y sampung kamatayan Wari ay masarap kung dahil sa bayan At lalong mahirap. Oh, himalang bagay! Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay. Walang mahalagang hindi inihandog Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop, Dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod, Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot. Kung ang bayang ito'y masasa-panganib At siya ay dapat na ipagtangkilik, Ang anak, asawa, magulang, kapatid; Isang tawag niya'y tatalikdang pilit. Bakit? Alin ito na sakdal ng laki, Na hinahandugan ng busong pagkasi, Na sa lalong mahal nakapangyayari, At ginugulan ng buhay na iwi? Ay! Ito'y ang inang bayang tinubuan: Siya'y una't tangi sa kinamulatan Ng kawili-wiling liwanang ng araw Na nagbigay-init sa buong katawan. Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan, Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal, Mula sa masaya'y gasong kasanggulan Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan. Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhay Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan At walang tinamo kundi kapaitan, Hayo na't ibangon ang naabang bayan! Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak Ng kaho'y ng buhay na nilanta't sukat, Ng bala-balaki't makapal na hirap, muling manariwa't sa baya'y lumiyag. Ipahandug-handog ang busong pag-ibig At hanggang may dugo'y ubusing itigis; kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid, Ito'y kapalaran at tunay na langit! Sinulat ni Ka Andres Bonifacio .