Ang Alamat ng Dumanjug sa Cebu Para sa
Ang Alamat ng Dumanjug sa Cebu (Para sa Ikalawang Taon ng High School (Filipino) I. PANIMULA II. GAWAIN III. PROSESO IV. MGA SANGGUNIAN V. EBALWASYON VI. PAGTATAPOS
Panimula Isang umaga, tilaok ng manok ang narinig. Makalipas ang ilang sandali ay nabulabog ang taong bayan ng malakas na sigaw. “Nahug si Duman! Tabang mo. Si Duman nahug sa lubi! Si Duman nahug!” (Help, Duman fell from a coconut tree!) Ang maikling kuwentong ito ay nagpapahiwatig kung bakit tinawag na Dumanjug ang bayan ng Dumanjug, Cebu. O, narinig n’yo ba? Tilaok ng manok! Ang ibig sabihin nito ay, “Halika na’t umpisahan ang bago nating trip—ang pagsusuri ng mga alamat ng Dumanjug!" Bumalik xa unang pahina
Gawain Panahon na upang maitala ang iba’t ibang alamat ng mga barangay na bumubuo sa Dumanjug. Kayong mga amateur folklorist ay inatasan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na gumawa ng isang anthology o koleksyon ng mga alamat ng Dumanjug. Ang anthology ay maglalaman ng iba’t ibang alamat tungkol sa mga bagay-bagay na makikita sa Dumanjug, mga guhit o disenyo (graphic design) tungkol sa mga alamat na ito, at maikling pagsusuri tungkol sa mga pagpapahalagang makikita sa bawat alamat. Bumalik sa unang pahina
Proseso 1. Binubuo ng limang miyembro sa isang pangkat. Ang bawat miyembro ay may kani-kaniyang tungkulin. Pag-usapan ninyong mabuti sa inyong pangkat kung sino ang gagawa ng bawat tungkulin. Miyembro Tungkulin Folklorista (2 miyembro) Magsasaliksik at magtatala ng isang alamat mula sa Dumanjug tungkol sa isang piling paksa. Ilustrador (1 miyembro) Gumuhit ng ilustrasyon okumuha ng larawan ssa net para sa alamat na nakalap ng mga folklorist Kritiko (2 miyembro) Susulat ng sanaysay na nagsusuri ng mga pagpapahalagang makikita sa mga alamat na nakalap
Isang alamat lamang itatala ng bawat pangkat. Ngunit ito ay dapat tungkol sa isang paksa. Matapos mapag-usapan ng inyong pangkat ang paghahatian ng tungkulin, papipiliin kayo ng paksa ng inyong guro sa pamamagitan ng bunutan. Nakasulat sa maliliit na papel ang iba’t ibang paksa (halimbawa, anyo ng tubig, panagalan ng lugar, punong-kahoy, prutas) at isa sa inyong pangkat ang bubunot ng isang papel upang malaman kung ano ang paksa ng alamat na inyong sasaliksikin, itatala, gagawan ng guhit, at susuriin. 2. Kapag alam na ng lahat ng pangkat ang kanilang paksa at naghatian na ng mga tungkulin ang mga miyembro ng bawat pangkat, isasagawa ninyo ang background research sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga website na nakatala sa Mga Sanggunian. Upang higit na maging kawili-wili, ang isang bahagi ng background research na ito (tungkol sa istruktura ng alamat) ay gagawin bilang online treasure hunt sa pangangasiwa ng inyong guro. Ang mga Internet resources na hindi kasali sa online treasure hunt at mga resources kagaya ng libro ay pwede ninyong basahin sa inyong vacant period. Kinakailangang matapos ang background research sa loob ng isang linggo. .
3. Pagkatapos ng background research ay gagawin ng dalawang folklorista sa pangkat ang field interviews. Kung mayroong kapamilya na nakakaalam ng isang alamat tungkol sa inyong paksa ay maaaring sila ang kapanayamin. Kung wala naman ay kapanayamin ang mga kilalang guro ng paaralan na may kaalaman sa inyong paksa. May ilang patakaran sa pakikipagpanayam na kailangan sundin. Sabi nga ng matatanda, may mga nuno sa punso at may mga diwata sa paligid at sila ay magagalit kung hindi kayo magiging maingat sa inyong pag-interview. Tandaan ang mga sumusunod: a. Ugaliing magbigay galang. b. Magdala ng bolpen at notebook. c. Gawing mainam lang pagtatanong. d. Huwag kaligtaang isulat ang pangalan ng nagbahagi ng alamat. Maaari ring kumuha ng litrato ng kapanayam o kaya’y palagdain ang nakapanayam sa notebook nyo bilang patunay na kayo nga ay nagkaroon ng interview sa kanya (ipasulat din ang petsa at oras ng interview). Kinakailangang makahanap kayo ng isang alamat tungkol sa tamang paksa sa loob ng isang linggo.
