GENOVEVA EDROZA MATUTE BUOD NG KANYANG TALAMBUHAY Siya
GENOVEVA EDROZA MATUTE
BUOD NG KANYANG TALAMBUHAY �Siya ay isang bantag na kwentistang Pilipino. �Isa rin siyang guro, nagturo ng asignaturang Filipino at pang edukasyon at may akda ng aklat sa Balarilang Tagalog �Siya ay pinanganak noong Enero 3, 1915 �Lumaki sa Tayuman-Oroquieta malapit sa karerahan ng mga kabayo sa San Lazaro. �Ang kayang Ama ay si Anastacio B. Edroza �Ang kanyang ina ay si Magdalena K. Dizon �Siyam na kapatid ang namatay at karamihan ay wala pang isang taon ang itinagal sanhi ng pagkakasakit
�Ang kanyang asawa ay si Epifanio G. Matute �Ang mga katangian ni Aling Bebang ay mapagmahal, masipag, matalino at matulungin �Naging mahusay na guro sa loob ng 46 taon na kanyang pagtuturo sa elementarya, sekundarya at kolehiyo �Nagretiro bilang Dekada ng pagtuturo sa dalubhasang normal sa Pilipinas noong 1980. �Namatay siya noong Marso 21, 2009 sa edad na 94.
ANG KANYANG MGA KARANGALAN �Pinarangalan siya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ng Gawad CCP para sa sining(Panitikan) noog 1992. �Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca Award, tulad ng kilalang kuwento ni mabuti, na nanalo ng kauna-unahang Gawad Palanca Award para sa maikling kuwento sa Filipino. Maging ang Paglalayag sa puso ng isang Bata noong 1955 at ang Parusa noong 1961
KATANGIANG NIYA SA PAGSULAT NG MAIKLING KUWENTO � Pagpapahiwatig ang isang matingkad na katangian ng mga kuwento ni Genoveva Edroza Matute. Karaniwang magtutuon siya sa isa o dalawang tauhan, at sa mga tauhang ito ay lalaruin niya ang banghay at gusot ng kuwento. Ang pingas o puntos ng tauhan ay maaaring nasa kapasiyahan nito, at hindi dahil sa taglay na personal at panlabas na anyo. Sa mga matagumpay niyang kuwento, ang mga tauhan ay pumupukol ng mabibilis na salitaan, o nagsasalita sa guni, at ang mga kataga ay waring makapaglalagos sa kalooban ng mambabasa. Sumasabay din ang mga kuwento ni Aling Bebang, palayaw ni Matute, sa mga kasalukuyang pangyayari na kung minsan ay nakalulugod at kung minsan ay nakaiinis, at kung ano man ang epekto nito sa mambabasa’y mauugat sa lalim ng pagkaunawa ng manunulat sa kaniyang pinapaksa.
Angpalaka mababait ang mga guro sa mga paaralang pinasukan ni Bebang, bagaman ang guro niya sa Unang Baitang ay may kakatuwang pamamalakad. Bawal na bawal noon ang pagsasalita ng Tagalog. Ang kanyang guro ay malalim na bulsa sa saya (baro’t saya pa ang kasuotan ng mga gurong babae noon), na may lamang siling labuyo. Kapag may nahuli siyang mag-aaral na nagsasalita ng Tagalog ay dumudukot siya ng sili at pilit na ipinangunguya sa pobreng “nagkasala. ” Sinasabitan din ng kartong may ganitong nakasulat: I was caught speaking the dialect na ito ay laganap noon sa buong Pilipinas. Hindi lamang Tagalog kundi lahat ng wikang pansarili ng iba’t ibang rehiyon ay ipinagbawal. Ito ay nanatili hanggang maging malaya na ang Pilipinas. Mabuti ang hangarin—upang matulungan ang mga mag-aaral na madaling matuto ng Ingles—subalit masama ang naging epekto sa damdaming makabansa ng mga Pilipino.
Sa isang kuwentong pinamagatang “Lola, ” inilahad ni Aling Bebang isang pangyayari sa pananaw ng isang inang dukha na may sandosenang anak. Nakatagpo ng babae sa ospital ang isang matandang mayaman, na sa unang malas ay pasyente ngunit ang totoo pala’y doon lamang tumitira sa ospital kahit walang sakit yamang walang nag-aalaga sa kaniyang kaanak. Inalok ng matanda ang babae na ampunin na lamang niya ang isang anak, at tutumbasan niya ng salapi iyon para sa ikaaangat ng buhay ng pamilya ng babae. Sa dulo ng kuwento, lumayo ang babae at humabol naman ang matanda. Walang sinabi ang babae ngunit nakintal sa kaniyang gunita ang matandang bihis na bihis at nahihiyasan, iniaabot ang supot ng pasalubong, at ang kanang kamay ay nakalahad na umaabot sa patalilis na kausap. Ipinamalas lamang ni Genoveva Edroza Matute na kahit sa kuwento ay hindi dapat sabihin ang lahat, at mabisa ang pahiwatig ng mga larawan o tagpo. At kahit sa tunay na buhay, may mga bagay na mabuting ilihim, kahit ang tapat na pagtulong at pagmamahal sa kapuwa at kababayan.
THANK YOU
- Slides: 8