ANG MAIKLING KWENTO Ano ang maikling kwento Sangay

  • Slides: 33
Download presentation
ANG MAIKLING KWENTO

ANG MAIKLING KWENTO

Ano ang maikling kwento? • Sangay ng salaysay na may iisang kakintalan • May

Ano ang maikling kwento? • Sangay ng salaysay na may iisang kakintalan • May isang madulang bahagi ng buhay na tinatalakay • May isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin • May isang mahalagang tagpo

 • Mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na madaling sinusundan ng

• Mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na madaling sinusundan ng wakas. • Tinatawag ding maikling katha ang maikling kwento.

G. Edgar Allan Poe • Tinaguriang “AMA ng MAIKLING KWENTO” dahil siya ang kaunaunahang

G. Edgar Allan Poe • Tinaguriang “AMA ng MAIKLING KWENTO” dahil siya ang kaunaunahang manunulat na nagpakilala ng maikling kwento bilang isang sining.

G. Edgar Allan Poe Nahilig siya sa mga kwentong may balangkas na kakaiba at

G. Edgar Allan Poe Nahilig siya sa mga kwentong may balangkas na kakaiba at katangi-tangi.

Ginoong O'Henry SA PILIPINAS ( Panahon ng Amerikano)

Ginoong O'Henry SA PILIPINAS ( Panahon ng Amerikano)

SA PILIPINAS ( Panahon ng Amerikano) • “ Mga Kwentong Ginto” ( 1936) (ALEJANDRO

SA PILIPINAS ( Panahon ng Amerikano) • “ Mga Kwentong Ginto” ( 1936) (ALEJANDRO G. ABADILLA) • “ Kwentong Ginto ng 50 Batikang Kwentista” ( 1939) (PEDRITO REYES)

Iba pang sikat na manunulat ng Maikling Kwento: • • Ernest Hemingway Sherwood Anderson

Iba pang sikat na manunulat ng Maikling Kwento: • • Ernest Hemingway Sherwood Anderson Thomas Dreiser William Faukner • Anton Chekov ( Rusya)- unang naghimagsik laban sa dating paraan ng pagsulat ng maikling kwento

MGA UGAT NG MAIKLING KWENTO • MITOLOHIYA • PABULA • PARABULA • ALAMAT •

MGA UGAT NG MAIKLING KWENTO • MITOLOHIYA • PABULA • PARABULA • ALAMAT • KWENTONG BAYAN • KARANIWANG KWENTO

Mga Bahagi at Sangkap ng Maikling Kwento Simula Kabilang sa simula ang mga tauhan,

Mga Bahagi at Sangkap ng Maikling Kwento Simula Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

PROTAGONISTA Siya ang bida sa kwento.

PROTAGONISTA Siya ang bida sa kwento.

ANTAGONISTA Siya ang kontrabida sa kwento.

ANTAGONISTA Siya ang kontrabida sa kwento.

TAUHANG LAPAD Hindi nagbabago ang katauhan sa kwento mula sa simula hanggang wakas.

TAUHANG LAPAD Hindi nagbabago ang katauhan sa kwento mula sa simula hanggang wakas.

TAUHANG BILOG Kabaligtaran ng tauhang lapad; nagbabago ang katauhan sa kwento.

TAUHANG BILOG Kabaligtaran ng tauhang lapad; nagbabago ang katauhan sa kwento.

 • Gitna • Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.

• Gitna • Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Wakas Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng

Wakas Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.

PANINGIN Tumutukoy sa pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang katha. Makikilala ng

PANINGIN Tumutukoy sa pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang katha. Makikilala ng bumabasa ang nilikha ng nagsasalaysay sa pamamagitan ng paningin.

Karaniwang paraan ng pagsasalaysay ng kwento. . . • Paningin sa unang panauhan (

Karaniwang paraan ng pagsasalaysay ng kwento. . . • Paningin sa unang panauhan ( ang nagsasalita) • Paningin sa pangatlong panauhan ( ang kinakausap ) • Obhetibong paningin ( pinag-uusapan)

Unang Panauhan • Sasanib ang may akda sa isa sa mga tauhan na siyang

Unang Panauhan • Sasanib ang may akda sa isa sa mga tauhan na siyang nagsasalaysay ng kwento.

Halimbawa: ( Suyuan sa Tubigan) ni Macario Pineda Sumisilip pa lamang araw nang kami'y

Halimbawa: ( Suyuan sa Tubigan) ni Macario Pineda Sumisilip pa lamang araw nang kami'y lumusong sa landas na patungo sa tubigan ni Ka Teryo. Nakasabay namin sa Ka Albina, na kasama ang dalaga niyang si Nati at ang kanyang pamangking si Pilang. Ang tatlo'y may sunong na mga matong ng kasangkapan at pagkain.

Pangatlong Panauhan • Gumagamit ang may-akda ng pangatlong panauhan na siyang malayang nagsasalaysay ng

Pangatlong Panauhan • Gumagamit ang may-akda ng pangatlong panauhan na siyang malayang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa kwento. Nagagawa ng nagsasalaysay ang lahat ng gusto niyang sabihin o maaari rin namang itago ang nais itago.

