ANG PITONG SELYO Liksyon 5 para sa ika2

  • Slides: 10
Download presentation
ANG PITONG SELYO Liksyon 5 para sa ika-2 ng Pebrero, 2019

ANG PITONG SELYO Liksyon 5 para sa ika-2 ng Pebrero, 2019

Ang mensahe ng mga selyo ay balangkas ng kasaysayan ng iglesia mula sa pasimula

Ang mensahe ng mga selyo ay balangkas ng kasaysayan ng iglesia mula sa pasimula hanggang sa Ikalawang Pagparito. Ang mga selyo ay sumusunod sa parehong modelo ng kasaysayan na ginamit ni Jesus sa Mateo 24. 24 MATEO APOCALIPSIS 6 Unang mga tanda (4 -14) Ang paghihirap (21 -22) Digmaan at bali-balita ng digmaan, kagutom, salot, naipangaral ang ebanghelyo Naipangaral ang ebanghelyo, espada, kagutom, mga salot Apat na mangangabayo (6: 1 -8) Ang mga tao sa ilalim ng altar ay nagreklamo Ang Dakilang Paghihirap tungkol sa kanilang pagdurusa Ikalimang selyo (6: 9 -11) Mga tanda sa langit (29) Ang araw, buwan, mga bituin at ang kapangyarihan ng kalangitan Mga tanda sa Araw, Buwan, mga bituib at ang kalangitan Nagpakita ang Anak ng Tao (30) Isang tanda sa himpapawid, mga pagluksa sa Lupa Tatago ang mga tao mula sa galit ng Kordero Ikaanim na selyo (6: 12 -17)

Buhay na nilalang Kabayo Mangangabayo Ibinigay Una Puti May pana Isang korona 1 -2

Buhay na nilalang Kabayo Mangangabayo Ibinigay Una Puti May pana Isang korona 1 -2 v. 31 -100 Pula 3 -4 Ikalawa Itim 5 -6 Ikatlo Ikaapat 7 -8 Time period (AD) Maputla Pinahintulutang kuhanin ang kapayapaan sa lupa May pares ng timbangan sa kamay Ang kanyang pangalan ay kamatayan, at sumusunod sa kanya ang libingan Isang Dakilang espada 100 -313 Panuto sa presyo ng pagkain 313 -538 Kapangyarihan sa sangkapat ng lupa, na pumatay gamit ay espada, gutom, kamatayan, at ng mga hayop sa lupa 538 -1517

“At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay

“At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay may isang busog; at binigyan siya ng isang putong: at siya'y yumaong nagtatagumpay, at upang magtagumpay. ” (Apocalipsis 6: 2) Nabuksan ang unang selyo, at nakita ni Juan ang dalisay na (puting) kabayo. Ang mangangabayo ay nagwawasiwas ng pangmalayuang sandata (pana) at matagumpay (korona). Itong kabayo ay kumakatawan sa naunang Iglesia. Ang naunang Iglesia ay tumanggap ng kapangyarihan sa Pentecostes at “humayong nananakop at sasakupin. ” Tanging 30 taon matapos mamatay si Jesus, Sinabi ni Pablo na ang Ebanghelyo ay “naipangaral sa bawat nilalang sa ilalim ng langit. ” (Colosas 1: 23)

ANG IKALAWANG SELYO “At may lumabas na ibang kabayo, na kabayong mapula: at ang

ANG IKALAWANG SELYO “At may lumabas na ibang kabayo, na kabayong mapula: at ang nakasakay dito, ay pinagkaloobang magalis sa lupa ng kapayapaan, at upang mangagpatayan ang isa't isa: at binigyan siya ng isang malaking tabak. ”(Apocalipsis 6: 4) Hinulaan ni Jesus na haharapin ng Ebanghelyo ang oposisyon mula sa kapangyarihan ng masama (Mateo 10: 34). Inusig ng Imperio ng Roma ang mga Kristiano at nagpadanak ng dugo sa maraming martir mula noong ikalawang siglo. Matindi ang pag-uusig sa paghahari nina Diocletian, Maximian, Galerius at Constantius. Natapos ang yugtong iyon nang ipatigil ni Constantius ang pag-uusig.

