BANAAG AT SIKAT ni LOPE K SANTOS INIHANDA
BANAAG AT SIKAT (ni: LOPE K. SANTOS) INIHANDA NI: KYLA MAE A. PAGADUAN (BEED II-A)
PAMAGAT • Ang salin sa Ingles na “Banaag at Sikat” ay kumakatawan sa katagang “mula sa maagang pagbubukang-liwayway hanggang sa ganap na pagkalat ng liwanag ng araw. ” • “FROM EARLY DAWN TO FULL LIGHT” • Nagmula sa isang pagsusuri nina Patricio N. Abinales at Donna J. Amoroso.
MAY AKDA • Si Lope K. Santos ay isa sa mga dakilang manunulat sa wikang tagalog. • Siya ay nobelista, makata, abogado, kritiko, lider obrero, at tinuturing na “Ama ng Pambansang Wika at Balarila. ”
MGA TAUHAN: • DELFIN – siya ang pangunahing tauhan ng akda. Isa siyang mahirap na peryodista. • FELIPE – siya ay anak-mayaman; radikal bagamat tipong anarkista. • MENI – siya ay nakatakdang ikasal kay Delfin na anak ng isang pinakamayaman sa Maynila. • TENTAY – minamahal siya ni Felipe. Siya ay isang babaeng mahiyain at anak siya ng isang manggagawa.
• • BUOD Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng amangkumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista. Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay. Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa datingpinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig. Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito. Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na paraan, samantalang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo. Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y
• • Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin, Sa a-uki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan. Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan. Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni Meni. Samantala, nagluwal ng isanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari. Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi sasalubong. Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa
Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailangang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. • Napag-usapan nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming tao na araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo. Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t palipasin ang diin ng gabi. "
ARAL: “ Kahit mahirap ang isang tao di dapat pumayag na magpaalipin at magpa-api sa mga mayayaman. Di dapat maging mapagmataas at mapagmata sa mga mahihirap, kung maayos silang tratuhin ay maayos din nila tayong pagsisilbihan. ” “Hindi hadlang pagkakaiba ng posisyon sa buhay ng dalawang taong nagmamahalan. ”
SALAMAT SA PAKIKINIG NAWA’Y ITONG AKING INIULAT AY KAPULUTAN NIYO NG ARAL!
NENA AT NENENG (ni: VALERIANO PEŃA)
PAMAGAT • Pinamagatan itong “Nena at Neneng” dahil nakasentro ang kwento ng nobela sa buhay at pagdurusa ng dalawang matalik na magkaibigang kapwa sinubok ng kapalaran.
MAY AKDA: • Si Valeriano Hernandez at Peña (ang Peña ay apelyido ng kanyang ina) ay isinilang sa nayon ng San Jose, Bulacan , bulacan noong Disyembre 12, 1858. Siya ay bunsong anak nina Marcos Hernandez at Dominga dela Peña. Ang kanyang ama ay isang platero, at ang hanapbuhay na ito ang kanyang ginamit upang maitawid ang kanyang pamilya sa pang-araw na pangangailangan. • “AMA NG NOBELANG TAGALOG”
MGA TAUHAN: Isko - isang lalaki na nagkagusto kay neneng, nakilala ni neneng sa kasalan. Neneng - matalik na kaibigan ni nena, babaeng itinadhana para kay narciso. Narciso - lalaking nagmahal kay neneng ng lubos. Chayong - babaeng gusto si narciso, pero napunta kay miguel. Miguel - ama ng dinadalang bata ni chayong, na inakala na narciso. Nena - babaeng matalik na kaibigan ni neneng, nagkagusto kay miguel, pero napunta kay deogracias. • Deogracias - kababata ni nena at naging asawa. • Aling Anday - ale ni nena, . nag alaga kay nena simula ng maulila, parang ikalawang ina ni nena. • Pepe - kapatid ni neneng. • • •
BUOD 1. Si NENA at NENENG ay matalik na magkaibigang dalaga na parang kapatid na ang tratuhan. 2. Ang unang pagsubok sa pagkakaibigan ay nagsimula nang magkaroon ng tinginan sina Nena at ang kilalang babaero't mapaglaro sa damdamin na si Miguel- sinumbong ni Neneng kay Aling Anday, pinarusahan si Nena, at sa gitna ng paghuhumigpit ng ale, hiningi nito ang kamay ni Miguel sa kasal. 3. Nagkabalikan ang dalawang dalaga nang maipakita ni Neneng kay Nena si Miguel na kasama na si Chayong. 4. Si CHAYONG ay may dalawang lalaking kinaguguluhan sa buhay- si Miguel na naiipit sa dalawang dalaga, at ang pinsan nitong si Narciso na maspabor sa kanya ang pamilya ni Chayong, matino't matalino, at saka dati nang minahal ni Chayong. 5. Ang kuwento'y lumalim lalo nang magkatitigan nang iba si Neneng na papunta kay Chayong at si Narciso na paalis, at pagkatapos, nang inilahad ni Miguel kay Chayong ang kanyang tuluyang paglimot kay Nena. 6. Lalo pang lumalim ito nang mamatay ang asawa ni Aling Anday kung kaya't naghiwalayan ang magkaibigan. 7. At sunud-sunuran ang mga pangyayaring naganap na sila ring nagbago ng direksyon ng buhay nilang lahat. 8. Lumalim ang pagkakaibigan tungo sa pagmamahalan at pagpapakasal nina Nena at Deogracias- ang kanyang kalaro't parang kapatid sa lalawigan noong lumalaki pa sila.
