BIBLIAANG MAKAPANGYARIHANG PINANGGAGALINGAN NG ATING TEOLOHIYA Liksyon 4
BIBLIA–ANG MAKAPANGYARIHANG PINANGGAGALINGAN NG ATING TEOLOHIYA Liksyon 4 para sa ika-25 ng Abril, 2020
Kahit nais nating mamuhay ayon lamang sa Kasulatan, karamihan sa ating pag -unawa sa Kasulatan ay hinuhugis at naiimpluwensyahan ng maraming dahilan: ang nakasanayan at kinalakihan nating tradisyon, ang paraan kung paano tayo nasanay na mag-isip at kung paano natin ginagamit ang ating katwiran sa pagpapaliwanag ng mga bagay, ang ating karaasan sa mga tao at mga ideya, at ang mga kulturang humuhugis sa palibot natin. Ang prioridad na ibinibigay sa isa o pinagsamang mga pinanggagalingan ay malaking impluwensya sa ating teolohiya; sa huli, ito ang magpapasya ng direksyon ng buong pangteolohiyang proyekto. Tradisyon Karanasan Kultura Katuwiran Ang Biblia
“Kayo'y magsipagingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali't saling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo. ” (Colossas 2: 8) Anong Mabuti tungkol sa tradisyon? Tinutulungan tayo ng tradisyon na maalala ang ating kasaysayan. Ipinaaalala din nito sa atin ang mga liksyon na natutunan ng ating mga ninuno. May mga tradisyon sa Biblia na nagpapaalala sa bayan ng Dios ng kanilang paglaya, gaya ng Purim. Halimbawa, ang pagdating ng mga Manlalakbay na Ninuno sa malayang lupain ay inaalala pa rin sa Estados Unidos ng America. Anong masama sa tradisyon? Maaaring pumalit ang tradisyon sa lugar ng katotohanan (Marcos 7: 1 -13) sa pagdagdag ng mga maling sangkap at pamahiin sa
“Saan nga naroon yaong inyong kapalaran? sapagka't pinatototohanan ko sa inyo, na, kung mangyayari, ay inyong dinukit sana ang inyong mga mata at ibinigay sa akin. ” (Galatians 4: 15) Anong mabuti tungkol sa karanasan? Ang ating karanasan sa Dios ang humuhugis sa ating pag-unawa sa Kanya. Ang pag-alala kung paano tayo tinulungan at pinasigla ng Dios sa nakaraan ang kumikilos sa atin patungo sa layunin. Anong masama tungkol sa karanasan ? Hindi lahat ng karanasan ay mabuti. Minsan, ang mga bagay na nararanasan at nararamdaman natin ay hindi galling sa Dios. Kaya, kung ibabatay ang ating pananampalataya o doktrina sa natatanging pakiramdam o karanasan na salungat sa Biblia ay mapanganib.
KULTURA “Sapagka't ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan. ” (1 Juan 2: 16) Anong mabuti tungkol sa kultura? Sa ibang bansa, ang kultura ay malakas na naimpluwensyahan ng Biblia. Sa marami pang ibang bansa, makakakita tayo ng bahagi ng kultura na katugma sa itinuturo ng Biblia. Anong masama tungkol sa kultura? Maaaring ituring na mabuti ng ating kultura ang isang bagay na mali, o kabaliktaran (Isaias 5: 20). Kaya, bawat bahagi ng kultura ay dapat siyasatin base sa Biblia, at dapat manaig ang Biblia. Mapalago man natin ang ating kultura, ngunit hindi natin mababago ang Biblia.
KATUWIRAN “Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa't bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo. ” (2 Corinto 10: 5) Anong mabuti tungkol sa katuwiran? Ang katuwiran ay kaloob mula sa Dios. Magagamit natin ito upang maabot ang tamang pasya at makombensi sa katotohanan (2 P. 1: 12; Jn. 16: 8). Ginagawa tayong marunong ng katuwiran kung napapailalim ito sa kalooban ng Dios (Kaw. 9: 10). Kahit ang ating pagsamba ay dapat maging rasyonal (Rom. 12: 1), at hindi lang emosyonal. Anong masama tungkol sa katuwiran ? Napakamapanganib paniwalaan na kaya nating unawain lahat sa pamamagitan lamang ng ating katuwiran. Minsan ang Dios ay gumagawa sa hindi pangkaraniwang paraan na hindi natin mapaliwanag. Kung patuloy nating tanggihan ang mga himalang ito, maaari tayong lumayo sa Kanya na nais magbigay sa atin ng kaligtasan at buhay ng walang hanggan.
ANG BIBLIA “Sapagka't kung kayo'y nagsisisampalataya kay Moises, ay magsisisampalataya kayo sa akin; sapagka't tungkol sa akin siya'y sumulat. ” (Juan 5: 46) Anong mabuti tungkol sa Biblia? Hinihimok tayo ni Jesus na pag-aralan ito (Juan 5: 39) at paniwalaan ito (v. 46). Ito ang Salita na kinasihan ng Dios. Ito’y kapakinabang sa pagtuturo (2 Timoteo 3: 16). Sa mga patungkol sa pananampalataya at doktrina, ang Biblia ay mas mataas sa tradisyon, karanasan, kultura at katuwiran. Lahat sila ay dapat suriin at unawain ayon sa Biblia. Anong masama tungkol sa Biblia? Wala, habang lagi tayong pinangungunahan ng may akda nito–ang Banal na Espiritu. Hindi tayo dadalhin ng Banal na Espiritu sa “katotohanan” na salungat sa ipinahayag Niya sa Biblia.
“Hindi natin dapat hayaan ang anumang argumento ng tao na ilayo tayo sa pagsasaliksik ng mainam sa katotohanan ng Biblia. Ang mga opinion at kaugalian ng tao ay hindi dapat tanggapin gaya ng otoridad ng Dios. Ipinahayag ng Dios sa Kanyang Salita kung ano ang buong katungkulan ng tao, at hindi tayo dapat malihis sa dakilang pamantayan ng katuwiran. Ipinadala Niya ang Kanyang bugtong na Anak upang maging halimbawa natin, at tawagin tayo upang dinggin at sundin Siya. ” E. G. W. (Fundamentals of Christian Education, cp. 15, p. 128)
- Slides: 8