Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao Inihanda ni
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao Inihanda ni: Emerciana T. Angeles Ed. D. MT 1/ Legarda Elem. School DCS, Manila
Layunin Natutukoy ang mga pagkaing mainam sa kalusugan
Paksang Aralin Tema: Pananagutang Pansarili Paksa: Pangangalaga sa Sarili
Paksang Aralin Pamantayang Pangnilalaman: Pag-unawa sa kahalagahan ng pangangalaga sa Kalusugan Pamantayan sa Pagganap: Pagpili sa mga Pagkaing Mainam sa Kalusugan
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K to 12 d. 13 Kagamitan: Mga tunay na bagay, larawan, showcards
Mga Gawain sa Pagkatuto Alamin • Pagsusuri sa takdang aralin (mga larawang ipinadala na nagpapakita ng gawaing nakapagdudulot ng kalinisan at kalusugan.
Mga Gawain sa Pagkatuto • Pansaloobing Pagsasanay Ipakita ang tsek (/) kung ang larawan ay nagpapakita ng wastong paraan ng pangangalaga sa kalusugan ng sarili at ekis (x) kung hindi. ____1. ( larawan ng batang nagsesepilyo ng ngipin) ____2. (larawan ng batang marumi ang katawan) ____3. (larawan ng batang nagpuputol ng kuko)
Mga Gawain sa Pagkatuto Isaisip 1. Pagganyak • Mga bata, ano ang kinain at ininom ninyo kanina? Sino-sino sa inyo ang umiinom ng gatas? Sino-sino naman ang kumakain ng itlog, gulay at prutas? • Bakit gusto ninyong uminom ng gatas? Kumain ng itlog, gulay at prutas?
Mga Gawain sa Pagkatuto 2. Paglalahad Tugma: Ang gatas at itlog Pagkaing pampalusog Ang prutas at gulay Pampasigla ng tunay.
Mga Gawain sa Pagkatuto Pagtalakay • Ano-anong pagkain ang binanggit o narinig ninyo sa tula na nakapagpapalusog ng katawan? • Ano-ano naman ang mga pagkain na nagpapasigla ng ating katawan? • Bukod sa mga pagkaing binanggit sa tugma, may alam pa ba kayong mga pagkaing mainam sa ating katawan? • Sino-sino ang mga kumakain ng gulay? Ano-anong gulay ang inyong kinakain? Prutas? Bakit?
Mga Gawain sa Pagkatuto Isagawa • Ano-anong pagkain ang mainam sa ating katawan? • Pagpapangkat Pangkat 1 – Pagbuo ng puzzle Pangkat 2 – Pag-awit ng mga awiting may kinalaman sa pagkain Pangkat 3 – Pag-uuri-uri ng prutas at gulay
Mga Gawain sa Pagkatuto Isapuso • Pagbuo ng pangako “Simula ngayon, ako ay ____________. ”
Mga Gawain sa Pagkatuto Isabuhay • Ipakita ang iba’t ibang larawan sa tsart. Ipakuha sa bata ang mga pagkaing nagpapalusog ng katawan. Halimbawa: itlog bubblegum Coca –cola Chippy kendi saging atis gatas isda
Mga Gawain sa Pagkatuto • Magpakita ng dalawang larawan( larawan ng batang umiinom ng gatas at larawan ng batang umiinom ng softdrinks). Itanong kung sino ang umiinom ng tamang inumin. Bakit?
Mga Gawain sa Pagkatuto Subukin Ipakita ang titik ng tamang sagot. 1. Oras ng rises. Pumunta ka sa kantina ng paaralan. Anong pagkain ang iyong bibilhin? a. Nilagang saging b. Chippy c. Kendi 2. Maghahanda ng baon si nanay. Alin dito ang dapat niyang ihanda? a. Itlog at tinapay b. Chippy c. Stick-o 3. Alin sa mga inuming ito ang mabuti para sa mga bata? a. Coke b. Kape c. Gatas
Takdang Aralin Magdala ng baon para sa rises ninyo na mainam sa ating kalusugan.
- Slides: 16