Etika at Pagpapahalaga sa Akademiya Pagsulat ng Replektibong
Etika at Pagpapahalaga sa Akademiya: Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Tukuyin kung Etikal o Di- Etikal 1. Etikal o Di Etikal: 2. Paliwanag: 3. Dapat sanay ginawa:
1. Nagsumite ng iskrip si Marian sa kaniyang propesor sa script writing. Humiran siya ng scrip sa isang kaibigan. Sinabi niyang gagamitin niya lamang ito upang gawan ng ebalwasyon at kririka sa klase ngunit ipinasa niya ito bilang kaniyang sariling gawa.
2. Dinala ni Dr. De Gracia ang kaniyang nanay sa isang kapuwa doktor upang ipagamot. Karaiwang praktos na hindi sinisingil ng manggagamot ang malapit na kamaganak ng kapuwa manggagamot. Siningil ng naturang doctor ang ina ni Dr. De Gracia.
3. Tumatanggap ng malalaking donasyon ang isang simbahan mula sa isang kilalang taong may criminal record. 4. Malaki ang kinikita ni Dado sa pagdadala ng ilang parte ng katawan ( halimbawa bahagi ng atay) sa paligid ng isang ospital. Ayon sa kaniya, ang mga ito ay “ boluntaryong “ donasyon. Gagamitin ang mga ito ng ospital sa mga pasyenteng nangangailangan nito. Malaki ang bayad sa mga “boluntaryon” parte ng katawan.
Etika at Pagpapahalaga sa Akademiya • Etika- Griyego na ethos na may kahulugang “karakter” • Ethos- salitang ugat na ethicos na may kahukugang “moral na karakter”
Etika • Ayon kay Chris Newton ito ay tumutugon sa mahalagang tanong ng moralidad, konsepto ng tama at mali, Mabuti at masama, pagpapahalaga at pagbabalewala, pagtanggap at di pagtanggap ng lipunan na siyan nagtatakda ng mga batayan sa mga ito. • (respeto sa kapwa, nakatatanda, awtoridad, bata, kababaihan, pagmamano, pagamit ng po at opo.
Pagpapahalaga ( Values) • Ay mga istandard o batayan- mga ideyal at gawi at institusyon gaya ng simbahan, pamilya, paaralan at negosyo- na pinagbabatayn natin kung tama o mali ang ating mga desisyon.
Pagpapahalagang Pilipino Ang kultura ang pangunahing batayan ng mga pagpapahalag ng mga Pilipino. Isinasabuhay nila ito sa araw- araw. Gayunpaman, nababago ang mga ito lalo sa mga kabataan. Bunga ito ng mga pagbabago sa lipunan dala ng mga makabagong teknolohiya, mass media, kanluraning edukasyon.
Ilang mga Katangian na Pinapahalagahan ng mga Pilipino • • • Pagmamahal at katapatan sa pamilya Pagpapahalaga sa Edukasyon Hiya o kahihiyan Pakikipagkapwa Pagiging Mapamaraan Pagkamalikhain Sikap at Tyaga Utang na Loob Pakikisama Bahala na
Etika at Pagpapahalaga sa Pagsulat sa Akademiya • A. Copyright- Intellectual Property Code of the Philippines Republic Act No. 8293. Karaptan at Obligasyon ng may- akda ( manunulat, artista, iskolar, tagasalin, kompayler, editor, mananaliksik. Dapat tukuyin ng mayakda ang pinanggalingan ng datos. • Plagiarism- maling paggamit “ pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lenggwahe o pahayag ng ibang tao”. Tatlong Paglabag: 1. hindi pagbanggit sa mayakda sa bahaging sinipi at kinuhanan ng ideya, 2. hindi paglalagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o pahayag 3. hindi ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang ibinuod (summary ) at hinalaw (paraphrase)
• Paghuhuwad ng datos 1. Imbensyon ng datos- sa mga eksperimento, estadistika, maging mga pag- aaral ng kaso. 2. Sinadyang di paglalagay ng ilang datos 3. Pagbabago o modipikasyon ng datos 4. Pagbili ng mga papel o pananaliksik sa mga lugar gaya ng tindahan sa Quiapo
5. Pagsubscribe upang bumili ng artikulo o pagkopya sa mga website upang gamitin at angkinin bilang sariling papel na isususmite sa guro. 6. Pagpapagawa o pagbabayad sa iba upang igawa ng papel, tesis, dissertation, report at iba pa.
Mga kaso ng Pandaraya at Kaparusahan • Malawakan at maramihang pagkopya ng mga sipi at datos nang hindi binibigyang kredito ang pinagkuhanan. Ginawa ito ng isang estudyante sa pag- aaral n doctoral (Ph. D) sa isang malaking unibersidad sa bansa. Matapos ang matagalang imbestigasyonna umabot pa sa korte Suprema, binawi ang degree na nauna nang ibinigay sa kaniya.
• Nagsumite ang isang group paper ang tatlong mag-aaral ng isang kilalang unibersidad sa Metro Manila. Napatunayan ng guro na kinopya ang halos kalahati ng papel sa isang artikulo sa Internet. Binigyan ng bagsak na grado ng guro sa asignatura ang tatlong mag- aaral
Paymus a. Dan Brown “ The Da Vinci Code” Inakusahan ng nobelistang si Lewis Purdue na kinopya ang kaniyang nobelang The Da Vinci Legacy at Daughter of God. Nadismiss ang kaso. b. Hellen Keller, The Frost King, inakusahan ni Margareth Canby , The Frost Fairies , Napawalang Sala
Pagpapahalagang Intelektwal • • • Kababaang Loob Lakas ng loob Pakikiisa at pagunawa sa karanasan at kalikasan ng iba Integridad Pagsisikhay, hindi basta sumusuko sa gitna ng pagsubok Paniniwala sa katwiran Katapatan Kamalayang Mapanuri Pagaatubili Hiya
Kumuha ng Kapareha • Sumulat ng isang editorial na may tatlo hanggang limang talata kaugnay ng pangkalahatang paksa. ‘ Etika at Pagpapahalaga sa Gitna ng Makabagong Teknolohiya at Komersyo Cloning Eksperimento sa mga hayop Pagtitinda ng mga mamahalin gamot ng mga kompanyang parmasyutikal Pagupa ng mga ghost writer Pagbili ng mga mamahaling sasakyan ng mga opisyal ng pamahalaan
Rubriks • Malinaw na simula • Organisasyon • Ebidensya • Kaisipan • Bokabolaryo • Bantas. • Format • Malinaw na mensahe ng wakas 15 15 10 10 10 15
- Slides: 19