Ano ang mga Basic Ecclesial Communities BEC 1
Ano ang mga Basic Ecclesial Communities (BEC) 1
Ayon sa pagkakasunod-sunod ng kataga (Nomenclature) Basic Batayan Pangunahin Simula Ugat Munti maliit Bilang Lugar sa lipunan 2
Ecclesial Pagiging Simbahan Gw. 2: 42 -47 Gw. 4: 33 -35 3
Nanatiling tapat sa turo ng mga Apostol rel asy on g i b i g a P a s a g a P Ma Pan saya ng ala Pag ngin diri at w ng buh ang ay Nakasentro kay Kristo ang kanilang buhay 4
Community = Pamayanan Isang tukoy na lugar kung saan naninirahan at itinataguyod ang buhay ng nilalang kapitbahayan 5
Sa pagsusuma, ang BEC ay Mga maliliit na Pulutong ng organisadong Pamilyang magkakapitbahay na nagsisikap magsabuhay ng pagiging simbahan. 6
Gw. 2: 42 -47 Nanatili sila sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama bilang magkakapatid, sa pagpipiraso ng tinapay at sa pananalangin. Dahil sa maraming himalang nagawa sa pamamagitan ng mga apostol, naghari sa lahat ang magkahalong pitagan at takot. At nagsasama-sama ang lahat ng sumasampalataya at para sa lahat ang kanilang ari-arian. Ipinagbibili nila ito at ang pinagbilhan ay ipinamamahagi sa lahat ayon sa pangangailangan ng bawat isa. Araw-araw, sila’y nagkakatipon sa kanilang tahanan at nagsasalusalong masaya ang kalooban. Nagpupuri sila sa Diyos at kinalulugdan ng lahat ng tao. Bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas. 7
Gw. 4: 33 -35 Nagkaisa ang damdami’t isipan ng lahat ng sumasampalataya at di tinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. Ang mga apostol ay patuloy na gumagawa ng kababalaghan at nagpapatotoo sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus. At ibinuhos ng Diyos ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat. Walang nagdarahop sa kanila, sapagkat ipinagbibili nila ang kanilang lupa o bahay at ang pinagbilhan ay ibinigibay sa mga apostol. Ipinamamahagi naman ito ayon sa pangangailangan ng bawat isa 8
Nagkaisa sa isip at damdamin kap ati ran Kumikilos t i k a s a l a M n a n i g a h Ba Organisado Pan ala ngi n Mulat Nanatiling tapat sa turo ng apostol 9
Mula sa Redemptoris Mission n. 51 E Pulutong ng mga Kristiyano E Karaniwang mga pamilya E Nakabuklod upang manalangin, magnilay ng salita ng Diyos, sama-samang nag-aaral ng mga katuruan ng simbahan at nagtatalakayan tungkol sa mga matitingkad na isyung nakaaapekto sa tao at simbahan. 10
Mula sa Redemptoris Mission n. 51 E Isinasalin sa pagkilos at paglilingkod ang bunga ng mga talakayan at aralan para sa kabutihan ng lahat. E Ang mga pamayanang ito ay nagiging tanda ng muling paglakas ng simbahan E Instrumento o pagkakataon para sa paghuhubog at pangangatawan sa ebanghelisasyon E Simula ng pagbabago at paglakas ng lipunan – sibilisasyon ng Pag-ibig 11
Mula sa PCP II #138, 139 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. Maliit na pulutong Pamilya Magkakapitbahay Magkakakilala ang mga kasapi Pinamumunuan ng Layko Kaisa ng kura paroko Regular na natitipon sa gitna ng Salita ng Diyos at ng Eukaristiya 8. Nagbabahaginan hindi lamang spiritual kundi maging materyal na alalahanin 12
Mula sa PCP II #138, 139 9. Pinapag-iisa ang pang-araw na pamumuhay at ang pananampalataya 10. Patuloy na tumataas ang kamalayan dahil sa regular na katesismo na nagsisilbi nilang gabay 11. Mayroon silang matinding pagdama sa pagiging kabilang at sa pananagutan sa isa’t isa 12. Sama-samang kumikilos para sa katarungan at tungo sa isang masiglang pagdiriwang ng buhay at liturhiya. 13
Basic Ecclesial Communities • Bagong Paraan ng Pagiging ng Simbahan • • Wastong Lugar ng Ebanghelisasyon Binhi sa pagpapanibago ng lipunan 14
ati kap n a agin ran Bagong Paraan ng Pagiging Simbahan bah t i k sa la a m gin Gawa 4: 33 - 35 lan na pa Gawa 2: 42 - 47 15
Tayo ang simbahan – Tayo ang may mission Tayo ang magsasagawa/magsasakongkreto ng misyon. ebanghelisasyon Paghahatid ng Mabuting Balita BEC tamang Lugar ng Ebanghelisasyon ? Kaligtasan at paglaya Pag-ibig 16
M ula t k a n b a k u s o l i ik m u k d lo M na ali pa naw na na w 17
Ang BEC ay hindi dapat na tingnang dulo ng pagsisikap, mawawala ang katangian nito bilang lebadura kung lalagyan ito ng hangganan. Ang mithiin ng BEC ay matikman ang patikim na paghahari ng Diyos.
