ANG PINAGMULAN AT LIKAS NG BIBLIA Liksyon 2
ANG PINAGMULAN AT LIKAS NG BIBLIA Liksyon 2 para sa ika-11 ng Abril, 2020
At dahil naman dito kami ay nangagpapasalamat na walang patid sa Dios, na nang inyong tanggapin sa amin ang salita na ipinangaral, sa makatuwid baga'y ang salita ng Dios, ay inyong tinanggap na hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi, ayon sa katotohanan, na salita ng Dios, na gumagawa naman sa inyo na nagsisisampalataya. ” (1 Tesalonica 2: 13) Ang Biblia ay sinulat ng mga tao. Gayunman, lagi nating sinasabi na ito’y Salita ng Dois, bakit? Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kanyang sarili? Paano isinulat ang Biblia? Paano natin ito ipapaliwanag ? Ang pahayag Ang inspirasyon Ang paraan ng pagsulat Ang salita Ang paliwanag
ANG PAHAYAG “Sapagka't hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo. ” (2 Pedro 1: 21) Inamin ng mga manunulat ng Biblia na sinulat nila kung ano ang “sinasabi ng Espiritu”, at hindi ang sarili nilang ideya (Apocalipsis 2: 7). Ginamit sila ng Dios upang ipakita ang plano Niya sa atin (Amos 3: 7). Ipinahayag Niya ang Kanyang sarili sa pamamagitan nila. Ang mga turo at payo sa Biblia ay ibinigay ng Dios, kaya sila’y maaasahan at totoo. Ang Biblia ay “mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran” (2 Timoteo 3: 16). Sa pagbabasa ng Biblia, natututunan natin kung paano ng Dios gusto na tayo ay mamuhay.
ANG INSPIRASYON “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan, ” (2 Timoteo 3: 16) Mayroong ganap na pagkakaisa mula sa Genesis tungo sa Apocalipsis. Nangyari lang ito dahilinudyukan ng Banal na Espiritu ang lahat na may akda ng Biblia. Gayunman, hindi kinasihan ang mga manunulat sa parehong paraan. Direktang pagkasi : Nagsasalita ang Dios, at nagsusulat ang propeta (Dt. 18: 18; Ez. 13: 18; Apoc. 14: 13). Pagkasi sa ideya : Ipinapahayag ng Dios ang ideya at sumusulat ang manunulat gamit ang kanilang sariling salita (hal. Kawikaan). Piniling pagkasi : Nagiimbestiga ang may akda, at ginagabayan sila ng Espiritu sa tamang batayan (Lucas 1: 3). Ito ang dahilan kung bakit ang Biblia ay magkakaibang aklat. Bawat may akda ay nagpapaliwanag sa katotohanan ng Dios sa magkaibang paraan.
“Ang Kasulatan ay ibinigay sa tao, hindi sa pamamagitan ng patuloy at walang putol na pagsasalita, ngunit pira-piraso sa pamamagitan ng magkakasunod na henerasyon, habang nakikita ng Dios ayon sa kanyang kaloob kung ano angkop na pagkakataong upang turuan ang tao sa iba’t-ibang panahon at magkakaibang lugar. Nagsulat ang mga tao habang sila ay inudyukan ng Banal na Espiritu. ” E. G. W. (Selected Messages, vol. 1, cp. 1, p. 19)
“Ganito ang sinasalita ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Iyong isulat sa isang aklat ang lahat ng mga salita na aking sinalita sa iyo. ’” (Jeremias 30: 2) Bakit gusto ng Dios na maisulat ang Kanyang mga salita? Ano ang bentahe ng naisulat na mensahe? Mas mahirap makalimutan ang iyong nabasa Maaari mong basahin ulet iyon at saulohin Ito ay mapepreserba Maaari itong kopyahin ng ilang beses Maraming tao ang makakabasa nito Maaari itong mabasa sa mga malayong lugar Tumatagal ito. Maari itong mabasa ng mga henerasyon sa hinaharap Salamat sa nasulat ng mensahe ng Kahit iyong mga hindi nakakabasa ay Dios, ngayon ay maaari nating makakarinig ng mensahe mula sa ibang malaman ang Kanyang kalooban at bumabasa nito ng malakas masunod ito.
ANG SALITA “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. ” (Juan 1: 1) Ipinakilala ni Juan si Jesus bilang Salita ng Dios na nagkatawang-tao. Mayroong pagkakapantay sa pagitan ni Kristo at ang Biblia. Pareho silang may supernatural na pinagmulan Pareho nilang pinagsama ang pagkadios at pagkatao Ang gawain ng dalawa ay sumasaklaw sa buong sangkataohan Pareho silang nanggaling sa natatanging sandal at kultura, ngunit ang kanilang gawain ay lampas pa sa panahon at lugar Pareho silang bumaba sa antas ng tao upang maunawaan natin ang kanilang mensahe May mga pagkakaiba din sa pagitan nila. Ang Biblia ay hindi Dios na nagbagong anyo, at hindi ito maaaring sambahin. Nagpapatotoo lang ito tungkol kay Jesus (Juan 5: 39).
“Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hind nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag, ” (2 Pedro 1: 20) Ang Biblia ay hindi dapat pinapag-aralan o ipinapaliwanag gaya ng ibang aklat. Halimbawa, sinusubukang ipaliwanag ng Higher Criticism ang Biblia sa paggamit ng balangkas ng gramatika at pagwaksi sa supernatural na bahagi. Kaya paano natin dapat ipaliwanag ang Biblia? Higit sa lahat, dapat nating alalahanin na iyon ay Salita ng Dios, kaya kailangan ang pananampalataya (Hebreo 11: 6). Inudyukan ng Banal na Espiritu ang mga manunulat ng Biblia, at dapat rin natin Siyang hayaan na udyukan tayo habang binabasa natin ito. Kaya, dapat manalangin tayo bago magbasa ng Biblia, hilingin ang pagkasi ng Banal na Espiritu upang maunawaan natin ito ng tama.
SALIGANG PANINIWALA NG MGA SEVENTH-DAY ADVENTIST Ang Banal na Kasulatan, Luma at Bagong Tipan, ay mga sinulat na Salita ng Dios, ibinigay sa pamamagitan ng pagkasi ng Dios. Ang kinasihan na mga may akda ay nagsalita at sumulat habang sila ay inudyukan ng Banal na Espiritu. Sa Salitang ito, itinuon ng Dios sa sangkatauhan ang kaalaman na kailangan sa kaligtasan. Ang Banal na Kasulatan ay ang pinakamataaas, makapangyarihan, at ang walang pagkakamaling pahayag ng Kanyang kalooban. Sila ang batayan ng paguugali, ang panuri ng karanasan, ang buod na tagapahayag ng doktrina, at ang mapagkakatiwalaang tala ng gawa ng Dios sa kasaysayan. (Awit. 119: 105; Kaw. 30: 5, 6; Isa. 8: 20; Juan 17: 17; 1 Tess. 2: 13; 2 Tim. 3: 16, 17; Heb. 4: 12; 2 Pedro 1: 20, 21. )
“Ang kaalaman ng katotohanan ay hindi masyadong nakabatay sa antas ng katalinuhan kaysa sa kadalisayan ng hangarin, ang kasimplehan ng taimtim, at umaasang pananampalataya. Sa mga may kapakumbabaan ng puso na naghahanap sa gabay ng Dios, lumalapit ang mga anghel ng Dios. Ipinagkaloob ang Banal na Espiritu upang buksan sa kanila ang saganang kayamanan ng katotohanan. ” E. G. W. (Christ’s Object Lessons, cp. 2, p. 39)
- Slides: 10