Ano ang simbolo nito para sa inyo Ano
Ano ang simbolo nito para sa inyo? Ano nitoparasasainyo? Anoang angsimbolo nito inyo?
Paglinang ng Talasalitaan
• Bumuo ng mga salita mula sa mga titk na nasa loob ng kahon na nagbibigay kahulugan sa mga salitang italisado. Gamitin pagkatapos sa pangungusap. 1. matinding pag-iimbot 2. magbabata ng hirap APSGKMAAKI IGSTMAITI 3. matatalos ang nangyari AMALAANLM 4. nararahuyo sa kayamanan HAINALANAH 5. nalipos ng kahirapan UPONAN 6. dumamay sa kapighatian GKLNAKUNTUA 7. ginawang katampalasan LATASKNKAI
Tamang Sagot APSGKMAAKI Pagkasakim IGSTMAITI Magtitiis AMALAANLM Malalaman HAINALANAH Nahahalina UPONAN Napuno GKLNAKUNTUA Kalungkutan LATASKNKAI Kataksilan
Ang Pag-Ibig Emilio Jacinto
Wala nang pinakamahalaga at pinakadakilang damdamin ng puso ng tao kundi ang pagibig na siyang susi ng kaligayahan at kapayapaan.
Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ang pag-ibig. Ang katwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang maykapal, ang kapwa-tao ay siya lamangyayaring maging sanhi ng pag-ibig, siya lamang makapagpapabukal sa loob ng tunay at banal na pagibig. Kung ang masama at matuwid ay ninanasa rin ng loob, hindi ang pag-ibig ang siyang may udyok kundi ang kapalaluan at kasakiman.
Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal, at karang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon ng kahoy na niluoy ang init at tinangay ng hanging mabilis.
Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi yaong makaaakay sa tao sa mga dakilang gawa sukdang ikawala ng buhay sampu ng kaginhawahan. Ngunit ang kasakiman at katampalasanan ay nagaanyo ring pag-ibig kung minsan, at kung magkagayon na ay libu-libong mararawal na kapakinabangan ang nakakapalit ng kapatak na pagkakawanggawa na nagiging tabing pa mandin ng kalupitan at ng masakim na pag-iimbot. Sa aba ng mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag-ibig.
Ang pag-ibig – wala na kundi ang pag-ibig na tanging binabalungan ng matamis na alaala sa nagdaan at ng pagasa naman sa darating. Sa malawak na dagat ng ating kahirapan at pagkadusta, ang pagibig ay siyang nagiging dahilan lamang kung kaya natin minamahal pa ang buhay.
Kung ang magulang ay walang pagibig sa anak, sino ang mababatang mag-iiwi sa mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili lamang nila? Kung anak kaya naman ay walang pag-ibig sa magulang, sino ang magiging alalay sa tungkod ng katandaan? Ang kamatayan ay lalo pang matamis kaysa buhay para sa matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang pagod na ng mata at wala nang malingapang mag-aakay at makaaaliw sa kaniyang kahinaan.
Ang pagkahabag sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran hanggang sa tayo’y mahikayat na sila’y bahaginan ng kaunting kaluwagan, ang ating pagtatanggol sa naaapi hanggang isapanganib at idamay natin ang ating buhay; ang pagkakawanggawa sa lahat kung tunay na umusbong sa puso, alin kaya ang pinagbuhatan kundi ang pag-ibig?
Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubuga kundi ang tunay na ligaya at kaginhawahan. Kailanpama’t sapin-sapin ang dusang pinapasan ng bayani, at ang kanyang buhay ay nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagka’t hindi ang tunay na pag-ibig ang naghahari kundi ang taksil na pita sa yama’t bulaang karangalan. Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng wagas at taimtim na pag-ibig.
Sa pag-ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkakaisang magbibigay ng dimaihahapay na lakas na kailangan sa pagsasanggalang ng matuwid. Sa aba ng mga bayan hindi pinamamahayan ng pagibig at binubulag ng hamak na pagsasarili. Ang masasama ay walang ibang ninanasa kundi ang ganitong kalagayan. Gumagawa ng daan tungo sa pag-aalitan, kaguluhan, pagtataniman at pagpapatayan sapagka’t kinakailangan ng kanilang kasamaan. Ang hangarin nila ay mapagbuklod-buklod ang mga mamamayan, upang kung mahina na at dukha sa pagiiringan, sila ay makapagpapasasa sa kanilang kahinaan at karupukan.
