ASPEKTO NG PANDIWA AY NAGPAPAKITA KUNG KALIAN NAGYARI, NANGYAYARI, O IPAGPAPATULOY PA ANG KILOS.
ANG PANDIWA ay salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigaybuhay sa isang lipon ng mga salita. Ito ay binubuo ng salitangugat at panlapi. Maaaring gumagamit ng isda o higit pang panlapi sa pagbuo ng salitang kilos na ito. Ang panlaping ginagamit sa mga pandiwa at tinatawag na panlaping makadiwa.
ASPEKTONG NAGANAP O PERPEKTO ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos. Halimabawa: Umalis Sa kani-kanilang mga bansa ang mga dayuhang negosyante. Pawatas Umalis Magnegosyo Bigyan Perpektibo umalis nagnegosyo binigyan
ASPEKTONG KATATAPOS nangangahulugan itong katatapos pa lamang ng kilos o pandiwa. Nabubuo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng panlaping ka at paguulit sa unang pantig ng isang salita. Ito ay nasa ilalim din ng aspektong perpektibo. Halimbawa: Pawatas Magbigay Mag-ayos Mag-usap Katatapos kabibigay kaaayos kauusap
ASPEKTONG NAGAGANAP O IMPERPEKTIBO ito ay nagsasaad ng ang inumpisahang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos. Halimbawa: Pawatas Magpasalamat Ipaalam ipinapaaalam Imperpektibo nagpapasalamat
ASPEKTONG MAGAGANAP O KONTEMPLATIBO ang kilos ay hindi pa nauumpisahan at gagawin pa lamang. Halimbawa: Pawatas Kontemplatibo Mabunga magbubunga Kumita kikita Kumilos kikilos