11. Nagtanan ang dalawa, nawalan ng puri si Chayong, nadiskubre sila ng magulang ng babae, pinaghiwalay, at nang nalamang buntis ang anak, pinakulong sa bilibid si Maiguel. 12. Nalaman ni Miguel kay Narciso ang tungkol sa anak nitong Narciso rin ang ngalan, ngunit di na ito nakapagsilbi bilang ama ng sanggol nang siya'y mamatay sa bilangguan. 13. Sa kabilang panig naman ng kwento'y muling sinasamahan ang dalawang pares na sina Nena't Deogracias at sina Neneng at Narciso- mula sa pagbisita ng mga taga lalawigan sa Maynila na ikinasaya ng dalawang dalaga't dito binalita ang mangyayaring pagiisang dibdib nina Nena't Deogracias at ang kasal nila sa Bulacan, hanggang sa mga pagsubok sa relasyon nina Neneng at Narciso nang tumakas sila galing sa Misa de Gallo, at nang malaman ni Neneng ang pagbibisita ni Narciso kay Chayong sabay pagtanto sa mga maliliit na sinungaling ni Narciso. 14. Lumbay muli ang napupuna kay Chayong na sawi sa pagibig hindi lamang kay Miguel kundi na rin kay Narciso, at ngayo'y may alaga pang sanggol. 15. Natatapos ang kwento niya sa paglalayas mula sa malulupit na magulang, sa pagkahanap ng matutuluyan kina Pepe at Neneng, at sa tuluyang pagkasawi nangikasal na si Narciso. 16. At ang kwento naman nila Neneng at Narciso’y mas-hihigit pa bilang trahedya nang kaguluha’y magsimula sa isang liham mula kay Isko na siyang isang munting taga hanga na may pagtingin kay Neneng noong kasal pa ni Nena sa Bulacan. 17. Datapwat nakasal na ang dalawa’y di nagtagal bago magulo ni Isko sa pamamagitan ng mga liham at pagkulit sa kanila ang kanilang pagiging mag-asawa. 18. Dahan-dahan na rin pumasok ang samu’t saring mga tanong at duda sa noong una’y masayang pag-iisang dibdib. 19. At dahil sa liham na rin, na nakalimutan lamang ni Neneng nang pumanaw si Pepe, umalis si Narciso dahil sa kanyang isipa’y hindi na tapat ang pagibig ni Neneng sa kanya, na naging sanhi na rin ng pagkasakit na malubha ni Neneng. 20. Nang makumpleto na ang mga huling habilin at nasabi na sa kaibigan ang mga lihim na
ARAL: “Hindi laging kaginhawaan ang mararanasan ng isang tao minsan ay may pagsubok. Kagaya ni Neneng na nagkaproblema sa kanyang asawang seloso at kagaya naman ni Nena na guminhawa ang buhay sa piling ng kanyang asawa. ”
SALAMAT SA PAKIKINIG NAWA’Y ITONG AKING INIULAT AY KAPULUTAN NIYO NG ARAL!
- Slides: 22