Ang Ibatibang Uri Ng Pangungusap Inihanda ni Jerix
Ang Ibat-ibang Uri Ng Pangungusap Inihanda ni: Jerix Barbadillo Jm Abara Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Pangungusap ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa. Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Mga ayos ng pangungusap May dalawang ayos ang pangungusap: karaniwan at di-karaniwan. Kung ang panaguri ay nauuna kaysa simuno, ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos Halimbawa Bumili ng bagong sasakyan si Juan. panaguri Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
at kung ang simuno naman ang nauuna kaysa sa panaguri, ang pangungusap ay nasa di-karaniwan ayos. Ang panandang "ay" ay kadalasang makikita sa mga pangungusap na nasa di karaniwang ayos Halimbawa Si Juan ay bumili ng bagong sasakyan. simuno Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Uri ng mga pangungusap (Ayon sa pangungusap na walang paksa) Mga pangungusap na eksistensyal nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao, atbp. Pinangungunahan ito ng may o mayroon. Halimbawa: Mayroon daw ganito roon. Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Mga pangungusap na pahanga – nagpapahayag ng damdaming paghanga. Halimbawa: Kayganda ng babaing iyun! Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Mga sambitla – tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin. Halimbawa: Aray!, naku po!, diyos ko atbp. Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Mga pangungusap na pamanahon – nagsasaad ng oras o uri ng panahon. Halimbawa: Maaga pa, uulan na, maaraw na Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Mga pormularyong panlipunan – mga pagbati, pagbibigay-galang, atbp. na nakagawian na sa lipunang Pilipino. Halimbawa: Magandang umaga po, kamusta na po kayo? Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Mga pangungusap na sagot lamang sagot sa mga tanong na hindi na kailangan ng paksa. Halimbawa: T: nandiyan ba siya? S: wala/ oo Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Mga pangungusap na Pautos- Ang pangungusap na pautos ay nag-uutos o nakikiusap. Gumagamit ito ng salitang pakiusap. Halimbawa: Pakidala, pakitulong, pakiabot. Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Mga pangungusap na ayon sa gamit Maiuuri rin ang pangungusap bilang pasalaysay o paturol, patanong, paut os at padamdam: Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Pasalaysay o Paturol - Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi itong nagtatapos sa tuldok(. ) Halimbawa: siya ay maganda. Tayo ay magkaisa. Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Patanong: Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari, at tandang pananong(? ) ang bantas sa hulihan nito. Halimbawa: kumain ka na ba? Nagkita ba kayo? Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Pautos: Ito ay uri ng pangungusap kung saan ay nakikiusap o nag uutos ito. Halimbawa: pakiabot naman ng aking libro. Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Padamdam: Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba pa. Halimbawa: magaling! Wow! Nako! Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Magbigay ng halimbawa sa mga sumusunod 1. 2. 3. 4. Pasalaysay o paturol Patanong Padamdam pautos Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Tukuyin kung karaniwan o di karaniwan ang pangungusap 1. Dumalo sa pulong ang mga tao. 2. Naghihintay ng matagal ang mga bata. 3. Ipamamahagi na ang bigas sa sako. 4. Nagbabasa sa aklatan ang mga bata. 5. Sila ay tahimik na nagbubukas ng aklat. Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Tukuyin ang panguri at simuno, 1. Unti-unting nagbago ang ugali niya 2. Natuto siyang magsigarilyo 3. Nakiusap ang ina ni Obet 4. Nadakip ng dalawang pulis si Obet 5. Siya y nanghiram Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
- Slides: 20