Ang Pamanahong Papel Ito ay isang uri ng
















- Slides: 16
Ang Pamanahong Papel
Ito ay isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko.
Mga Pahinang Preliminari o Front Matters
Fly Leaf 1 Ito ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat na kahit na ano sa pahinang ito.
Pamagitang Pahina Ito ang pahinang nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong-papel.
Dahon ng Pagpapatibay Ito ang pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong papel.
Pasasalamat o Pagpapakilala Sa pahinang ito tinutukoy ng mananaliksik ang mga indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng pamanahong-papel at kung gayo’y nararapat pasalamatn o kilalanin.
Talaan ng Nilalaman Dito nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahongpapel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
Talaan ng Talahanayan at Grap Dito nakatala ang bawat pamagat ng bawat talahanayan ato grap na nasa loob ng pamanahong papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
Fly Leaf 2 Ito ay isa na namang blangkong pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.
Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran Nito
Panimula o Introduksyon Ito ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng panananaliksik.
Layunin sa Pag-aaral Dito nilalahad ang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga ispesipik na suliranin na nasa anyong patanong.
Kahalagahan ng Pag-aaral Dito inilalahad ang signipikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral.
Saklaw at Limitasyon Tinutukoy dito ang simula at hangganan ng pananaliksik.
Depinisyon at Terminolohiya Dito itinatala ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binibigyang kahulugan.