ANG IKATLONG SELYO “At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maitim; at yaong

ANG IKATLONG SELYO “At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maitim; at yaong nakasakay dito ay may isang timbangan sa kaniyang kamay. At narinig ko ang gaya ng isang tinig sa gitna ng apat na nilalang na buhay na nagsasabi, Sa isang denario ay isang takal na trigo, at sa isang denario ay tatlong takal na sebada; at huwag mong ipahamak ang langis at ang alak. ’” (Apocalipsis 6: 5 -6) Ang itim ay kasalungat ng puti. Ang pagkadalisay ng Ebanghelyo ng puting kabayo ay nadungisan sa pagitan ng 313 AD at 538 AD. Kagutom at kahirapan ang sisira sa mga manggagawa kung ang halaga ng 1 litrong trigo ay katumbas ng isang araw na sahod. Ang Biblia ay inabandona na, at nagugutom ang mga tao sa Salita ng Dios (trigo at sebada). Ganunpaman, nagkakaloob parin ang Dios ng kaligtasan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu (langis) at ng dugo ni Jesus (alak).

ANG IKAAPAT NA SELYO “At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at

ANG IKAAPAT NA SELYO “At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa. ” (Apocalipsis 6: 8) Ang kulay ng kabayong ito ay gaya ng naaagnas na na bangkay. Simbolo ito ng espiritual na kamatayan bunga ng pagtalikod sa Biblia at sa mga prinsipyo ng Ebanghelyo. Kaparehong panahon ito sa mensahe sa iglesia ng Tiatira, isang iglesiang patay sa espiritual. Bagong parusa (kamatayan at mga hayop) ay idinagdag sa mga nauna (espada at kagutom). Marahil ito ay pagtangka ng Dios na gisingin ang Iglesia at patalikurin siya sa kanyang pagsuway (Levitico 26: 21 -41).

“At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng dambana

“At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila. ” (Apocalipsis 6: 9) Sa Templo, ang dugo ng mga biktima ay ibinubuhos sa altar na pinagsusunugan ng handog (Levitico 4: 25). Doon ay—pakahulugang—nakita ni Juan ang mga tao (kaluluwa, tingnan ang 1 K. 15: 29) na napatay ng Romanong Iglesia dahil sa kanilang pananampalataya. Tinuring na karapatdapat ang mga martir na iyon (tingnan ang Apoc. 3: 4) at siniguradong hindi sila kinalimutan ng Dios. Dapat silang maghintay ng ilang panahon hanggang mapagaralang mabuti ang bawat kaso at bumalik muli si Kristo “upang ibigay ang ganti sa bawat isa sang-ayon sa kanyang gawa. ” (Apoc. 22: 12) Sa sandaling iyon, mabubuhay muli sila at sasama sa “kanilang kapwa alipin at kanilang mga kapatid. ” ANG IKALIMANG SELYO

ANG IKAANIM NA SELYO “At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak,

ANG IKAANIM NA SELYO “At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo. ”(Apocalipsis 6: 12) Ang mga tanda na sinabi sa talatang ito ay natupad gaya ng eksaktong pagkakasunod sa listahan: 11/1/1755 The Lindol sa Lisbon 5/19/1780 Dilim mula alas 10 ng umaga 5/19/1780 Ang Buwan ay nagkulay nabahiran ng dugo 11/13/1833 Dakilang pagbuhos ng mga bulalakaw Tayo ay nabubuhay sa panahon ng ika-anim na selyo, hanggang malaman ng bawat tao ang katotohanan ng Ebanghelyo. Iyong mga tumatanggi sa katotohanan ay gugustuhing umalis sa presensya ng Kordero. “At sino ang makatatayo? ”

“Ang mundo ay namamatay dahil sa kakulangan ng ebanghelyo. Mayroon kagutom sa salita ng

“Ang mundo ay namamatay dahil sa kakulangan ng ebanghelyo. Mayroon kagutom sa salita ng Dios. Mayroong iilan na nangangaral ng salitang walang bahid ng tradisyon. Bagama’t mayroong Biblia ang tao, hindi nila natatanggap ang pagpapalang inilagay dito ng Dios para sa kanila. Tinatawagan ng Panginoon ang Kanyang mga alipin upang dalhin ang Kanyang mensahe sa mga tao. Ang salita ng walang hanggang buhay ay dapat maibigay sa mga napapahamak dahil sa kanilang mga kasalanan. ” E. G. W. (Christ’s Object Lessons, cp. 18, p. 228)