Sino nga ba si M. A. K. Halliday? Si Michael Alexander Kirkwood Halliday o mas kilalang M. A. K Halliday ay isang bantog na iskolar mula sa Inglatera. Ibininahagi niya sa nakakarami ang kanyang pananaw na ang wika ay isang panlipunang phenomenon. Naging malaking ambag niya sa mundo ng lingguwistika ang popular niyang modelo ng wika, ang systematic functional linguistics.
INSTRUMENTAL ITO ANG TUNGKULIN NG WIKANG TUMUTUGON SA MGA PANGANGAILANGAN NG TAO GAYA NG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBA.
HALIMBAWA: Pagpapakita ng isang patalastas sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto
REGULATORYO TUNGKULIN NG WIKA NA TUMUTUKOY SA PAGKONTROL SA UGALI O ASAL NG IBANG TAO.
HALIMBAWA: Pagbigay ng direksiyon ng lokasyon ng isang partikular na lugar.
INTERAKSIYONAL ITO AY NAKIKITA SA PARAAN NG PAKIKIPAGUGNAYAN NG TAO SA KANYANG KAPWA
HALIMBAWA: Pagbibigay ng kuro-kuro tungkol sa partikular na isyu
PERSONAL ITO'Y NAGPAPAHAYAG NG SARILING OPINYON O KURO-KURO SA PAKSANG PINAG-UUSAPAN.
HALIMBAWA: Pagsulat ng talaarawan at journal
HEURISTIKO GINAGAMIT SA PAGKUHA O PAGHAHANAP NG IMPORMASYONG MAY KINALAMAN SA PAKSANG PINAG-AARALAN.
HALIMBAWA Pag-iinyerbyu sa mga taong makakasqgot sa mga tanong tungkol sa paksang pinag-aaralan.
IMPORMATIBO KABALIKTARAN NG HEURISTIKO. ITO AY MAY KINALAMAN SA PAGBIBIGAY IMPORMASYON SA PARAANG PASULAT O PASALITA.