ELESSON IN HEKASI V Presented by Malone C

E-LESSON IN HEKASI V Presented by: Malone C. Perez Teacher I Tuban Elementary School üIlang paalaala üPindutin ito upang mag patuloy

Ang Panunungkulan ni MGA LAYUNIN Ramon Magsaysay PANIMULA MGA ARALIN PAGSUSULIT

PANIMULA Ang Panunungkulan ni Ramon Magsaysay Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramón "Monching" Magsaysay (31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) ay ang ikapitong Pangulo ng. Rep ublika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953 -17 Marso 1957).

Ang Panunungkulan ni Ramon Magsaysay MGA LAYUNIN üNaisasalaysay ang talambuhay ni Pangulong Magsaysay. üNatutukoy ang mga programang pampamahalaan ni Pangulong Magsaysay.

MGA ARALIN TALAMBUHAY ALAM NYO BA? MGA PROGRAMA PAGKAMATAY Ang Panunungkulan ni Ramon Magsaysay

Talambuhay �Pagsilang: Agosto 31, 1907 sa Iba, Zambales �Magulang: Exequel at Perfecta del Fiero �Edukasyon: Jose Rizal College (Komersyo) �Asawa: Luz Banzon �Anak: Teresita, Milagros at Ramon Jr. �Kamatayan: Marso 17, 1957 sa Mt. Manunggal, Cebu

Panunungkulang Pampubliko �Military Pamilya ni Pang. Magsaysay (standing LR) Teresita, Ramon Jr. at Milagros; (Kanan) First Lady Luz Banzon-Magsaysay Governor ng Zambales matapos ang digmaan �Kongresista ng Zambales �Kalihim ng Tanggulang Pambansa ng Administrasyong Quirino

Alam nyo Ba? �Si Pang. Magsaysay ang unang gumamit ng barong tagalog sa araw ng kanyang inagurasyon. Ipinatupad nya rin na gawing dress code ang pagsusuot ng barong tagalog sa lahat pormal na programa sa Malakanyang. Dahil dito, naging uso ang pagsusuot nito sa mga pormal na okasyon.

Alam nyo Ba? �Ipinag-utos ni Pang. Magsaysay ang pagsasalin ng ating Pambansang Awit sa wikang Filipino. Sa bisa ng Dept. Order No. 5, s. 1956 noong ika-26 ng Mayo 1956, ipinag-utos ang paggamit ng translation na gawa nina Idelfonso Santos at Julian Cruz Balmaceda at isinaayos ni Lt. Col. Antonio Buenaventura.

Alam nyo Ba? �Si Pang. Magsaysay ang unang gumamit ng guerilla campaigning. Ito ay ang paggamit ng mga artista, pag-awit at pagsasayaw, at pagpunta sa mga baryo tuwing nangangampanya. Ito ay karaniwan nang ginagawa ngayon tuwing may halalan.

Mga Programa ng Administrasyong Magsaysay �Pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Pilipino �Pagpapaunlad ng mga baryo �Pagdinig sa mga karaingan ng mga tao �Pakikipag-ugnayan sa ibang bansa

Social Security Act �Sa bisa ng batas na ito, itinatag ang Social Security System (SSS) noong Hunyo 18, 1954. Layunin nito na bigyan ng kapanatagan ang mga kawani sa pribadong sektor. Ilan sa mga pakinabang nito ang tulong sa pagpapagamot, pabahay, pautang at pensyon sa pagreretiro.

Tulong sa mga Magsasaka �Sa ilalim ng Land Tenure Law, bibilhin ng pamahalaan ang mga malalaking hacienda upang maipamahagi sa mga magsasaka ng hulugan. �Itinanatag din ang Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration (ACCFA) at Farmer’s Cooperative Marketing Association (FACOMA) upang matulungan ang mga magsasaka sa suliraning pinansiyal.

Pagpapa-unlad sa mga Baryo �Ipinag-utos ni Pang. Magsaysay ang pagpapatayo ng mga poso at patubig upang mapabilis ang pag-unlad sa mga baryo. �Naglunsad ng pananaliksik ukol sa makabagong sistema ng pagsasaka at mga bagong uri ng binhi tulad ng Masagana.

Pakikipag-ugnayan sa Ibang Bansa �Itinatag sa Maynila noong Sept. 8, 1954 ang Southeast Asia Treaty Organization (SEATO). Ito ay samahan ng mga bansa na nagkasundong magtutulungan sa paglaban ng komunismo. �Nilagdaan ng Japan at Pilipinas ang Reparation Agreement noong May 9, 1956. Ito ay bilang kabayaran ng Japan sa pinsalang dulot ng digmaan.

Presidential Complaints and Action Committee (PCAC) �Ang PCAC ay nagbigay ng pagkakataon sa mga karaniwang tao upang magabot ng kanilang hinaing sa pangulo. Nagpunta din siya sa mga nayon upang makihalubilo sa mga karaniwang tao. Dahil dito, nakilala siya bilang Kampeon ng Masa.

Pagkamatay ni Pang. Magsaysay �Matapos dumalo sa graduation ceremony sa Cebu, hindi na nakabalik ng Maynila si Pang. Magsaysay noong Marso 17, 1957. Bumagsak ang eroplano ng pangulo, ang RP Mt. Pinatubo sa Mt. Manunggal, Cebu.

Pagkamatay ni Pang. Magsaysay Bahagi ng eroplano na ginawang marker sa Mt. Manunggal, Libing ni Pang. Magsaysay at kanyang huling hantungan sa Manila North Cemetery.

Kailan ipinanganak si Pangulong Magsaysay? Agosto 31, 1907 Agosto 30, 1907 Agosto 29, 1907

Ang GALING mo!

Subukan ang ibang sagot. . .

Anong damit ang naging dress code sa lahat pormal na programa sa Malakanyang. Amerikana Barong Tagalog Kamesa de Tsino

Ang GALING mo!

Subukan ang ibang sagot. . .

Ano ang sinasakyang eroplano ni Pangulong Magsaysay nang siya’y mamatay? Mt. Manunggal Mt. Mayon Mt. Pinatubo

Ang GALING mo!

Subukan ang ibang sagot. . .


PANANDA Pindutin ang mga sumusunod kung: Ibalik sa pinanggalingan Pumunta sa main menu Pumunta sa susunod Pindutin upang maka pili ng aralin Pindutin upang maka pili ng sagot sa tanong <<<Pindutin
- Slides: 29