4. Isusulat nang maayos ng dalawang folklorista sa pangkat ang alamat na nakuha sa field interview. Isusulat nila ito ayon sa istruktura ng alamat sa loob ng dalawang araw. Pagkatapos ay ipabasa sa ibang miyembro ng pangkat ang nakasulat na alamat at hingan sila ng mungkahi upang maging higit na maganda ang pagkakasalaysay dito. Gagawin naman ng ilustrador ang mga guhit o ilustrasyon na angkop sa alamat na sinalaysay ng ka-grupong folklorista. Kasabay dito ang pagsulat ng dalawang kritiko sa pangkat ng isang sanaysay na nagsusuri ng mga pagpapahalagang makikita sa naturang alamat. Kinakailangang matapos ang mga gawaing ito sa loob ng tatlong araw.
5. Magpupulong ang buong pangkat upang tingnan ang ginawa ng ilustrador at mga kritiko. Kung kinakailangan ay aayusin o rerebisahin nila ang kanilang ginawa ayon sa mungkahi ng ilang miyembro ng pangkat. Gawing gabay sa pagrerebisa ang rubric na makikita sa Ebalwasyon. Ang pulong na ito ay maaaring gagawin sa blog. Sa pagkakataong ito gagawin ang pag-eencode ng inyong mga sinulat at pag-scan ng mga guhit na ginawa ng ilustrador. Mangyari pa ay isang formatted document ang anyo ng inyong isusumiteng alamat na may kasamang guhit at sanaysay. 6. Isumite ang naka-format at illustrated na alamat at ang kasamang sanaysay sa takdang araw. Bumalik sa unang pahina
Mga Sanggunian Myths and legends http: //www. pibburns. com/myth. htm What is a myth http: //www. pinoystuff. com/folklore/myths. htm Sample myth http: //www. pinoystuff. com/folklore/myths/malaksav. htm What is a legend http: //www. pinoystuff. com/folklore/LEGENDS. HTM Structure of legends http: //www. leraconteur. scriptmania. com/Legendplan. htm Examples of legends http: //www. planetozkids. com/oban/legends. htm Examples of legends in Filipino http: //www. hawaii. edu/filipino/Related%20 Material%20 pages%20/Mga%20 Alamat. html Myths and legends from all over the world http: //www. mythorama. com/_mythes/indexus. php Mga halimbawa ng pagsusuri ng alamat at mito http: //www. azer. com/aiweb/categories/magazine/63_folder/63_articles/63_legends. html http: //www. apologeticspress. org/rr/rr 2003/r&r 0311 b. htm Bumalik sa unang pahina
Ebalwasyon Dahil naging matiyaga kayo sa pananaliksik at naging bahagi ng bayan ng Dumanjug, bibigyan kayo ng marka bilang isang team/pangkat ayon sa sumusunod na rubric o criteria. Makikita rin sa ibaba kung ano ang batayan ng kabuuan ng inyong grado. Lubos na Katanggaptanggap (5 punto) Di Katanggap (1 punto) NILALAMAN Ang alamat ay tungkol sa paksang iniatas sa pangkat (halimbawa, punongkahoy, hayop, anyong tubig, bulaklak o prutas, o pangalan ng lugar) at ito ay makikitang nanggaling sa bayan ng Dumanjug. Ang alamat ay tungkol sa Ang alamat ay hindi paksa ngunit hindi bayan tungkol sa paksa at hindi ng Dumanjug ang rin nangyari sa Dumanjug pinangyarihan ng alamat. O di kaya’y Dumanjug ang lugar na pinangyarihan ng alamat ngunit ito ay hindi tungkol sa paksa. ISTRUKTURAOR May malinaw na simula, katawan, at pagtatapos ang alamat. Maayos ang daloy ng alamat mula sa simula hanggang a pagtatapos nito. Sa higit na maraming beses ay lohikal ang daloy ng alamat. Ngunit may ilang parte na parang wala sa lugar o di lohikal ang pagkakaugnay sa iba pang ANG ALAMAT GANISASYONJ Ang alamat ay hindi tungkol sa paksa at hindi rin nangyari sa Dumanjug
Mecaniks Ang pagkakasulat ng alamat ay ayon sa mga panuntunan sa spelling, grammar at punctuation. At angkop ang mga salitang ginamit sa alamat. May ilang mali sa spelling, grammar at punctuation. Sa higit na maraming beses ay angkop ang gamit ng salita Maraming mali sa spelling, grammar, at punctuation. Ang mga salitang ginamit ay di gaanong angkop. Mga Illustration o Guhit BILANG Balanse ang dami ng teksto at mga guhit o ilustrasyon ng alamat. May isa o dalawang parte na dapat ay may guhit ngunit wala. Masyadong marami ang guhit na nasasapawan ng mga ito ang teksto. O kaya’y isa lamang o walang guhit tungkol sa alamat. PAGIGING ANGKOP(approp riateness) Lahat ng guhit ay angkop sa alamat o tungkol sa nais ipahiwatig ng alamat. Kalahati lamang ng guhit angkop sa alamat Kakaunti lamang na guhit angkop sa alamat.