Oh! Sino ang makapagsasaysay ng mga himalang gawa ng pag-ibig? Ang pagkakaisa ng siyang kauna-unahang bunga niya ay siyang lakas at kabuhayan, at kung nagkakaisa na’t nagiibigan ang lalong malalaking hirap ay nagiging magaang pasanin, at ang munting ligaya’y matimyas na nalalasap. Kung bakit nangyayari ang ganito ay hindi matatalos ng mga pusong hindi nakadarama ng tunay na pag-ibig. At upang makapagkilalang magaling na ang pag-ibig ay siya ngang susi at mutya ng papayapaan at ligaya, ikaw na bumabasa nito, mapagnanakawan mo kaya; mapagdadayaan o matatampalasan mo kaya ang iyong ina’t mga kapatid? Hindi, pagka’t sila’y iyong iniibig, at sa halip ay dadamayan mo ng iyong dugo at sampung buhay kung sila’y nakikitang naaapi ng iba.
Gayundin naman, kung ang lahat ay mag-iibigan at magpapalagayang tunay na magkakapatid, mawawala ang lahat ng pagaapihan na nagbibigay ng madlang pasakit at di-mabatang mga kapaitan.
Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang magagandang akala. Ipalalagay na may tapat na nais, at tatawaging marurunong ang mabuting magparaan upang magtamasa sa dagta ng iba, at ituturing na hangal yaong marunong dumamay sa kapighatian at pagkaapi ng kaniyang mga kapatid.
Maling mga isip at ligaw na loob ang manambitan sa mga hirap ng tao sa inaakalang walang katapusan. Sukat ang matutong magmahal at manariwang muli sa mga puso ang wagas na pag-ibig sa kapwa, at ang tinatawag na bayan ng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso.
Talakayan 1. Ayon sa sanaysay , anu-ano ang maaaring maging dahilan ng wagas at tunay na pag-ibig? Ipaliwanag ang bawat isa sa pamamagitan ng halimbawa sa tunay na buhay. 2. Sa anu-anong pagkakataon-nagaanyong pag-ibig ang kasakiman at kataksilan? 3. Sinu-sinong tao ang maaaring gumawa noon sa ating lipunan? Bakit? 4. Sa inyong palagay, anu-ano ang maaaring ibunga ng kawalan ng pag-ibig na umiiral sa sumusunod? a. sa isang pamilya c. sa kapwa bansa b. sa magkababayan d. sa sandaigdigan 5. Ano ang layunin ng may akda sa pagsulat niya ng sanaysay? 6. Natupad kaya ang kanyang layunin? 7. Ano ang sarili mong pakahulugan sa tunay na pag-ibig? 8. Paano mo ipinadadama ang pag-ibig mo sa iyong mga magulang, kapatid, kaibigan at iba pang mahal sa buhay? 9. Alin ang higit na mahalaga sa kasalukuyan, ang pag-ibig na ang bunga’y kapayapan o ang pag-ibig na ang bunga’y kasaganaan?
Pangkatang Gawain Sumulat ng isang paglalahad tungkol sa sumusunod na mga paksa. ** Unang Pangkat - Tunay na kapayapaan ** Ikalawang- Pangkat - Ang Tunay na pag-ibig ** Ikatlong-pangkat – Ang pagkakaisa ay pag-ibig ** Ika-apat na pangkat – Pag-ibig, Susi ng kaligayahan
PAGLALAPAT: Panuto: Basahin ang sumusunod na pamantayang hango sa Banal na Kasulatan na may kaugnayan sa diwa ng sanaysay na binasa. Isulat ang sariling pagpapakahulugan dito Ang pag-ibig ay matiyaga at magandangloob, hindi nananaghili, nagmamapuri o nagmamataas, hindi magaspang paguugali, hindi makasarili, hindi magagalitin o mapagtanim sa kapwa. Hindi nito ikinatutuwa ang gawang masama ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagbata, mapagtiwala, puno ng pag-asa at nagtitiyaga hanggang wakas
Gawaing Bahay Pangatwiranan: Alin ang higit na mahalaga Ang sa kasalukuyan, ang pag-ibig na ang bunga’y kapayapaan o ang pag-ibig na ang bunga’y kasaganaan.
Maraming Salamat !
- Slides: 23