ANG SIGAW NG MGA PROPETA Liksyon 5 para

  • Slides: 8
Download presentation
ANG SIGAW NG MGA PROPETA Liksyon 5 para sa ika-3 ng Agusto, 2019

ANG SIGAW NG MGA PROPETA Liksyon 5 para sa ika-3 ng Agusto, 2019

Ang mga propeta sa Lumang Tipan ay tagapagsalita ng Dios, na kumukundina sa malungkot

Ang mga propeta sa Lumang Tipan ay tagapagsalita ng Dios, na kumukundina sa malungkot na kalagayan ng Israel. Inaapi ng Israel ang mahihirap sa halip na gumawa ng matuwid. May kaguluhan sa halip na kapayapaan. Pinagmamalaki nila ang kanilang krimen sa halip na lunukin ang kayabangan at humingi ng kapatawaran. Ipinahayag din ng mga propeta at lungkot ng Dios dahil sa kawalan nila ng hustisya. Ipinaliwanag nila ang mungkahi ng Dios upang maibalik ang hustisya. Nagdurusa ang Dios dahil sa kawalan ng hustisya Nananawagan ang Dios tungo sa pagsisisi Humihiling ang Dios ng hustisya at nagpapatawad ng kasalanan Nagbibigay ang Dios ng ikalawang pagkakataon Ibinabalik ng Dios ang hustisya

NAGDURUSA ANG DIOS DAHIL SA KAWALAN NG HUSTISYA “Ngayon nga'y dinggin mo ang kanilang

NAGDURUSA ANG DIOS DAHIL SA KAWALAN NG HUSTISYA “Ngayon nga'y dinggin mo ang kanilang tinig: gayon ma'y tatanggi kang mainam sa kanila, at ipakikilala mo sa kanila ang paraan ng hari na maghahari sa kanila. ” (1 Samuel 8: 9) Pinili ng Israel na palitan ang pamumuno ng Dios ng pamumuno ng tao gaya ng ibang bansa. Nagpadala ang Dios ng propeta upang balaan sila tungkol sa kahahantungan ng kanilang desisyon. Kung gusto nilang maging kagaya ng ibang bansa, hindi tatagal ay kikilos na rin silang gaya nila. Magiging madaya na sila, samantalahin ang mga mahihirap, at Nalungkot ang Dios dahil sa dinanas ng mawawalan na sila ng konsensya. mga Israelita mataposna iwan nila Siya. Ang mensahe ng mga propeta ay naghahayag ng kalungkutang ito. Nagpapakita rin ang kanilang mga mensahe ng panawagan ng Dios upang ibalik ang hustisya, alisin ang pang-aapi at pahupain ang sakit ng mga tao sa ating palibot.

NANANAWAGAN ANG DIOS TUNGO SA PAGSISISI “Ganito ang sabi ng Panginoon, Dahil sa tatlong

NANANAWAGAN ANG DIOS TUNGO SA PAGSISISI “Ganito ang sabi ng Panginoon, Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Israel, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't kanilang ipinagbili ang matuwid dahil sa pilak, at ang mapagkailangan sa dalawang panyapak. ”(Amos 2: 6) Nagsimula ang mensahe ni Amos sa paghayag ng parusa ng Dios sa mga bansa dahil sa kanilang mga kasamaan (1: 3 -2: 3). Tinanggap ng mga Israelita ang kanyang balita, kahit ito’y kumokondina sa Juda sa pagtanggi sa Dios at pagsuway sa Kanyang mga Utos (2: 4 -5). Gayunman, ang Israel ang may pinakamahabang talaan ng kasalanan at may pinakamatindingkaparusahan: pagkamakasarili, kasakiman, pananamantala sa mahihina, imoralidad, pang-aapi (2: 6 -16). Tinatawagan ng Dios ang Kanyang bayan na magsisi at tuluyang baguhin ang kanilang ugali: “kapootan ang masama, at ibigin ang mabuti, at kayo'y mangagtatatag ng kahatulan sa pintuang-bayan. ” (Amos 5: 15)

“Siya'y muling magtataglay ng habag sa atin; kaniyang yayapakan ang ating kasamaan: at kaniyang

