Dahil sa Balat ng Saging Ni Gng Neftalie
Dahil sa Balat ng Saging Ni Gng. Neftalie P. Umambong
Isang araw, kinausap ni Bb. Lara si Robert. “May nagreport sa akin na nagkalat ka na naman sa ating silid aralan. Huwag mong kalilimutang may kampanya sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating paaralan. Opo, Bb. Lara , sagot ni Robert
Pagkarating sa kanilang bahay noong hapong iyon, agad naghanap ng pagkain si Robert. Nang matanaw ang piling ng saging sa trey, dali-dali siyang pumigtal ng isa, at kinain niya ito.
Mmmmmmmm, ang sarap ng saging!
Nang maubos ang saging inihagis niya ang balat nito sa labas ng bintana papunta sa kanilang malawak na bakuran.
Hindi niya napansin na naroon si Eric, ang kanyang kapatid na tumatakbo ng mabilis at paikutikot niyang sinipa ang laruan niyang bola.
Mayamaya…. . Aray, malakas na sigaw ni Eric. Agad sumaklolo ang lahat kay Eric. Nakita nilang nagdurugo ang ulo nito.
Mabilis isinugod ng kanyang magulang sa ospital si Eric sa pangambang baka magkaroon ng komplikasyon ang kanyang ulo
Si Robert lamang naiwan sa bakuran. Nakatitig siya sa durog na balat ng saging at dugong nakakalat sa semento. Habang iniisip niya na siya ang dahilan kung bakit nadulas si Eric at naalala niya na nagtapon siya ng balat ng saging sa kanilang bintana.
Nangako si Robert sa sarili na kaylan man ay hindi na siya magtatapon ng kanyang basura kung saan. Pinuntahan niya ang kanyang kapatid at nagsabi, ”Patawarin mo ako Eric sa aking nagawa. ”
Pinatawad ni Eric ang kanyang kuya at nagsabi sabay na lang silang maglaro ng bola sa bakuran. Natuwa si Robert dahil naunawaan siya ng kaniyang kapatid. Mula noon, lalo silang naging malapit sa isa’t – isa.
MGA TANONG
Piliin ang letra ng tamang sagot. 1. ) Ang batang kinausap ng guro ay si? A. Eric B. Lara C. Robert
A. Subukan Muli!
B. Alalahanin mo!
C. Mahusay, kahanga-hanga!
2. ) May nagreport na siya ay? A. Nagkalat na naman sa kanilang silid-aralan. B. Nagbaon siyang muli ng junk food. C. Nagdala siya ng sobrang pera.
A. Mahusay, kahanga-hanga!
B. Basahin muli ang kwento!
C. Pag-aralan muli!
3. ) Pagkarating niya sa bahay, kumain siya ng: A. Sandwich B. Saging C. Suman
A. Pagsikapan Muli!
B. Ang galing!
c. May pagkakataon ka pa!
4. ) Nang maubos ang kinain, A. Inihagis niya ang balat ng niyon sa labas ng bintana. B. Itinapon niya ang balat ng niyon sa basurahan. C. Ibinalik niya ang balat niyon sa loob ng ref.
A. Ang galing!
B. May pagkakataon ka pa!
C. Pagsikapan Muli!
5. ) Dahil sa nangyari sa kanyang kapatid, A. Galit na galit siyang sinigawan ng nanay niya. B. Umalis siya ng kanilang bahay at hindi muna umuwi. C. Nangako siyang hindi na magtatapon kung saan-saan.
A. May Ibang Pagkakataon Pa!
B. Mag-aral Ng Mabuti!
C. Yehey! ang galing!
- Slides: 32