Layunin sa pagbubuklod ng mga BEC na: Lumikha ng pagkakataon upang: Ø Ipamuhay ng makahulugan at makabuluhan ang kanilang pananampalataya (Diyos, Tao, Simbahan, Kasalanan, Kaligtasan at Daigdig)(Vision) Ø Magkaroon ng daan ang sama-samang pagkilos at malalim na pagsasamahan ng mga kaanib. (Misyon) 19
Layunin sa pagbubuklod ng mga Munting Pamayanang Kristiyano Ø Magbukas ng daan tungo sa pagtutulugan at pagmamalasakitan sa loob at labas ang organisadong pulutong Ø Sama-samang pamamahala at pagpapaunlad ng simbahan sa kanyang paglalakbay Ø Linawin ang hamon sa mas malaking pakikilahok sa pagtugon upang tulungan ang lipunan sa kanyang pagpapalakas at pagpapanibago Pagsasabuhay o pagsasakongkreto ng misyon 20
1. Liturgical BEC Ang mga BEC na ito ay nagbibigay ng tuon sa mga gawaing pangliturhiya, tulad ng: 1. Block rosary, Bible sharing, prusisyon 2. Mga napapanhong pagdiriwang ng mga okasyong tulad ng panahon ng kwaresma , adbiyento at iba pang mga selebrasyong katoliko 3. Pagpapanibago at pagsasapanahon ng mga pagdiriwang ng misa at pagsasagawa ng iba pang sakramento 4. Kadalsan umiinog ang buhay ng mga BEC sa mga gawaing pangsimbahan 5. Pagpapalahok sa mga layko sa mga paglilingkod ng parokya 21
2. Developmental BEC a) Binibigyan ng pansin ang kaunlarang pang-ekonomiya ng mga mananampalataya. Halimbawa dito ang: pagtatayo ng ibat ibang uri ng kooperatiba b) Pagtutulungan para sa pagpapadaloy ng patubig c) Pagtutulungan para sa pagbili ng kanilang bangka at iba pang gamit pangkabuhayan. Binibigyan pansin ang mga ito, ngunit higit na pinahahalagahan nila ang kanilang pagkakabuklod upang tugunan ang kanilang magkakatulad na interes Ngunit dahil ito ay pagiging simbahan, hindi nalilimutan ng mga organisadong grupong ito na salaminin ang kanilang pagkilos sa liwanag ng mga Salita ng Diyos 22
3. Liberational BEC Ito ang mga BEC na nagbibigay na kiling sa mga usaping kinahaharap ng lipunan o lokal na kalagayan. Ilan sa mga binbigyan pansin ng mga ganitong uri ng BEC ay ang mga sumusunod a. Pakikilahok sa mga pagkilos ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang sektor b. Pagbubuklod upang upaglabang karapatan, tulad ng paninirahan sa paninirahan c. Pakikiisa sa mga adbokasiya ng mga kaalyadong organisasyon. Tulad ng mga naunang tipo ng BEC. Pinahahalagahan din ang mga pagkkilos ayon sa liwanag ng Salita ng Diyos 23
Ang mga BEC ay: A. Pamayanang kinakikitahan ng aktibong pakikilahok at pagsasabuhay ng misyon Ø Pamayanan ng pananalig, pagmamahalan Ø Pamayanan ng misyon na nakabatay sa gawi ng mga apostol
Ø Nagbibigay ng pagkakataon upang sama -samang makibahagi at magsabuhay ng pagkilos at katangian ng pagiging simbahan Ø Nagbibigay ng pagkakataon upang mga maralita, mahihina at walang kapangyarihan ay madama ang kanilang pagiging bahagi ng simbahan Ø Kongkretong pagpapatotoo ng pagtitipong liturhikal
B. Pamayanang nakikinig at nagpapahayag ng mabuting balita • Sentro ng pagpapahayag ng Mabuting Balita C. Isang permanenteng pamayanan at hindi binuklod upang tumugon lamang sa mga pansamantalang pangangailangan.