Visual appeal Malinaw at makulay ang lahat ng mga guhit. Kaayaayang tingnan ang mga guhit dahil tama ang gamit ng kulay at maganda ang estilo ng guhit. May isa o dalawang malabo o malabnaw na guhit ngunit ang higit na marami ay malinaw, tama ang kulay, at kaayayang tingnan. Ang higit na maraming guhit ay hindi kaayaayang tingnan. Maling kulay ang ginamit at hindi malinaw. Pagsusuri ng mga Alamat Nilalaman Ang pagsusuri ay tungkol sa mga pagpapahalaga na makikita sa alamat na itinala ng grupo. Malalim ang pagsusuri na ginawa. Ilang pagpapahalaga lamang makikita sa mga alamat ang sinusuri. Maaaring maging mas malalim pa ang pagsusuring ginawa. Isang pagapapahalaga lamang binabanggit sa pagsusuri. Mababaw lamang pagsusuring ginawa. Istruktura /organisasyon Mayroong malinaw na panimula, katawan, at pagtatapos ang pagsusuri. Maayos ang daloy ng sanaysay mula sa simula hanggang sa pagtatapos Sa higit na nakararaming beses ay lohikal ang daloy ng pagsusuri. Ilang parte lamang parang wala sa lugar o di lohikal ang pagkakaugnay sa iba pang bahagi. Hindi maayos ang daloy ng pagsusuri. Nakakalito ang istruktura ng pagsusuri.
Mekanics Ang pagkakasulat sa pagsusuri ay ayon sa mga panuntunan sa spelling, grammar at punctuation. Angkop ang mga salitang ginamit. May ilang mali sa spelling, grammar at punctuation. Sa higit na maraming beses ay angkop ang gamit ng salita Maraming mali sa spelling, grammar, at punctuation. Ang mga salitang ginamit ay di gaanong angkop. Ang perfect score para sa group work ay 45 points. Bagaman bibigyan ng score ang kontribusyon ng bawat miyembro, ang kabuuang score ng pangkat ang siyang magiging score ng lahat ng miyembro. Kung kaya’t kinakailangan ninyong magtulungan upang matiyak na maganda ang kontribusyon ng bawat isa. Bumalik sa unang pahina
Pagtatapos Pag-iisipan ninyong mabuti kung aling mga alamat ang inyong itatala. Sa pagkakataong ito ay makikipagugnayan kayo sa mga nakakatanda sa inyo at sa ibang miyembro ng inyong komunidad sa pananaliksik tungkol sa mga alamat nito. Pagkatapos ay bibigyang kahulugan ninyo ang isang alamat sa pamamagitan ng pagguhit ng mga larawang angkop dito at pagsusuri ng mga kahalagahang makikita dito. Sa prosesong ito, sana ay higit ninyong makilala ang ating sariling kultura. At sana ay kapulutan ninyo ng aral ang inyong mga nakalap na alamat. Pindutin
CONGRATULATIONS!! Pangkat ni: �June Intic �Angeli H. Contiveros �Rizza Q. Panaginip
- Slides: 15