Bibliya Group 3 Marron Borja Lopez There is
Bibliya Group 3: Marron Borja Lopez
“ There is a sense in which the Bible, since it is after all literature, cannot be properly read except as literature; and the different parts of it as different sorts of literature they are. ” - C. S Lewis, Reflections on the Psalms
Bibliya: Origin �Middle English: via Old French from ecclesiastical Latin biblia, from Greek biblia ‘books, ’ from biblion ‘book, ’ originally a diminutive of biblos ‘papyrus, scroll, ’ of Semitic origin.
Bibliya � Ang pag-aaral ng banal na kasulatan bilang "panitikan" ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa kontemporaryong mga pag-aaral ng Bibliya. � Ang Bibliya ay isang libro na nilikha para sa 16 mahabang siglo, at ito ay lumahok sa pagsulat ng mga 40 manunulat ng ganap na iba't ibang edad, propesyon, edukasyon, kapaligiran, pagsasama, at worldview. � Ang Bibiliya ang siyang naging batayan ng pananampalataya ng mga tao.
Bibliya Maraming mga aspeto upang pag-aaral ng Bibliya: wika, heograpikal, historical, archaeological, aklat ng mga seremonya, pampanitikan, epigraphic, numismatik, antropolohiko, paleobotanical, militar, atbp
Lumang Tipan ay maaaring ilarawan bilang isang panitikang nagpapahayag Ang Lumang � ng buhay at karanasan ng mga Israelita. Sinasalamin nito ang iba't-ibang kasaysayan at karanasang pang-ekonomiya, pulitika, relihiyon, heyograpiya, at kultura ng mga Israelita, gayundin ng maraming lahi na nagkaroon ng bahagi sa buhay ng Israel bilang isang bansa na may natatanging kaugnayan kay Yahweh. � Ang Lumang Tipan ay nagtataglay ng iba't-ibang anyong pampanitikan tulad ng tulaan (poetry) at tuluyan (prose), katutubong kuwento at kasaysayan, sagradong mga imno at makukulay na awitin ng pag-ibig, tuntuning panrelihiyon at mga tuntuning pang-pamayanan, salawikain ng mga matatalinong tao at pahayag ng mga propeta, mga epiko, mga panaghoy, mga talinhaga, at mga alegoriya. � Subalit higit pa sa paglalarawang ito, ang Lumang Tipan ay itinuturing bilang Banal na Kasulatan ng mga Cristiano at ng mga Judio, kasulatang may malalim na kahulugan at kahalagahan sa pananampalataya. Ang Lumang Tipan ay nagpapabatid ng katuruang nakasentro sa paniniwala sa Diyos na nagpaparusa at nagliligtas, na nagbibigay ng katarungan at nagpapakita ng kahabagan, at sa paniniwalang may isang lahi na hinirang ng Diyos upang gampanan ang isang napakahalagang tungkulin sa planong pagliligtas ng Diyos para sa buong sanlibutan; isang lahi na kung saan si Jesu. Cristo ay nagmula.
Ang Bagong Tipan ay binubuo ng dalawampu't pitong aklat na isinulat, tinipon, at inilathala Ang Bagong Tipan sa loob lamang ng halos wala pang isangdaang taon; panahon na kung saan ang unang iglesya � ay naitatag at lumaganap sa halos bawat lugar na nasasakupan ng Imperyong Romano. � Para sa mga Cristiano, ang Bagong Tipan ay may natatanging kaugnayan sa Lumang Tipan. Ang mga aklat sa Bibiliang Hebreo ay tinatanggap at ginagalang bilang isang napakahalagang bahagi ng Biblia; kung kaya't ang kasaysayang Judio ay nagiging kasaysayang Cristiano rin. Dahilan ito sa paniniwalang mga ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu. Cristo ay hindi maihihiwalay sa naunang ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng bansang Israel. Patunay dito ay ang madalas na pagbanggit ng mga talata sa Lumang Tipan, at ang maliwanag na pag-angking ang mga ito'y natupad sa buhay, gawa, at turo ni Jesu-Cristo. Mula sa Lumang Tipan, ang mga unang Cristiano ay gumamit ng mga ideya at konsepto kung saan maituturo nila ang tungkol kay Jesu-Cristo: natagpuan nila ang plano ng Diyos para sa sanlibutan, at ang planong ito'y nagkaroon ng katuparan kay Jesus na taga-Nazaret. � Ang halos lahat ng Aklat sa Bagong Tipan ay naisulat sa isang uri ng wikang Griego na tinatawag na "Koine" (karaniwan). Nangangahulugang higit na maraming tao ang nakakaunawa sa mga aklat na ito sapagkat ang mga salita at pangungusap nito'y nakasulat sa karaniwan o pang-araw na gamit. � Ang dalawampu't pitong aklat ng Bagong Tipan ay maaaring hatiin sa iba't-ibang bahagi, na may kanya-kanyang taglay na katangiang pampanitikan: ang mga Ebanghelyo o Magandang Balita, Kasaysayan ng Unang Iglesya, Mga Sulat ni Pablo, mga Sulat Pangkalahatan, at
Bibliya Hudaismo: 24 aklat ng Tanakh -Apokripa -Lumang Tipan ng mga Kristiyano Protestantismo: 66 aklat -Luma at Bagong Tipan Samaritano: 5 aklat ng Torah Etiopianong Ortodokso: 81 aklat -Genesis -Exodo Silangang Ortodokso: 84 aklat -Levitico (pinakamalaking kanon) -Deuteronomyo -Bilang Marcionismo: 11 aklay (wala ang Lumang Tipan) Katolisismo: 73 aklat -Lumang Tipan -Bagong Tipan
Paano nating nasasabi na ang bibliya ay isang produkto ng panitikan?
Panitikan �Karanasan �Sining �Kasaysayan �Pangmatagalan
- Slides: 11