D. Pamayanang modelo ng simbahan bilang isang angkan • Angkan ng Diyos – kapatiran ng lahat • Relasyon bilang isang malaking pamilya sa pamayanan • Talikuran ang pagiging mapagkunwari at makasariling katangian • Pagsisikap namaging misyunero para sa iba
Ang mga Hindi BEC 1. Hindi simpleng pagtitipon upang magdaos ng pulong o pagtitipon, mag-usap, manalangin at gumawa. – Ang pinakadiwa nito ay pagsasanib lakas nito at pakikibahagi sa buhay ng Diyos sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagkakapatiran.
2. Hindi lamang protest group 3. Hindi tanging grupong tagapagligtas o messianic group 4. Hindi simpleng discussion group, prayer meeting group, o support group. 5. Hindi organisasyong paglilingkod o samahang nagpapabanal
Ang mga Hindi BEC Ang BEC ay hindi himala upang bakahin ang lahat ng mga kasamaan sa lipunan at simbahan. • Mayroong limitasyon at mga pagkukulang • Hindi ligtas sa pagkakamali at mga kasalanan. Dapat na laging nagsusuri at nagpapanibago
Ang BEC ay hindi dapat na tingnang dulo ng pagsisikap, mawawala ang katangian nito bilang lebadura kung lalagyan ito ng hangganan. Ang mithiin ng BEC ay matikman ang patikim na paghahari ng Diyos.
Saligang paninindigan sa pagsusulong ng matatag na BEC 1. 2. 3. 4. Natatanging pagkiling sa mga dukha Pagdanas sa realidad ng buhay Masusing pagsusuri ng realidad Pagninilay ng pananampalataya sa liwanag ng realidad 5. Pagpaplano at Pagkilos na nakabatay sa realidad
Tatlong pangunahing SULIRANIN sa pagsusulong ng BEC 1. Hindi gagap ng tagapagsulong (layko man o pari) ang katuturan ng BEC at ang papel nito sa pangkalahatang misyon ng Simbahan.
Katuturan ng BEC Ø Bagong paraan ng pagiging Simbahan Ø Binhi sa pagpapanibago ng lipunan Ø Wastong lugar para sa ebanghelisasyon Ø Patikim ng paghahari ng Diyos
Ø Daluyan ng kolektibong kamalayan ng pagiging simbahan Ø Pagkakataon upang isulong ang pakikilahok ng mga mananampalataya sa gawain at paglilingkod ng Simbahan Ø Pagkakataon upang ipahayag ang kongkretong katangian ng pagiging tagasunod ni Kristo – ang pag-iibigan.
2. Hindi alam kung paano sisimulan ang gawaing pagbubuklod, kung paano pamamahalaan at pauunlarin ang mga BEC.
Ang mga pamamaraan – Maraming naririnig na paraan ng pagsusulong hal. : paraan sa rural, mga pamamaraan ng iba’t ibang institusyon (SPI, DC, Lumko, CO) – Maraming BEC na nagsimula ng Block Rosary, Bible Sharing Group at hindi na nakaahon sa ganitong uri ng pagkilos.
– Nakatuon sa mga gawaing liturhiya ang mga pagkilos sa halip na isabuhay ang kabuuang katangian ng pagiging simbahan batay sa karanasan ng mga unang mananampalataya (nag-uugat sa katapatan sa turo ng mga apostol, pagtuturingan bilang magkakapatid, pagmamalasakitan, pagbibigayan at pagdiriwang ng buhay.