Halimbawa: “Alsado” ni Reynaldo A. Duque • Namimitak na ang bukang-liwayway. Hindi pa nahahawi

Halimbawa: “Alsado” ni Reynaldo A. Duque • Namimitak na ang bukang-liwayway. Hindi pa nahahawi ang makapal na dagim na nakatalukbong sa paligid. Malagablab ang ginantsilyong apoy ng siga sa harap ng dap-ayan. Hindi pa nakatilaok nang tatlong ulit ang mga labuyo nang madaling- araw na iyon ngunit gising nang lahat ang halos ng mga taga-Baugen. Matatandang lalaki. Matatandang babae. Mga bata. Ang kabataan. Para silang mga guyam na sunod na nagtungo sa dap-ayan.

Obhetibong Paningin • Ang tagapagsalaysay ang nagsisilbing kamera na malayang nakalilibot subalit naitatala lamang

Obhetibong Paningin • Ang tagapagsalaysay ang nagsisilbing kamera na malayang nakalilibot subalit naitatala lamang nito ang tuwirang nakikita at naririnig. Sa pananaw na ito, tumatayong tagapanood lamang bumabasa sa mga pangyayari sa kwento.

Obhetibong Paningin o Paninging Palayon – ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera o malayang nakalilibot

Obhetibong Paningin o Paninging Palayon – ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera o malayang nakalilibot habang itinatala nito ang bawat nakikita at naririnig. Ang tagapagsalaysay ay hindi nakakapasok sa isipan ng tauhan at hindi rin nakapagbibigay puna o paliwanag. Tumatayong tagapanood lamang siya ng mga pangyayari sa kwento. Nakikita niya ang ginagawa ng mga tauhan, naririnig ang sinasabi nila , ngunit hindi niya tuwirang masasabi ang kanilang iniisip o nadarama.

Halimbawa: “Ang Nara, ang Bagyo at ang Alaala” ni A. Sanchez Encarnacion • Pinulot

Halimbawa: “Ang Nara, ang Bagyo at ang Alaala” ni A. Sanchez Encarnacion • Pinulot ni Victor ang naligaw na dahon ng nara na nilipad sa pasamano ng bintana, at hindi niya naunawaan kung bakit dahan niya itong inilagay sa lukong ng malambot na palad.

Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya ng ina. Lagi niyang isinasaisip ang

Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya ng ina. Lagi niyang isinasaisip ang mga biling ito. Ngunit sadya yatang hindi siya makapagtitimpi kapag naririnig niya ang masasakit na panunuksyo sa kanya sa gripo, lalung-lalo na mula kay Ogor. Si Ogor, na kamakailan lamang ay bumabag sa kanya, ang malimit magsisimula ng panunukso: "Ang itim mo, Impen!" itutukso nito. "Kapatid mo ba si Kano? " isasabad ng isa sa mga nasa gripo. "Sino ba talaga ang tatay mo? " "Sino pa, " isisingit ni Ogor, "di si Dikyam!"

PAKSANG-DIWA O TEMA • Ito ang kaisipang iniikutan ng katha. Upang matukoy ang tema,

PAKSANG-DIWA O TEMA • Ito ang kaisipang iniikutan ng katha. Upang matukoy ang tema, dapat nating itanong kung ano ang sentral na ideya ng kwento: pagkaunawa sa buhay ang nilalaman nito.

 SIMBOLO Ang simbolo ay isang makasining na sangkap na ang layunin ay kumakatawan

SIMBOLO Ang simbolo ay isang makasining na sangkap na ang layunin ay kumakatawan sa isang uri ng damdamin, bagay, paniniwala, o kaisipan. Katulad ng mga sangkap na panretorika, ang simbolo ay may tungkuling magkintal ng isang bagay sa isip ng mambabasa upang iyon ay maging ganap na bahagi ng kanyang pang-unawa. Kagaya ng mga tayutay o talinhaga, ang pangunahing layunin ng simbolo ay ang magkintal ng mga imahe o larawan. Sa isang maikling kuwento lalo na, makakatulong nang malaki ang mga simbolo upang makapagdulot ng kaisahang kintal o diwa.

tanikalang bakal - kawalan ng kalayaan putol na tinapay at santabong sabaw - paghihirap

tanikalang bakal - kawalan ng kalayaan putol na tinapay at santabong sabaw - paghihirap maruming kamay - kasalanan sugat ng puso - pighati, dalamhati

. Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan

. Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na simile sa Ingles. Halimbawa: 1. Tila yelo sa lamig ang kamay Ng binata nang dumampi sa kanyang pisngi. 2. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning. 3. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardinas sa piitan.

Idagdag pa ang paglalarawang ito: Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang

Idagdag pa ang paglalarawang ito: Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagihang larangan. Ang matinding sikat ay sumisimbolo sa galit ni Impen kay Ogor na matagal niyang kinimkim. Bagamat si Impen ay mandirigmang sugatan ngunit natuklasan niya ang kanyang kakayahan, ang kakayahang ipagtanggol ang sarili laban sa pang-aalipusta ng iba. Ito ay isang tagumpay para sa kanya. At hindi na siya papayag na muling apihin ninuman.

 • K - awili-wiling basahin ng bawat mag-aaral upang lalong matuto sa •

• K - awili-wiling basahin ng bawat mag-aaral upang lalong matuto sa • W- ika, gramatika, higit sa lahat ito ay nagsisilbing • E - hemplo ng buhay batay sa mga mensahe at kakintalang • N - nakapaloob sa isipan ng may-akda o sumulat, nang sa gayon • T - ayo ay maging mas mabuting nilalang para sa Kanya sa bawat • O- ras, sa bawat sandandali ng ating buhay at pakikisalamuha sa iba.

Salamat sa Panginoon sa biyaya ng maikling kwento. =)

Salamat sa Panginoon sa biyaya ng maikling kwento. =)