Ang mga Panghalip Panaklaw at Pananong Bukod sa
Ang mga Panghalip Panaklaw at Pananong
Bukod sa panao at pamatlig, ang panaklaw at pananong ay ilan pa sa mg uri ng panghalip. Panghalip Panaklaw - ay ang tawag sa mga panghalip na sumasaklwa sa kaisahan, dami, o kalahatan ng pangngalang tinutukoy.
Halimbawa: balana, madla, ilan, alinman, kailanman, paanuman, iba, tanan, isa, anuman, gaanuman, saanman, lahat, pawa, kapwa, ilanman, magkanuman at sinuman.
Halimbawa: Ang lahat ay sama-samang naglinis sa paaralan. Sinuman ay tumutulong sa pagtatanim ng mga puno sa ating bayan. Hindi lang tayo pero maging ang kapwa natin ay makikinabang sa ating pagsisikap.
Panghalip Pananong - ay mga katagang ginagamit sa pagtatanong na maaring tungkol sa tao, bagay, panaho, lunan at pangyayari. Ito ay maaring isahan at maramihan.
Isahan: ano, alin, kanino at sino. Halimbawa: Sino ba ang dapat manguna sa pangangalaga sa kapaligiran? Alin dapat ang unahin ang sarili o kapwa?
Maramihan; ano-ano, alin-alin, kani-kanino at sino-sino. Halimbawa Ano-ano dapat ang gawin natin para magkaroon ng totoong pagbabago? Sino-sino ang dapat kumilos para magkaroon ng pagkakaisa ang lahat?
Punan ng tamang panghalip panaklaw ang linya upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Piliin ang sagot sa ibaba. (Worksheet no. 06) kapwa gaanuman ilan magkanuman isa
1. Ako ang _____ sa mga kalahok sa patimpalak. 2. _____ kahirap ang buhay patuloy pa rin akong magsusumikap para sa aking kinabukasan. 3. _____ ay handa kong itulong sa kanya para siya ay gumaling. 4. Ang _____ sa aking mga kakampi ay ubod ng husay. 5. Ang aking mga guro ay _____ matatalino.
Isulat kung isahan o maramihan ang panghalip na nabanggit. ________1. kanino ________2. sino-sino ________3. alin-alin ‘________4. sino ________5. ano
MGA TAMANG SAGOT 1. isa 2. gaanuman 3. magkanuman 4. ilan 5. kapwa 1. isahan 2. maramihan 3. maramihan 4. isahan 5. isahan
Isulat ang mga Panghalip Panaklaw at Pananong na ginamit sa mga sumusunod na pangungusap. (Notebook) 1. Ang lahat ay dapat kumilos para masagip ang mga kagubatan at ilog. 2. Ano-ano ang magagawa natin para makamit ang pagbabagong ito sa kagubatan?
3. Ang kapwa natin ay magiging bahagi ng pagsagip sa ating mundo. 4. Alin ang mas makakabuti ang kumilos o manahimik nalang sa pagdumi ng ilog? 5. Sinuman ay maaaring tumulong para sa pagsagip sa kagubatan. ang mas makakabuti ang kumilos o manahimik
MGA TAMANG SAGOT 1. lahat 2. ano-ano 3. kapwa 4. alin 5. sinuman
Maraming Salamat sa pakikinig!
- Slides: 15