3. Di-sapat na kakayanan ng layko at maling pagtatalaga ng tagapagsulong
a. Kulang sa kaalaman, kasanayan at wastong pagpapahalaga ang mga laykong inaasahang tutulong sa pagsusulong b. Takot na magsulong ng pagpapanibago dahil na rin sa takot na mawalan ng papel sa parokya c. Hindi na-imomodelo ng mga tagapagsulong ang mukha ng BEC sa istilo at relasyong pangunahing mukha ng BEC.
v. Ang tatlong pangunahing dahilang ito ay mabigat na salik kung bakit hindi sumusulong, dumarami at tumitibay ang mga nabuong BEC. Ito ang dahilan kung bakit matamlay ang pagsusulong ng BEC sa pangkalahatan. ØMaganda at malaking tulong sana ang BEC sa pagsasakongkreto ng Pananaw, layunin at mga hinahangad ng Simbahan kung makikita ang yaman at lakas na taglay ng mga organisadong BEC.
Ilang Halimbawa ng mga pagkilos ng BEC 1. Sama samang pagdiriwang ng liturhiya • • Bible sharing Area Mass Block rosary Novena Prusisyon Panalangin sa patay At iba pang samang pananalangin at pagsamba
2. Pagtataas ng kamalayan at kakayahan. • Pag-aaral ng mga katuruang panlipunan ng simbahan • Katekesis ng pananampalatayang Kristiyano • Patuloy na pagpapalalim ng kaalaman, kasanayan at mga pagpapahalaga sa BEC 44
3 Pagtutulungan sa pagpapaunlad ng kabuhayan • Proyektong pangkabuhayan • Pagninilay at pakikilahok sa mga matitingkad na isyung kultural, pulitikal at pangkabuhayan • Pagharap sa mga suliraning tulad ng demolisyon • Pagtatayo ng kooperatiba at iba pang pagkilos na tulad nito • Scholarship 45
4. Kapatiran, Pagmamalasakitan at pagtutulungan • Pagdalaw sa mga maysakit at pagtutulungan sa gastusin • Abuluyan • Sama-samang pagkilos sa mga gawaing pangkapitbahayan. • Sosyalisasyon na makapagpapalalim ng kapatiran ng mga kaanib. (birthday, anniversaries, atbp. • Pakikipagkaisa sa mga isinusulong ng iba’t ibang sektor 46
Mga Katangian at Paninindigang Dapat Taglay ng Tagapagbuklod. 1. Gagap ang layunin, tunguhin, papel, tungkulin, katangian mga gawain at pagkilos ng BEC 2. Bukas sa bagong kaisipan at hindi kinamulatang pamamaraan 3. Kakayanang umabot sa anumang kalagayan ng mga taong nilalayong buklurin 4. Kakayanang magturo sa pamamagitan ng salita, gawa at halimbawa
Mga Katangian at Paninindigang Dapat Taglay ng Tagapagbuklod 5. May matinding pagpapahalaga sa panahon – oras 6. Magalang 7. Mahusay magpakita ng pagsang-ayon at pakikiisa sa kapwa 8. Mahusay sa gawaing pagpapadaloy 9. May panahong magsuma at magnilay ng kanyang mga kilos 10. Umaasa gabay ng diwang banal at marunong manalangin 48
Paninindigan ng Tagapagbuklod v Buhay na nakasentro sa Diyos at may mataas na pagpapahalaga sa tao v Naninindigan sa kanyang pananampalataya at pinaniniwalaan v Ganap na pagtitiwala sa kakayahan ng tao v May mataas na pagpapahalaga sa pagaaral at paggampan ng gawain v Tunay na disiplinadong tao v Malakas ang fighting spirit
PAGSUSUMA Ø Bilang mga mulat na mananampalataya kailangang maging mapagmatyag sa palatandaan ng panahon Ø Bukas at taglay ang tapang na harapin ang hamon ng pagpapanibago at pagsasapanahon Ø Kahandaang talikuran ang dating gawi at harapin ang napapanahon at kongkretong pangangatawan sa pag-ibig ng Lumikha 50
Isulong ang pagpapanibago ng simbahan, isulong ang BEC – ang bagong paraan ng pagiging simbahan v Ang mga pamayanang ito ay nagiging tanda ng muling paglakas ng simbahan v Magsisilbing asin, ilaw at lebadura ng ating mga parokya v Pagkakataon at angkop na lugar para sa dalisay na paghahatid ng Mabuting Balita – ang walang hanggang Pag-ibig ng Diyos – ang Kaligtasan at Kaginhawahan. 51
- Slides: 51