“Siya'y muling magtataglay ng habag sa atin; kaniyang yayapakan ang ating kasamaan: at kaniyang ihahagis ang lahat nilang kasalanan sa mga kalaliman ng dagat. ”(Micas 7: 19) Pagharang sa hustisya, karahasan, panunuhol, pagpapalayas sa mga balo, pang-aabuso sa mga bata. Binabalatan ng mga Prinsipe ang mga tao. Matakaw na mga pari. Mga propetang naghuhula para sa pera. Ganito ang kalagayan ng Juda sa paghahari ni Ahaz. Handa siyang magpatawad kung tapat tayong nagsisisi sa ating mga kasalanan. Umaasa din Siya ng malinaw na pagbabago sa ating ugali: “gumawa na may kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Dios. ” (Micas Gayunman, hindi iniwan ng Dios ang Kanyang bayan sa kabila ng kanilang kasalanan. Hindi rin Niya tayo iniiwan.

NAGBIBIGAY ANG DIOS NG IKALAWANG PAGKAKATAON “Hindi ninyo pinalakas ang payat, o inyo mang

NAGBIBIGAY ANG DIOS NG IKALAWANG PAGKAKATAON “Hindi ninyo pinalakas ang payat, o inyo mang pinagaling ang may sakit, o inyo ma tinalian ang may bali, o inyo mang ibinalik ang iniligaw, o inyo mang hinanap ang nawala; kundi inyong pinagpunuang may karahasan at may kahigpitan. ” (Ezekiel 34: 4) Ipinakita ni Ezekiel ang ugat ng kasalanan ng Sodoma: yabang, komportableng ekonomiya at katamaran. Nagdulot ito sa pagpapabaya sa mga nahihirapan at nangangailangan (Ezekiel 16: 49). Sinundan ng Juda ang mga hakbang ng Sodoma. Kumalat ang pag-aapi sa buong lupain, dahil bawat isa ay naghahanap para sa sarili (Ezekiel 34: 2 -21). Nangako ang Dios na paparusahan ang ugaling ito. Nagbigay Siya ng halimbawa kung paano mamuhay ang tunay ng pastor (Ezekiel 34: 22 -31; John 10: 1 -16). Gayunpman, lagi Siyang nagbibigay ng ikalawang pagkakataon (Ezekiel 16: 55).

IBINABALIK NG DIOS ANG HUSTISYA “Mangatuto kayong magsigawa ng mabuti; inyong hanapin ang kahatulan,

IBINABALIK NG DIOS ANG HUSTISYA “Mangatuto kayong magsigawa ng mabuti; inyong hanapin ang kahatulan, inyong saklolohan ang napipighati, inyong hatulan ang ulila, ipagsanggalang ninyo ang babaing bao. . ” (Isaias 1: 17) Sa mga unang taon ng paglilingkod ni Isaias, nakaharap agad siya ng mahihirap na problema sa kanyang palibot: karahasan, kasamaan, panunuhol, paghamak sa mga ulila at balo, pagkamkam ng lupa… Handang magpatawad ang Dios, at umaasa Siya ng pagbabago ng ugali (1: 6 -8). ng hustisya ay darating Gayunpaman, ang huling pagsasauli sa pamamagitan ng direktang pakikilahok ng Dios sa pamamagitan ng Mesias, si Jesus ng Nazaret (42: 1 -7; 53: 46). Ibabalik niya sa huli ang Kaharian ng Dios sa Lupa. Magdadala Siya ng hustisya, awa, kagalingan, at pagpapanumbalik.

EGW (Gospel Workers, section 11, p. 500) “Habang mga nagkakaisa sa Kristianong kapulungan ay

EGW (Gospel Workers, section 11, p. 500) “Habang mga nagkakaisa sa Kristianong kapulungan ay nananalangin sa Dios, at magtalaga ng kanilang sarili na gumawa na may kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at lumakad na may kababaan na kasama ng Dios, dakilang pagpapala ang darating sa kanila. Kung nagkasala sila sa iba, nagpapatuloy sila sa pagsisisi, pagkukumpisal, at pagsasauli, nakahandang gawin ang mabuti sa isa’t-isa. Ito ang pagtupad sa kautusan ni Kristo. ”